SIX

2.4K 87 50
                                    

A/N: Nakaka-overwhelm. Pagbalik ko ngayon sa watty, halos sumabog notif ko. 400 pa lang followers ko non. Pero ngayon 1k plus na. Dumadami na tayo. Maraming salamat po sa pagsuporta ninyo at sa pagtitiyaga ninyong maghintay ng update.

Pasensya na po at matagal bago ako nagkapag-update. Halos mamatay-matay na kasi ako sa school works. Engineering is stressing me out huhu. Wala na ko talaga time for myself. And kahit my Covid crisis na, we still have online classes, na yesterday lang na-suspend. Kaya super thank you po talaga sa paghihintay ninyo.

To angela091094 heto na ang hinihintay mo ahaha, sorry kung medyo natagalan. Ilabyuu. This chapter is for you.

Kay Ghiejie127 ezekiel029 YumikoYoshizawa LuzmindaDeTorres7 thankyou sa pagpost nyo ng message sa message board ko, pasensya na at di ko kayo nareplyan. Salamat sa pagbabasa ng mga stories ko.

At sa 1k+ na nagtitiwala sa kakayahan ko, para po sa inyo ito. Happy Reading! 💓❤️

Mirkov pulled his hair in pure annoyance. Parang nagsisisi na siya ngayong wala na sa puder niya ang dalaga. And it was his entire fault. He just can stand the fact that she’s being touch by other men.

Could you even call that ‘fact’ when you did not even listen to what she was about to say? Kanti sa kaniya ng sariling isip. Kung nagkatawang tao lamang iyon ay baka kanina pa niya iyon pinaulanan ng mga suntok.

“Shit,” he grunted. Kung bakit ba kasi siya nagpadala sa pagiging irasyunal niya. He didn’t even assess the situation thoroughly, gayung nangako pa naman siya sa dalaga na kahit anong mangyari ay tutulungan niya ito sa kung anumang bagay na kailangan nito ng tulong niya.

Naihilamos na lamang niya ang dalawang palad sa kaniyang mukha dahil sa pinagsamang guilt at frustration.

Nasa ganoong estado siya nang bulabugin siya ng malakas na pagtunog ng kaniyang cellphone. Frustrated niya iyong kinuha mula sa bulsa ng khaki shorts na suot at tila mas lalo pa siyang na-frustrate nang makitang si Carlos ang nakarehistrong caller sa screen niyon.

He sighed before answering the call. "What do you want?" He said in a cold tone.

"I am perfectly sure that you do know why I called, right Mirkov?" Natigilan siya nang marinig ang sinabi nito. If his tone was cold, Carlos' was definitely icy. It nearly sent shiver to his spine.

Ngunit hindi siya magpapatalo. "I don't know what you are talking about." He played dumb, kahit pa alam na alam na niya kung ano ang dahilan ng pagtawag nito sa kaniya. He doesn't want to admit that he is regretting what he did earlier and that he is currently cursing and resenting himself for being an idiot. "Get straight to the point. I'm busy."

ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon