THIRTY NINE

392 14 0
                                    

Napangiti si Nairam. Hanggang sa ang ngiting iyon at nauwi sa paghalakhak. Ngunit pagkatapos ng mga wala sa sariling pagtawang iyon ay ang pagpatak na naman ng kaniyang mga luha.

Patuloy siya sa paglalakad sa gilid ng kalsada kahit hindi niya alam kung saan patungo ang sariling mga paa. Hindi niya namalayan na malayo na pala ang narating ng mga iyon sa patuloy na paglalakad. Ramdam na ramdam niya ang lamig ng gabi, at ang tanging nagbibigay sa kaniya ng liwanag ay ang mga kulay dilaw na ilaw na nanggagaling sa poste at ang panaka-nakang pagdaan ng mga sasakyan.

Parang isang pelikula na paulit-ulit nagpe-play sa kaniyang utak ang nasaksihan kanina. Ang masakit pa ay pinaniniwala pa rin niya ang sarili na hindi totoo ang nakita. Na hindi iyon magagawa ng binata sa kaniya.

She keeps telling herself that she was just hallucinating. Kahit alam na alam niyang hindi naman siya dinadaya ng sariling mga mata. Napaupo siya sa gilid ng kalsada at sa sariling mga tuhod ibinuhos ang luha.

She felt betrayed and disppointed. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang umiyak sa sariling mga tuhod. May bakas na rin ng kaniyang mga luha ang parteng iyon ng kaniyang gown. Nang mabawi niya ang sarili ay muli siyang naglakad. Wala nang luha sa kaniyang mga mata, bakas na lamang ang natira. She must looked terrible right now. Ngunit nawalan na siya ng pakialam iyon.

Para siyang isang prinsesang nagising sa mahabang panaginip.

Hindi. Hindi iyon maaaring mangyari. Because in the first place, she was never a princess. Mapait siyang napangiti dahil doon. The night is just starting, the clock hasn't even made it to twelve, and yet fairygod's magic has already worn off. Mukhang iba-iba ang tagal ng epekto ng mahika. At sa kaso niya, mabilis lamang iyong naubos.

Ninamnam niya ang lamig ng hangin. Nakarating siya sa isang tulay. Tulay iyon na ang nasa ilalim ay isang ilog na paniguradong karugtong ng karagatan. Santorini is near a body of water anyway. Magmula nang unang beses na makarating siya sa bansang ito ay ngayon lamang siya nakalabas mula sa palasyo. Kaya ngayon lamang niya nakita ang ganda ng Santorini. Mahigpit siyang napahawak sa railings ng tulay.

Ilang minuto lamang ang lumipas nang tumunog ang kaniyang cellphone. Agad niya iyong kinuha mula sa purse na dala. Natigilan siya nang makitang numero ni Carlos ang nakarehistro sa screen niyon. Nanginginig ang kaniyang mga daliri ng pinindot niya ang end call button at pinatay ang tawag. Ayaw niyang kumausap nang kahit na sinong kasalukuyang nasa palasyo.

Nagpatuloy siya sa paglalakad, walang balak na bumalik sa kung saan siya nanggaling. Hanggang sa makarating siya sa mga establisyamento. Tila town plaza iyon. Maliwanag na ang paligid at marami-raming tao ang naglalakad. Ang iba ay patuloy ang pagsunod ng tingin sa kaniya. Sino ba naman ang hindi mapapalingon sa isang babaeng may marka ng nasirang mascara sa pisngi at naka-ball gown.

Napatitig na lamang siya sa mga nadadaanan. Malungkot na ngiti ang ibinibigay niya sa mga taong nakapapansin sa kaniya. Puno ng ilaw ang paligid at may mga bench pa sa pinakagitna ng town plaza. Napatigil siya sa tapat ng isang ospital.

Hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kaniyang mga paa upang tahakin ang direksyon niyon. Papasok sana siya roon nang harangin siya ng guwardiya.

Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Ngunit nasa mukha nito ang ekpresyon na pinaaalis siya at ayaw siyang papasukin sa ospital.

"I need to go in there."

"No English, no english." Umiling-iling ito.

"I really need to go in there---"

"Miss Nairam?"

Agad siyang napatingin sa babaeng tumawag ng kaniyang pangalan. Sa tabi ng babae ay isang lalaki. Parehas itong papalabas pa lamang ng hospital gate nang makasalubong siya. Parehas nakasuot ng formal na kulay itim na suit and tie ang mga ito, katulad ng suot ng mga empleyado sa palasyo. Mga mukha itong bodyguard.

ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon