TWELVE

559 24 0
                                    

Shit! Sunud-sunod ang naging pagmura ni Nairam sa kaniyang isip nang makita ang galit na mukha ni Mr. Whale. Sa likod nito ay dalawang matangkad at malaki ang katawa na mga lalaki; ang mga pinagkakatiwalaan kanang kamay ng butanding na ni minsan ay hindi pa niya nalaman ang pangalan sa tinagal-tagal niya sa sirko.

"Nairam! Buboy!" Halos dumagundong ang boses nito sa buong kalye, dahilan upang matigilan din ang ilang mamimili at mga turista. Nang tuluyan itong makalapit ay marahas nitong hinatak ang braso niya. Halos mabali ng mataba nitong kamay ang patpatin niyang braso.

Magalang na ngumiti ang matabang lalaki sa guwardiya ngunit marahas naman siyang hinatak. This world is really unfair. Nabibigyan ng galang ang mga nakasuot ng uniporme. At ang mga katulad nilang madumi at amoy-isda ang kasuotan ay pwedeng-pwedeng kaladkarin anumang oras.

"At may balak ka pang isuplong ako sa pulis, ha Nairam?" Wala siyang nagawa nang kaladkarin siya nito. Kahit gusto niyang tumakbo ay sumama na lamang siya nang matiwasay. Hindi rin naman niya gustong gumawa ng eksena sa magandang lugar na iyon. Isa pa, mas inaaalala niya ang tatlong batang nasa fishing vessel pa ng walanghiyang butanding na ito.

"Wala kaming ginagawang masama," madiin niyang sabi. Huwag kang paranoid. Hindi pa ito ang araw mo. Kapag dumating ang araw na iyon, sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan. Iyon ang mga salitang gustong-gusto niyang sabihin.

Makahulugan silang nagkatinginan ni Buboy. Ang binatilyo naman ay hawak sa magkabilang braso ng dalawang maskuladong lalaki.

Halos mapasalampak siya sa sahig ng fishing vessel nang itulak siya ni Mr. Whale. Pagkatapos ay si Buboy naman ang tinulak ng dalawang lalaki. Sumalampak ito sa bundok ng isda. Nakamamatay na tingin ang ipinukol niya sa dalawang lalaki ngunit tinawanan lamang siya ng mga ito bago sila iniwan sa loob ng maliit na cabin.

"Takas uli tayo sa susunod, Ate Nairam. Tapos kukuha uli ako ng maraming barya sa mga wishing well, para mas marami pa akong hairpin na mabili para sa iyo." Nakangiting sabi sa kaniya ni Buboy at tumayo mula sa tumpok ng mga isda. Labas ang lahat ng ngipin nito. Na ikinatawa niya. Naupo ito sa tabi niya.

"Sa susunod na tumakas tayo, Buboy, sisiguraduhin kong hindi na tayo babalik sa impyernong lugar na ito," ginulo niya ang buhok nito. "Lahat tayo, kasama sina Tikoy, Bea, at Jessa. Kaya mag-ipon ka ng maraming barya, dahil tatlo na kami nina Jessa at Bea na bibilhan mo ng magandang hairpin."

Iyon ang pangako niya kay Buboy.

Pangakong hindi na niya natupad-tupad. Dahil sa katunayan, hindi ang alon o ang latigo ni Mr. Whale ang pumatay sa binatilyo. Kundi siya. Siya ang dahilan kung bakit wala na ito ngayon. Kung sana'y tiniis na lamang niya noon ang mga hagupit ng latigo ng matabang lalaki. Kung sana'y hindi siya tumalon sa dagat kahit gaano pa kasakit ang kaniyang mga binti. Kung sana'y hindi niya ito iniwan...

Siya ang may kasalanan.

Napaatras siya, nabitawan ang kwintas. Hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang kaniyang mga luha. Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga. Masikip na masikip ang kaniyang dibdib.

Siya ang totoong pumatay kay Buboy. Kaya anong karapatan niyang maging kumportable ngayon? Kahit si Tikoy ay hinayaan niyang mag-isa. Ngayon ay si Tikoy naman ang susunod na makararamdam ng sinapit ni Buboy dahil sa kapabayaan niya... dahil sa pagiging makasarili niya.

Iyon ang totoo. Inuna niya ang sarili niyang kalayaan. At hinayaang magdusa ang mga batang naiwan niya dahil sa kapabayaan niya. Tuluy-tuloy ang pag-agos ng kaniyang luha.

Ang pagiging makasarili niya ang pumatay kay Buboy, at iyon din ang siyang papatay kay Tikoy.

"Miss, ayos ka lang ba?" Halos manigas siya nang maramdaman ang paghawak ng isang sales lady sa kaniyang balikat.

ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon