A/N: Please expect typos. Happy Reading everyone!
Hindi makapaniwala si Nairam sa nangyayari sa kanyang sarili. Pilit niyang itinatago ang mumunting panginginig ng kamay habang ipinagsasandok ng kanin ang dalawang bata sa magkabilang gilid niya. Kasalukuyan kasi silang nasa kusina upang kumain ng umagahan.
Dikit na dikit sa upuan niya ang upuan ng dalawang bata sa gilid niya. Kulang na lamang ay magtago ang mga ito sa likod niya. Nahihiya ang dalawa kay Mirkov na nasa kabilang side ng lamesa at nakatutok sa laptop nito.
Sa tinagal-tagal niya sa sirko ay maraming bagay ang nagiging dahilan ng panginginig ng kamay niya. Nandoon ang takot kay Whale, ang takot para sa kaligtasan ng mga bata at ng kaibigan niya, at higit sa lahat ay ang takot niya sa mga mata ng marami niyang manonood. Ngunit ngayon, hindi niya lubos malaman kung saan nanggagaling ang kaba na nararamdaman niya. Hindi naman siya nagtatanghal sa sirko, at mas lalong wala ang mga mapanuri at hayok na mata na nakatingin sa kaniya.
Isang pares ng mga mata lamang ang nakatututok sa bawat galaw niya... ang mga mata ni Mirkov, ngunit ang pakiramdam na ibinibigay ng pagtitig nito ay dinaig pa ang kaba niya sa tanghalan. At ang mas lalong hindi niya maintindihan ay kung bakit parang magnet na hindi din niya maialis ang sariling mga mata mula sa binata! Kahit sumisimsim ito ng kape ay hindi naalis sa kanya ang mga mata nito. He is not smiling, but he is definitely happy. Kita iyon sa aura ng binata.
Hindi kaya dahil iyon sa halik?
Nabitawan niya ang sandok. Ramdam niya ang pagragasa ng init sa kanyang mukha nang maalala ang halik na pinagsaluhan nila. At sa ilalim pa talaga ng mesa! Paniguradong nangangamatis na ang kanyang pisngi. Mas lalo siyang nahiya dahil doon.
"Ate Nairam, ayos ka lang ba?" Naramdaman niya ang paghawak ni Bea sa kamay niya na nananatili sa ere. Sinubukan niyang kalmahin ang sarili at binigyan ang batang babae ng simpleng ngiti.
"Ayos lang ako," sagot niya at pinagpatuloy ang pagsasandok ng pagkain ng mga ito.
Muli siyang napasulyap kay Mirkov. Nakatutok na ang mga mata nito sa screen ng laptop sa harapan nito at tila nagtitipa. Ngunit may mumunting ngiti din sa labi nito na para bang nagsasabing "I know what you are thinking." Napailing-iling na lamang siya at nagpokus sa pagpapakain sa mga bata. Mabilis kumain ang dalawang bata. At parang natunaw doon ang puso niya. Kailan ba sila huling nakakain ng masarap na pagkain?
Hindi na matitikman ni Buboy ang mga pagkaing iyon.
At si Tikoy? Kumakain kaya ito? Ayos lang kaya ito? Humigpit ang hawak niya sa kutsara.
Maghintay ka lang ng kaunti Tikoy. Pangako, babawiin kita.
Pagkatapos kumain ay magkakatitigan silang apat na animo ay nasa interogasyon. Pare-pareho silang nakikiramdam. At ang binata ang unang bumali ng katahimikang iyon. "Uhmm... So-- so how's the food?" Nagbigay ito ng ngiti nguit halata dito na hindi alam kung paano iaaproach ang mga bata. Nagkatinginan naman ang dalawang nang marinig ang sinabi nito. Agad na ipinaliwanag ni Nairam sa binata na hindi pa masyadong nakakaintindi ng ingles ang mga bata. Mirkov cleared his throat. Dumating na ang araw na kailangan niyang gamitin full-force ang lahat ng natutunan niya sa Tagalog. He is actually pretty good in speaking in Filipino now. Natuto siya dahil sa ilang taon na pananatili sa Pilipinas at dahil sa mga kaibigan niya na wala namang ibang itinuro kung paano magmura. Ngunit hindi pa din niya maitago hanggang ngayon ang kakaibang accent.
"Ahm, k-kamusta na ang pagkain?' tanong niya. Nagkatinginan ang mga ito. Fuck, mali yata ang pagkakasabi niya. Ang tunog ay parang ang pagkain ang kinakamusta niya at hindi ang mga ito. Kasalanan ito ng mga kaibigan niyang mas inuna pa siyang gawing fluent sa pagmumura ng Tagalog. He decided to shut his mouth. Bitbit ang laptop niya ay tinalikuran niya ang mga ito.
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)
Fiksi UmumMirkov Thalassa. A well-sought bachelor and one of the most richest businessmen all over the world. Greek... and definitely scoundrel. Especially his mouth. Talagang tampalasan. He can even spell 'fuck' in different languages. Sa dinami-rami ng bark...