Malalaki ang mga hakbang ni Nairam nang makapasok sa gate ng palasyo. Tila hindi niya iniinda ang paltos sa paa. Lumalalim ang kaniyang paghinga habang papalapit siya sa palasyo. Inihahanda na niya muli ang sarili sa pagngiti sa mga bisita, at lalo na kay Mirkov.
Ngunit nasa kalagitnaan pa lamang siya ng daan patungo sa palasyo ay naramdaman na niya ang paghatak ng kung sino sa kaniyang kamay. At nang lingunin niya iyon ay natigilan siya nang makita ang seryosong mukha ni Carlos.
"I've been calling you. Why did you turn off your phone?"
"Bakit ka nandito sa labas? Saan ka nanggaling? Bigla-bigla kang sumusulpot." Sunud-sunod niyang balik na tanong imbes na sagutin ang tanong nito.
Binitawan na nito ang kaniyang kamay at tinuro ang damuhan sa garden. "I don't like the hanging out with those people inside, kaya ako nandito sa labas. I was there when I saw you walking from the gate. Where have you been?"
Nagsimula itong maglakad patungo sa damuhan kaya naman wala sa sariling sumunod siya rito. Nang maupo ito sa damuhan ay naupo rin siya di kalayuan dito.
"So tell me, where have you been? Kanina ka pa hinahanap ni Mirkov."
Hindi siya naniniwala sa mga huling sinabi ni Carlos, ngunit sinagot pa rin niya ang tanong nito. "Naglakad-lakad lang ako sa labas. Sumagap ng sariwang hangin."
"Bakit sa labas ka pa sumagap ng sariwang hangin? Pwede naman dito ah. Gaano ba kasariwa ang gusto mo?" Patutsada nito.
Napailing-iling na lamang siya habang may maliit na ngiti sa labi. "Ang weirdo mo talaga, Carlos." Yeah, that's the Carlos they all knew. The weird one.
"Does it creep you out? My weirdness?" Biglang naging seryoso ang ekspresyon ng mukha nito.
Umiling-iling siya. "Hindi. Nasanay na ako e."
"Good. That's all I need to hear." Somehow, his eyes are filled with relief, but with a hint of sadness in it. "I don't want my friends to find me creepy."
Tila may ibang kahulugan ang sinabi nito ngunit hindi niya matukoy kung ano iyon.
"Ganiyan naman kita nakilala una pa lang, hindi ba? Noong pinapirma mo ako ng kontrata para sa siomai business mo." She tried to cheer him up. She knew that something is up with Carlos. Ngunit hahayaan niyang dumating ang araw na ito mismo ang magsabi sa kanila. Hindi niya ito pipilitin na sabihin dahil wala siya sa posisyon upang gawin iyon. Wala naman siya kahit katiting na ideya kung gaano kabigat ang pinagdadaanan nito.
"Yeah, at hanggang ngayon hindi ka pa rin bumibili sa akin. Pwede kitang ipakulong kapaag hindi mo tinupad ang nakasulat doon."
"E wala ka naman dalang paninda lagi. Isa pa, wala pa akong pera. Kaya huwag mo muna ako ipakulong, maghahanap muna ako ng desenteng trabaho." Itunuon niya ang tingin sa mga bulaklak. Dahil maliwanag ang mga ilaw sa mga poste pati na rin sa palasyo ay kitang-kita niya ang mga iyon kahit pa madilim na ang gabi. "Buong buhay ko, pagtatanghal lang sa sirko ang alam ko. Hindi ko alam kung may tatanggap ba sa akin kapag nag-apply ako ng trabaho. Wala naman akong pinag-aralan e. Pero mabilis naman akong matuto."
"I will hire you if you apply in my company."
"At ano namang alam ko sa computer-computer na iyan? Paano ako makaka-survive sa IT company mo e iyong pagda-download nga lang ng apps sa cellphone ko, ikaw pa ang gumawa." Mahabang niyang sabi na agad din niyang pinagsisihan.
Na-realized niyang sinabi na niya kay Carlos na alam niyang may IT company ito. Mataman siya nitong tiningnan, hindi niya alam kung galit ba ito.
"Pasensya ka na, naikwento lang sa akin ni Mirkov lahat ng nangyari sa Italy. Agad na hingi niya ng paumanhin.
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)
Ficción GeneralMirkov Thalassa. A well-sought bachelor and one of the most richest businessmen all over the world. Greek... and definitely scoundrel. Especially his mouth. Talagang tampalasan. He can even spell 'fuck' in different languages. Sa dinami-rami ng bark...