"Mirkov, ayoko na sa lugar na ito."
Umiling-iling si Mirkov sa sinabing iyon ng dalaga. Hindi, hindi... Hindi siya papayag doon. Ngunit kasunod ng pag-iling niyang iyon ay ang paghagulgol ng dalaga.
"Ayoko na sa lugar na ito! Ayoko na sa lugar na ito! Ayoko na rito!" Kitang-kita niya ang pagbalatay ng takot at sakit sa mukha ng dalaga. Agad siyang naupo sa tabi nito at ikinulong ito sa mahigpit na yakap. Maging ang kaniyang mga mata ay tigmak na rin ng luha. Nasasaktan siya habang nakikitang nasasaktan ang dalaga.
"Ibebenta niya ako." Wala sa sarili nitong paulit-ulit na bulong. Nanginginig ang buong katawan nito. "Kailangan kong makaalis dito bago niya ako makita." Kausap nito ang sarili.
"Hey, hey, easy." Pilit niya itong pinakakalma. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng dalaga. Namimilog ang mga mata nito sa takot, at patuloy ang pag-agos ng luha sa mga iyon. "Who? Who, Nairam? Who will sell you? Tell me."
Umiling-iling ito. "Nairam, I need you to tell me."
"Deacon." Saglit siyang natigilan sa sagot nito. Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak nito sa kaniyang kasuotan. "Nakita ko siya sa may kakahuyan, Mirkov. H-hindi ako puwedeng magkamali." Umiiyak itong sumiksik ng yakap sa kaniya.
That's impossible, right? How could that guy possibly enter the palace? Ngunit alam niyang hindi nagsisinungaling ang dalaga. Kapag sinabi nitong nakita nito si Deacon, naniniwala siya roon. Bukod sa walang dahilan upang magsinungaling ang dalaga, hindi rin maikakaila ang takot sa panginginig ng buo nitong katawan. He knows that she is telling the truth.
"Where did you see him?" Tanong niya.
"Sa kakahuyan... H-hindi kalayuan sa garden, at nakikipagtalo kay Miego."
And that's another bomb to him. Miego? Kausap si Miego? The Miego the he trusted all his life? How could that be? There is no way, right? There is no way... or there is?
Tila biglang gumulo ang isip niya. Ngunit pinanatili niyang kalmado ang ekspresyon sa harap ng dalaga. "Nairam, I need you to calm down, hmm? I will make sure that you are safe here inside the palace, so for the mean time, just rest."
Naramdaman niya sa kaniyang leeg ang unti-unti nitong pagtango.
"Come on, let's get you cleaned up." May mga bakas na kasi ng nasirang makeup sa pisngi nito. Pagod ang ekpresyon nito at halata ring kanina pa ito umiiyak dahil sa pamumula ng mga mata at ilong. Binuhat niya ito patungo sa kama, hindi iniinda ang sumasakit niyang braso. "I'll help you change your clothes, okay?" Sunud-sunod na pagtango lamang uli ang isinagot sa kaniya ng dalaga.
Saglit siyang kumuha ng mga pamalit nito na pajama at t-shirt mula sa closet at ipinatong iyon sa kama. Isa-isang niyang inalis ang damit ng dalaga. Nakatitig lamang sa kaniyang ang kasintahan habang ginagawa niya iyon. Nang tuluyan niya itong mahubaran ay saglit siyang napatitig sa katawan nito. Ang maseselan nitong bahagi ay natatakpan pa ng maliit na telang saplot. Saka ipinagpatuloy ang pagsusuot rito ng pajama at t-shirt.
Lumuhod siya sa harapan nito at inalis ang suot nitong may kataasang sapatos. Natigilan siya nang makitang puno ng paltos at maliliit na pasa ang maputi nitong paa. Her wound must have been stinging. Sa hitsura niyon at tila kayhapdi- hapdi niyon. Ngunit tila hindi iyon iniinda ng dalaga, dahil ng silipin niya ang mukha nito ay nakatitig na naman ito sa kawalan.
Para itong isang robot na walang pakiramdam at tagusan ang tingin. She must have been really scared.
Inilagay niya ang sapatos nito sa ilalim ng kama bago tumayo mula sa pagkakaluhod. "Gusto mo ba ng sleeping pills?" Tanong niya. "Mayroon ako sa medicine cabinet."
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)
General FictionMirkov Thalassa. A well-sought bachelor and one of the most richest businessmen all over the world. Greek... and definitely scoundrel. Especially his mouth. Talagang tampalasan. He can even spell 'fuck' in different languages. Sa dinami-rami ng bark...