"PAJAMA PARTY!" Sabay-sabay na sigaw ng mga ito.
"Ipasok na natin ang mga yan!" Masayang sigaw ni Treb bago ipasok ang mga case ng alak at yelo. May isang kahon din doon ng mga makukulay na headbands, LED lights at confetti, at isang kahon ng iba't ibang tsitsirya.
Halatang ready na ready ang mga ito. Ang mga ito pa mismo ang nag-lock ng front door.
Lalo naman siyang itinago ni Mirkov sa likuran nito nang isa-isang magsipasukan ang mga tao sa bahay nito, na para bang ang mga ito ang may-ari niyon. Narinig niya ang malalim na pabuntong-hininga ng binata. "These are my annoying friends. Pagpasensyahan mo na sila."
Nag-umpisang ikabit nina Carlos at Creig ang makukulay na LED lights at wala pang ilang minuto ay nagsimula nang magmukhang bar ang sala ng bahay ni Mirkov.
"Hoy kayo! Paparty- party kayo dito tulog na ba ang mga anak ninyo!" Dinuro nito ang tatlong lalaki na hindi niya kilala. Mukhang may lahi ang mga iyon.
"Aba syempre! Alangan naman isama ko dito si Entri, edi pare-parehas kasong sinaksak non ng screwdriver." Nagtawanan ang mga ito sa sinabi ng isa sa mga kaibigan ng binata. Maging siya ay napangiti doon. Medyo nagulat pa nga siya nang malaman na lahat ito ay fluent sa pagsasalita ng Tagalog kahit mga mukha itong may lahi.
Hinawakan ng binata ang kamay niya. "That's Jameson Ramirez," bulong nito sa kaniya. "That woman beside him is his wife, Idelaide." Napatango-tango siya. Kung gayon, marahil anak ng mga ito ang tinutukoy ng lalaki kanina na "Entri."
"Hindi tayo makakapag-party kung gising pa ang kambal namin," sabi naman ng isang lalaking mukhang may lahing Briton. Inaayos nito ang mga tsitsirya sa mesa, katulong ang isa pang magandang babae.
"That's Edward Lai, and that woman beside her is Remira, his wife. They have twins. Edmira and Remard," muling bulong sa kaniya ni Mirkov.
"Ang ganda niya," sabi niya, ang mga mata ay puno ng paghanga.
"At ang bait pa. Buti nga ay hindi niyan pinagsasawaan iyang gunggong kong kaibigan." She heard his soft chuckles.
"Oo ang weirdo ng kambal mo e, manang-mana sayo. Sana kay Remi na lang nagmana," pambabara muli ng lalaking nagngangalang Jameson.
"Tang-ina mo!" Malutong na mura ni Edward bago binato ng tsitsirya sa mukha si Jameson. Napailing-iling na lamang ang mga asawa ng dalawang lalaking nagbabangayan.
"And that guy over there, iyon o. Iyong nangingialam sa T.V ko nang akala mo siya ang may-ari, that's Giovanni. The woman beside him is his wife, Annina." Napatango-tango siya habang nakatingin sa mag-asawang itinuro nito. Magkatulong nitong binubuksan ang karaoke. "And of course, you already met Creig, Carlos Treb and Rameses. We've been friends for years now. Ganiyan talaga sila." Nakangiting sabi ng binata at sa mga kaibigan nakatingin.
Natutuwa rin siyang panoorin ang mga ito. Halatang close na close ang mga ito sa isa't isa at kahit ang mga asawa ng ilan sa mga ito ay magkakaibigan na rin.
"Okay na," anunsiyo ni Giovanni. "Pwede na kayong kumanta kahit ampapanget ng mga boses nyo." Ibinaba nito ang songbook sa center table na mapupuno na rin ng beer at mga tsitsirya. Umupo na ang binata sa mahabang sofa at tumabi naman dito si Treb. "Gago lumayo ka sa'kin."
"Hindi mo na talaga ako mahal, Gio," ikinawit ni Treb ang braso sa braso ni Gio. "Pumayag na nga ako magpakasal ka kay Anni dati e."
"Tang*na naman talaga o," pilit kinukuha ni Giovanni ang braso. "Kilabutan ka nga sa pinagsasabi mo."
Humalaklak lamang ang lalaki, tuwang-tuwa sa pambibwisit na ginagawa sa kaibigan. Ang tatlong babae naman ay sa carpet na pare-parehong naka-indian seat at tumitingin ng mga kanta sa song book. Pare-parehong may mga makukulay na headband sa ulo ng mga ito. Ang ilan pa doon ay umiilaw na tenga ni Minnie Mouse. Tila naging karaoke bar bigla ang bahay niya dahil sa iba't ibang kulay ng ilaw na nanggagaling sa LED lights.
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)
Ficção GeralMirkov Thalassa. A well-sought bachelor and one of the most richest businessmen all over the world. Greek... and definitely scoundrel. Especially his mouth. Talagang tampalasan. He can even spell 'fuck' in different languages. Sa dinami-rami ng bark...