TWENTY THREE

460 15 0
                                    

"Now do I look like a queen?" Then she striked a pose. Itinaas nito ang isang kamay at idinikit ang likod ng palad sa noo.

"I apologize for my behaviour earlier. And as the queen, I welcome you to Santorini."

A Queen. Isang Reyna.

Dalawang ulit iyong sinabi ng ina ng binata kay Nairam.

Kung gayon... ?

Namimilog ang mga mata niya nang mapatingin kay Mirkov.

Huwag mong sabihing ang binata ay isang... ?

Binigyan siya nang isang malaking ngiti ni Mirkov na para bang alam kung ano ang eksaktong iniisip niya. At halos mahimatay siya dahil doon!

***

Itinago ni Nairam ang panginginig ng kamay. At ngayon lamang siya nahirapan na gawin ang bagay na iyon. Paano ba namang hindi? Gayung kasalukuyan na silang kumakain sa isang napakahabang mesa, at halos nasa tapat lamang niya ang reyna.

Malaki ang ngiti nito sa habang nakatingin sa kaniya. Habang siya ay pasimple lamang na sumusulyap at nahihiyang pangiti-ngiti dito. Hindi naman kasi niya alam ang dapat gawin; hindi makatingin ng diretso sa mga mata nito. Samantala nasa dulo naman ng mesa ang asawa nito: ang hari. Tahimik lamang ito, at napakapormal ng kilos habang kumakain. Mukha itong intimidating at unapproachable. Nakakulay navy blue rin itong suit and tie tulad ng suot ni Mirkov.

Tahimik na tahimik ang kanilang mesa; pormal na pormal. Ang tanging maririnig lamang ay ang panaka-nakang pagkalansing at mahihinang tunog ng pagtama ng kubyertos sa mga plato. At hindi siya sanay sa kapormalan na iyon. Maging ang mga empleyado ay pormal ring nakatayo sa mga sulok ng malaking kuwartong iyon, naghihintay at handang sumunod sa kung anumang ipag-uutos.

Mirkov actually looked a lot like his father. Kapansin-pansin ang pagiging magkamukha ng dalawa. The two of them have almost identical features, except for his eyes. Nakuha nito ang mga iyon sa ina. Magkakulay rin ang mga mata ng binata at ang mga mata ng ina nito.

They may possess the same facial features but Mirkov's attitude is far different from his father. At ngayon napapaisip na siya kung paano ito ang ang ina ng binata nagkakilala. Sa nakikita kasi niya ay magkaibang-magkaiba ang ugali ng mag-asawa.

Siguro nga, totoo ang kasabihang 'opposite attracts.'

Maraming pagkain ang nakahain sa mesa. Katabi niya si Mirkov na tahimik ring kumakain. Samantala sa kabilang tabi niya ay ang mga bata na nakatitig sa pagkain. Nagkatinginan silang tatlo at dyaheng napangiti sa isa't isa. Paano'y napakaraming kubyertos na nakalatag sa ibabaw ng mesa.

Napatitig siya sa kamay ni Mirkov at tinitigang maigi ang hawak nitong kubyertos. Pagkatapos ay muli siyang tumingin sa mga bata, kinuha ang kaparehong kubyertos na malapit sa plato niya, at sinenyasan ang dalawang bata na iyon ang dapat gamitin.

Tahimik siyang nagsimulang kumain. Ganoon din ang mga bata. Maging ang dalawa ay kinakabahan, hindi sanay sa nangyayari. Sa ilang linggo nilang pagsasama-sama sa Vasilios, nasanay sila pare-pareho sa maingay na mesa tuwing tanghalian o hapunan; nasanay sa pagkukuwentuhan; sa tawanan.

Hindi sa ganitong klase ng mesa. Ngunit wala silang magagawa kung hindi ang magbigay ng paggalang. Hindi nila gustong makagawa ng kahit anong bagay na makapagpapahiya kay Mirkov sa harap mismo ng mga magulang nito. Respeto na lamang iyon sa walang-sawang pagtulong sa kanila nang binata.

Ngunit sadyang kaba ang laging sumisira ng lahat.

Sa tuwing kinakabahan ang isang tao, nagsisimulang bumilis ang tibok ng kaniyang puso; manginig at magpawis ang kamay; at sa huli... makagawa ng pagkakamali.

ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon