Nilanghap ni Nairam ang sariwang hangin matapos makalabas ng airport. Sa wakas, pagkalipas ng ilang taong paglalayag sa kung saan-saang bahagi ng mundo upang magtanghal, ngayon ay nakabalik na siya sa Pilipinas. Ang lupain kung saan siya isinilang.
"Omorfos, I need to tell you something."
Kasalukuyan silang magkatabi ni Mirkov sa sofa sa gilid ng silid. Kababalik lamang nila sa ospital pagkatapos ng kanilang aktibidades. Naabutan nila ang mga bata na magkakatabing nakaupo sa hospital bed ni Tikoy at kumakain habang nagkukuwentuhan. Sabi sa kaniya ni Mirkov, bago daw ito umalis ay ganoon na ang ginagawa ng mga bata, at ngayon nakabalik na uli ito sa ospital na kasama siya ay ganoon pa rin ang ginagawa ng mga ito.
Tila hindi nagsasawa sa pagkukuwentuhan They are really catching up to each other. Kita na rin niya na mabuti na ang pakiramdam ni Tikoy. Kahit may mga sugat pa itong hindi tuluyang naghihilom ay maari na raw itong ma-discharge kinabukasan, ayon sa doktor na nakausap nila ni Mirkov kani-kanina lamang.
"Ano iyon?" Nagtama ang kanilang mga mata.
Hindi ito agad sumagot. Bagkus tumayo ito at bumaling sa mga bata.
"Kids, your Ate Nairam and I will step outside for a moment. Babalik din kami kaagad. May pag-uusapan lang kaming mahalaga," paalam nito sa mga bata bago hawakan ang kama niya. Napatayo na rin siya.
"Okay po, Kuya Mirkov," nakangiting sagot ni Bea.
"Okay po, Kuya," sagot naman ni Tikoy.
"Fabianna, Romano, guard them well. Don't take off your attention from the kids." Iyon ang utos ng binata sa dalawang personal guards bago sila tuluyang makalabas ng pinto.
"Yes, your Highness." Si Fabianna ang sumagot.
Magkahawak-kamay silang naglalakad palabas ng ospital. They have reached the town square. Maganda ang panahon at kakaunti lamang ang taong naglalakad. Kaya naman parang normal na magkasintahan lamang din silang naglakakad sa sidewalk.
Napangiti siya. Para silang nasa isang date ng binata. Magmula nang magkakilala silang dalawa ay hindi pa nila nagawa ang bagay na iyon. Ngayon lamang niya iyon napagtanto.
Isa pa, hindi pa niya nararanasang makipag-date sa buong buhay niya.
"You look so happy." Pansin sa kaniya ng binata.
"Para kasi tayong nasa isang date, kaya natutuwa ako." She gave him a big smile. Napatigil naman ito sa paglalakad kay natigilan rin siya at napalingon dito.
"Fuck!" Biglang pagmumura nito. Napalingon na rin ang ibang taong dumadaan nang marinig ang mura ng binata. Lumapit siya rito at ikinawit ang braso sa braso nito.
"Ano ka ba, huy? Huwag ka magmura ng malakas. Pinagtitinginan tayo ng ibang tao." Pinilit niya itong hatakin sa paglakad.
"We never had any date before, omorfos!" Para bang sinipa rin ito ng realisasyon. "Why didn't I realize it sooner?" Kumurap-kurap ito at bahagyang nakaawang ang labi. Gusto niyang matawa sa ekspresyon nito ngunit pinigilan niya ang sarili.
"Huwag kang mag-alala kasi ngayon ko lang din naman na-realized. Kaya halika na. Tumitingin na iyong ibang dumadaan o." Natatawang sabi niya rito.
"Come on, let's go on a date today," pagyaya nito at akmang hahatakin siya papasok sa isang mamahaling restaurant.
"Baka matagalan tayo. Paano iyong mga bata?"
"Malalaki na iyon. Kaya na nila ang mga sarili nila!" Maktol nito. Hinampas naman niya ito sa braso. "Joke lang hehe. Babantayan naman sila nina Fabianna at Romano e. Come on, omorfos."
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)
Fiksi UmumMirkov Thalassa. A well-sought bachelor and one of the most richest businessmen all over the world. Greek... and definitely scoundrel. Especially his mouth. Talagang tampalasan. He can even spell 'fuck' in different languages. Sa dinami-rami ng bark...