Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Nairam. Nairaos niya ang buong araw nang hindi nakagagawa ng kahit anong katangahan katulad ng pagkakabitaw niya sa baso kaninang tanghali. Tuluyan na rin kasing humupa ang panginginig ng mga kamay niya at nakakahawak na muli siya nang maayos.
Kasalukuyan na siyang na isang malaki at maaliwalas na suite. Mahimbing na rin ang tulog ng mga bata sa kuwarto. Mag-aalas dyis 'y media na rin kasi ng gabi ang isinasaad na oras ng maliit na digital clock na nakapatong sa side drawer kasama ng lampshade.
Gusto sana niyang magpalit ng damit bago matulog, ngunit iyon ang bagay na pinoproblema niya ngayon. Wala siyang pamalit na damit. Hindi naman siya nakakuha ng kahit ano sa boutique kanina, at nang halughugin naman niya ang lahat ng drawer sa suite na iyon ay wala siyang ibang nakita bukod sa ilang slippers at bathrobe.
Hindi niya malaman ang gagawin. Ni hindi nga niya namalayan na kinakagat na pala niya ang sariling kuko sa hinlalaking daliri sa kamay, habang nakaupo sa sofa.
Hindi naman siya mabaho, at pwedeng-pwede siya matulog nang iyon ang suot. O kung hindi naman ay puwede siyang maligo at mag-bathrobe sa pagtulog. Ngunit paano na bukas? Bukas paggising niya ay proproblemahin na naman niya ang kailangang suotin. Wala naman siyang kaide-ideya kung hanggang kailan sila mananatili sa Vasilios. Ni hindi niya alam kung naglalayag na ba sila o nasa isla pa rin at nakadaong. Mahirap iyong matukoy habang nasa loob sila ng barkong iyon. Hindi naman kasi niya nararamdaman ang pag-uga o pag-andar niyon.
Hindi tuloy siya mapakali ngayon.
Nasa ganoong kalagayan siya nang marinig niya ang sunud-sunod na pagkatok sa pinto. Sa pag-aakalang bellboy iyon ay agad niyang tinungo ang pinto. Ilang beses na rin kasing bumalik ang bellboy upang tanungin kung may kailangan siya o ipag-uutos, o kung kumportable sila ng mga bata.
"Sandali lang!" Malakas niyang sabi nang marinig uli ang mga katok. At saktong pagbukas niya ng pinto ay ang guwapong mukha ni Mirkov ang bumungad sa kaniya. Nakatayo ang binata sa harap ng pintuan at ang mga kamay nito ay may hawak na ilang pirasong mga nakatuping damit.
Nagsalubong ang kanilang mga mata ngunit ito ang unang nagbaba ng tingin.
"Uh... I think you might need these," tukoy nito sa mga damit na hawak. Ini-extend nito ang mga kamay sa kaniya. Agad naman niyang inabot ang mga damit na ibinibigay nito sa kaniya.
"Ahm, salamat sa mga ito. Pati na rin sa pagbibigay mo ng mga bagong damit at sapatos kina Jessa at Bea. Masayang-masaya sila."
Nakita niyang umangat ang isang kamay nito patungo sa sariling batok at kinamot iyon. Tila nahihiya sa kaniya. "Walang anuman," mahinang sabi nito. Hanggang ngayon ay naa-amaze pa rin siya sa pagkatuto nito sa pagsasalit ng dayalektong Tagalog kahit hindi maitatago ang dayuhang accent.
"I just remembered that you did not pick any clothe from the boutique so... yeah." Akmang tatalikod na ang binata. "Go wash yourself and change into those more comfortable clothes. Magpahinga ka na pagkatapos. If you need anything, nasa kabilang suite lang ako," ang suite na tinutukoy nito ay katapat lamang nang sa kanila. Maging ang pintuan ng kanilang mga kuwarto ay magkatapat din. "You can knock on my door anytime," dugtong pa nito at tuluyan nang tumalikod.
Umawang ang kaniyang labi, tila may gustong lumabas na salita mula doon, gustong pigilan sa pag-alis ang binata. Ngunit huli na siya dahil nakapasok na ito ng kuwarto at naisara ang pinto. Napabuntong-hininga na lamang siya, at wala nang nagawa kundi ang pumasok na lamang din sa kuwarto bitbit ang mga damit na ibinigay ng binata.
Ipinatong niya ang mga damit sa center table at sinipat iyon. Dalawang t-shirt iyon, isang denim na pantalon, isang bulaklaking bestida, at partners na satín na pajama at may sleeves na top. At sa pinakailalim ay dalawang pares ng laced underwear at brassiere. Naka-plastic pa iyon at halatang bago. Naramdaman pa niya ang pamumula ng magkabilang pisngi nang makita ang maliit na note sa ibabaw niyon.
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)
Aktuelle LiteraturMirkov Thalassa. A well-sought bachelor and one of the most richest businessmen all over the world. Greek... and definitely scoundrel. Especially his mouth. Talagang tampalasan. He can even spell 'fuck' in different languages. Sa dinami-rami ng bark...