THIRTY EIGHT

440 16 0
                                    

Hindi maialis ni Nairam ang kaniyang tingin mula sa salamin. Hindi maialis ang mga mata sa sariling repleksiyon. Hindi niya makilala ang sarili. Kasalukuyan silang nasa kuwarto ni Mommy Adonia, at kabi-kabila ang mga makeup artists at designer na nag-asikaso sa kaniya kanina pati na rin sa reyna. Ngayon ang inaasikaso ng mga itong bihisan at ayusan ng buhok ay ang dalawang bata.

Sa ilang sandali na lamang ay magsisimula na ang Royal Ball. Sa Great Hall gaganapin ang event. Sa kuwarto pa lamang ng ginang ay naririnig na niya ang malakas na klasikal na tugtugin na nanggagaling Great Hall.

She is wearing a Victorian era type of ball gown. Iyon kasi ang tema ng selebrasyon. Kulay berde iyon na may mahabang sleeves na may ruffles. Bagsak din iyon hanggang sa sahig at bukang-buka dahil sa hoopskirt niyon sa ilalim. Hapit na hapit din ang kaniyang corset. Kaya naman mas lumabas ang hubog ng kaniyang katawan.

Mataas ang kaniyang sapatos sa ilalim ng gown, may puting malambot na gloves ang kamay, at makikinang ang mga suot na jewelry. Ngayon lamang siya nakaranas magsuot ng mga ganoon. Light lamang ang pagkakalagay ng kaniyang makeup, ngunit mas na-enhanced pa niyon ang kaniyang facial features. She really looked like a princess.

"Darling, you look so pretty." Naramdaman niya ang paghawak sa kaniya ni Mommy Adonia sa kaniyang balikat. Nakangiti sa kaniya. Nagtama ang kanilang mga mata sa repleksyon sa salamin. "Look how beautiful you are, Nairam. My son will surely go nuts again."

Niyakap niya ang ginang. "Mommy Adonia, kayo rin po. Napakaganda po ninyo. Paniguradong mababaliw rin po ang Mahal na Hari kapag nakita kayo."

"Oh, this sweet girl," naramdaman niya ang marahan nitong pagtapik sa kaniyang likod bago pinutol ang yakap.

"Stay here for a little while, I'll go check on my husband." Bumaling ito kay Miego na tahimik na nakatayo at nag-aabang sa sulok. "Miego, is everything alright? Have you checked the event hall? Is everything ready?"

"Yes, your Majesty. Everything is well-prepared. The guests are starting to arrive one by one. We make sure to heighten the palace security."

"Very good." Akmang pupunta na ito sa pintuan nang saglit itong humarap sa kaniya. "Nairam, may I ask what is 'I love you' in Tagalog?"

She was caught off guard by the question. "Oh, uhmm... Mahal kita, Mommy Adonia."

"Mahal kita?" Nakatutuwa ang foreigner accent ng ginang.

"That's right, Mommy Adonia. It's the Tagalog translation of I love you."

Ilang uli nitong sinabi ang mga katagang 'mahal kita,' pinapraktis iyon. "Thanks, Darling." Tuluyan na nitong tinungo ang pintuan. "And I love you too." Lumabas na ito kasunod si Miego.

Napangiti na lamang siya roon.

GABI.

Humigpit ang hawak ni Nairam sa braso ni Mirkov habang pababa ng engrandeng hagdan sa Great Hall. Nagkikislapan ang mga kamera sa paligid mula sa mga journalist na nais masaksihan ang mga kaganahan sa Royal Ball.

Marami nang bisita sa loob ng event hall. Nao-overwhelm siya sa sobrang kaelegantehan na hatid niyon. Malalim ang kaniyang paghinga, at ang tanging nasa isip ay ang huwag makagawa ng kahit anong pagkakamali na makapagpapahiya sa binatang katabi niya at sa buong pamilya nito.

"Breathe, omorfos." Narinig niyang bulong sa kaniya ni Mirkov. She could feel his warm breath on her ear, kasunod niyon ay malalakas na pag-click ng mga camera. "Smile. You look stunning tonight." Napatigil sila sa pagbaba sa may hagdan.

Awtomatiko siyang napatingin sa binata at napangiti. Nagtama ang kanilang mga mata. His eyes are filled with admiration, the same as hers.

"You are more stunning than me. Ang guwapo mo."

ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon