TWENTY SEVEN

471 20 0
                                    

"Shit!" Mirkov groaned. Nasapo niya ang sumasakit na ulo. Paulit-ulit pa siyang nagmura dahil dinadagdagan ng nag-iingay niyang cellphone ang sakit ng ulo niyang iyon.

Inabot niya cellphone na nakapatong lamang malapit sa lampshade. Muntik pa niya iyong mabitawan dahil halos nakasara pa ang kaniyang mga mata. Hindi kasi niya alam kung anong oras siya nakatulog.

He is suffering from hangover. Ginawa kasi niyang tubig ang koleksiyon niya nang alak matapos ang pag-aaway nila ni Nairam sa teresa. Ilang taon din niyang inipon ang koleksiyon niyang iyon; mga alak mula sa bawat bansa na kaniyang napupuntahan. Ngunit isang pagsasagutan lamang pala ng babaeng minamahal ang magpapabukas sa kaniya ng mga iyon. At ngayon, heto siya, parang isang criminal na nagtatago mula sa mga pulis.

"Fuck off." Sagot niya sa kung sino mang caller nang hindi tinitingnan ang screen at agad na ibinaba ang tawag. Ngunit segundo pa lamang ang nakalilipas nang muling tumunog ang kaniyang cellphone.

"I said fuck off---"

"---It's me, dumbass." Tila nagising ang diwa niya nang marinig ang pamilyar na boses na iyon ni Creig.

"Creig?" Nang sumulyap siya sa screen ng cellphone ay saka niya nakumpirma na pangalan nga nito ang nakarehistro doon.

"Hey, Creig. What's up?" Nagkusot siya ng mata. "What made you call this early?"

"Early? It's already 5 o'clock, almost dawn."

Agad siyang napatingin sa orasan na nakasabit sa pader nang marinig ang sinabi ng kaibigan. Tama ito, alas singko na nga ng hapon, at nagsisimula na ring magdilim sa labas. He's been asleep for almost a day.

"Fuck," he muttered. Akala niya ay pasimula pa lamang ang araw, ayun pala ay patapos na.

"Anyway, I called this 'early' to tell you that we already have a lead on the circus' recent whereabouts." Napabangon siya sa sinabi ni Creig. At last! After weeks of waiting. Matagal-tagal na rin kasi nang humingi siya ng tulong sa dalawa upang mabawi si Tikoy. Mula pa iyon noong naunang bumalik ang mga ito sa mainland sakay ni Mathilda; ang helicopter ni Carlos. He never got any message from them after that. No text, no calls, no nothing. At sa wakas, matapos ang halos tatlong linggo, heto na. They finally got a lead.

"Carlos was able to pull out some information from the black market. It seems that they were recently involved to an illegal auction. We are able to obtain Tsirkó Thalassion Therata's current location. I will be sending you the information on your email today."

Tila biglang nawala ang kaniyang hangover. Nawala ang kaniyang nararamdamang hilo. Pumipintig pa rin ang kaniyang sentido ngunit hindi na iyon katulad nang kanina. "Okay, let me know once it's done. I will make sure to check my email immediately." Tumayo siya mula sa maliit na kama at tinungo ang maliit lamang din na kusina. Nagsalin siya ng tubig sa baso at nagmamadaling ininom iyon. Pakiramdam niya ay tuyong-tuyo ang kaniyang lalamunan mula sa lahat nang nainom kagabi. Nasipa pa nga niya ang isang bote ng alak habang papunta sa maliit na kusina.

Pang-isahang tao lamang talaga ang chamber na iyon. The walls are made up of brick and stones, like a castle built in Victorian Era. Bilang lamang sa mga daliri ang maliit na bintana, ngunit mas pabor iyon sa kaniya. What mouse hole has too many windows anyway? Sa totoo lamang, walang kahit anong lungga ng daga ang may bintana. But of course, his, needs to have one.

Ngunit kahit hindi iyon ganoong kalakihan ay kumpleto naman iyon. He has a T.V. mounted on the wall in case he gets bored. It has a small kitchen with an electric stove and a mini refrigerator. He has a cupboard that is always full of food supplies and medicines. Of course, it was always this ways. Lagi niyang ibinibilin iyon kay Miego, kaya naman kahit matagal siyang wala sa bahay na iyon, palagi iyong malinis at puno ng supplies.

ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon