THREE

2.3K 62 8
                                    

"Hey," halos mapatalon sa gulat si Nairam nang marinig ang pamilyar na boses na nanggaling mula sa likuran niya. Kaagad niyang hinamig ang sarili at hindi pinansin ang lalaki nang tumabi ito sa kaniya.

Kasalukuyan silang nasa deck ng yate nito. Ginaya nito ang posisyon niya. Umupo din ito sa gilid ng deck at inilaylay ang mga paa nito. Katatapos lang nila kumain ng tanghalian at kaagad siyang lumabas mula sa kusina. Bukod sa nahihiya siya sa binata, hindi din siya ganoon kakumportable dito. Madaldal ito, sobra. At maraming kabalbalan na lumalabas sa bibig ng lalaki.

Hindi siya makapag-isip. Kailangan na niyang kaagad makaalis doon at makabalik sa fishing vessel ni Mr. Whale. Dalawang araw na siyang nasa yate ng estranghero at sigurado siyang dalawang araw na ding pinahihirapan ng matabang butanding na iyon ang mga batang naiwan niya sa fishing vessel nito.

Napatitig siya sa karagatan. Banayad ang galaw ng mga alon. Paano ko naman kaya gagawin iyon? Ni hindi nga niya alam kung nasaan sila ngayon. Puro alon ang natatanaw niya. Literal na nasa gitna sila ng kawalan.

Ni hindi din niya alam maski ang pangalan ng estrangherong kasama. Wala siyang lakas ng loob tanungin ito. Kahit kausapin man lang ito, hindi niya magawa. Wala pa din siyang tiwala dito.

"You okay?" mahinahong tanong nito. "You look bothered. Still hungry? I could cook for you again," he looked directly on her eyes. Umiwas siya ng tingin. May kung ano sa loob niya ang nahihipnotismo sa kulay abo nitong mga mata. His eyes are like those in werewolf movies.

"Still not talking, huh?" Diretso ding tumingin ang lalaki sa dagat. "Don't you trust me?" Agad na bumalik ang tingin niya dito dahil sa tanong nito. Malungkot na ang mga mata ng binata.

Naguilty naman siya dahil sa ekspresyon nito. His eyes reflects the sea. At mas naging mukhang malungkot pa ang mga iyon dahil doon. Tumikhim siya upang maalis ang bara sa kaniyang lalamunan. She certainly not trust him, lalo na at guwapo ito. Iyon ang problema. Guwapo ito, sobra. At mukhang nanggaling sa marangyang pamilya. Kaya hindi niya ito pagkakatiwalaan kahit pa may kung ano sa loob-loob niya ang tila ba nabubuhay sa tuwing nakikita niya ito.

Dahil alam na alam na niyang ang mga lalaking may ganitong taglay na kaguwapuhan ay hindi mapagkakatiwalaan. She experienced it once. At hindi niya hahayaang mahulog uli siya sa patibong ng mga lalaki.

Nag-igting ang mga panga niya nang may isang alaala na kumudlit sa isip niya.

"May gusto akong ipakilala sa iyo, Nairam."

Nag-angat siya ng tingin kay Deacon at itinigil ang pagduyan gamit ang pagsalubsob ng mga paa niya sa lupa. Kasalukuyan silang nasa park at magkatabi lamang na nakaupo sa swing.

Magmula nang lumayas siya sa kanilang bahay dahil sa pambubugbog ng sugarol niyang nanay at lasinggerong tatay ay  nagpagala-gala na siya sa lansangan. At doon na din niya nakikilala ang binatilyo. Pitong taon ang agwat ng mga edad nila. Siyam na taong gulang pa lamang siya at labing-anim naman ito.

"Hm? Sino naman, Kuya Deacon?" malambing na tanong niya. Mabait sa kaniya ang Kuya Deacon niya. Guwapo din ito kahit pa paminsan-minsan ay madumi ang suot na damit dahil sa alikabok ng lansangan. Palagi siya nitong pinapakain, dinadala sa plaza, at binibigyan ng maayos damit. Kahit pa hindi niya alam kung saan nito nakukuha ang perang ginagamit, gayong ayon dito ay lumaki na din daw ito sa lansangan.

"Isa siya sa mga mababait kong kaibigan. Kaya gusto kong maging mabait ka din sa kaniya, okay?" Tumango-tango na lamang siya sa sinabi niyo. "Nandito na siya kanina pa." Pagkatapos ay tumingin ito sa likuran niya. Unti unti din siyang napalingon sa likuran para tingnan ang sinasabi nitong 'kaibigan' na kanina pa daw naroroon.

ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon