Unti-unting iminulat ni Nairam ang mga mata. Napaigik siya nang maramdaman ang pangangalay sa kaniyang hita at ang kaunting kirot sa pagitan niyon. Ramdam din niya ang kung anong bagay na nakapatong sa kaniyang bewang. Dahan-dahan niyang tiningnan kung ano iyon.
Braso...?
Nang mapalingon siya ay agad na tumambad sa kaniyang ang guwapong mukha ni Mirkov. Malalim pa ang pagtulog ng binata. Hindi niya maialis ang tingin sa mukha nito. Ngayon lamang niya napansin na mahaba pala ang pilik-mata ng binata. Matangos ang ilong nito at natural na mamula-mula ang labi. Ang labi nito... Ang labing humalik sa buong katawan niya kagabi!
Muntik na siyang mapabalikwas ng bangon nang maalala ang lahat ng nangyari sa kanilang dalawa kagabi. Ang bawat haplos ng binata... ang mainit nilang pinagsaluhan. Nakatulog siya matapos ang lahat ng iyon. Binigay na niya nang tuluyan ang sarili rito, at ni katiting ay wala siyang pinagsisisihan doon.
Iba na ang suot niyang damit ngayon. Malaking kulay puting t-shirt iyon. Nakasuot na rin siya ng guhit-guhit na pajama. Malaki sa kaniya ang suot, at nasisigurado niyang kay Mirkov ang mga iyon. Agad na namula ang kaniyang mga pisngi nang masilip niyang wala siyang kahit anong suot na panloob. Ano pa ba ang dapat niyang asahan e nakipag... wrestling siya sa binata.
Napatingin siya kay Mirkov. Wala rin kaya itong pang loob? Silipin ko kaya?
Napakamot siya ng ulo. Gusto niyang hatakin ang sariling buhok. Ano ba itong mga pumapasok sa isip niya. Umagang- umaga ay nawawala siya sa tamang katinuan.
Nilibot niya ang tingin sa buong kuwarto, bago pa siya tuluyang masiraan ng bait, at para sana hanapin ang mga pang loob niya. Ngunit malinis na ang kuwarto. Wala na ang mga nagkalat na damit nila ng binata kagabi. Mukhang naglinis pa ang binata nang makatulog siya.
Nasaan kaya ang---
"Ay panty ko!" Impit siyang napatili nang bigla siyang hatakin pahiga uli ni Mirkov. Nagising na pala ang binata at pinutol nito ang maaga niyang pagmumuni-muni.
Narinig niya ang mahinang pagtawa nito. Even that sounds manly and sexy. Maging pandinig niya ay naging weirdo na yata. Mahigpit nitong niyakap ang kaniyang bewang at nagsumiksik sa kaniya. Agad na bumilis ang pintig ng puso niya sa simpleng ginawa nito.
"Anong meron sa panty mo?" Naramdaman niya ang pagngiti nito sa kaniyang leeg. He is definitely teasing her.
"Iyon kasing..."
"I folded them." He nuzzled her neck, and planted small kisses on it. Nakikiliti siya sa ginagawa nito. "And I think it is better without it." Pumasok ang isang palad nito sa loob ng kaniyang damit.
"Mirkov!"
"Hmm, soft," marahan nitong pinisil ang isa niyang dibdib. "I like it."
Napapikit na lamang siya nang maglapat ang kanilang mga labi. Binigyan siya nito ng isang mabagal na halik. May pananabik pa rin doon, tulad ng mga halik nito kagabi. But his kisses now are more slow and sensual, na para bang gusto nitong maramdaman niya bawat paggalaw ng kanilang mga labi. Pikit ang mata ng binata at ninanamnam ang halik na kanilang pinagsasaluhan.
"Good morning." Nakangiti sabi nito nang maghiwalay na ang kanilang mga labi. Inalis na rin ang kamay sa loob ng kaniyang damit. Malaki ang ngiti sa labi ng binata, labas ang lahat ng mga ngipin na halatang proud pa sa ginawa.
"Ang ganda naman ng pa-good morning mo," biro niya.
"Of course," he even winked at her. That playful smile is still plastered on his lips. "Come on," bumangon na ito. "Go on and change your clothes. There are a lot of spare clothes inside the cabinet. I don't want anyone else to see your body. I'll just make sure that our breakfast is already prepared." Hinalikan siya nito sa pisngi bago ito lumabas ng kuwarto. And she found that gesture really sweet. Nahawakan pa niya ang pisngi na hinalikan nito at napangiti. Pakanta-kanta siyang pumasok ng banyo.
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)
General FictionMirkov Thalassa. A well-sought bachelor and one of the most richest businessmen all over the world. Greek... and definitely scoundrel. Especially his mouth. Talagang tampalasan. He can even spell 'fuck' in different languages. Sa dinami-rami ng bark...