FORTY NINE

471 18 0
                                    

In the past few days, everything went well. Matulin na lumipas ang mga araw at ngayon ay lagpas isang linggo na nang makauwi silang dalawa ni Mirkov sa bahay nito sa South Ecstacy.

Marami-rami na rin ang nangyari. Nakadalaw na siya sa bahay nina Remira, Annina, at Idelaide. Nakilala na rin niya ang mga anak ng mga bagong kaibigan at talaga namang natutuwa siya sa mga iyon. Kung kasama nga lamang niya sina Jessa, Bea, at Tikoy ay paniguradong matutuwa rin ito sa mga magiging bagong kalaro, lalo na ang mga anak ni Annina na sina Jion at Jewel, dahil medyo malalaki na ang mga iyon.

Madalas silang kumain sa malapit lamang na restaurant nila Remira, Idelaide at Annina, lalo na kung hindi busy ang mga ito. Halos naikwento na niya sa mga ito ang lahat nang napagdaanan niya, mula umpisa hanggang sa kung paano niya nakilala si Mirkov... kung paano siya iniligtas at natulungan ng binata.

At hindi naman siya nagsisisi sa pagkukuwento sa mga ito, dahil doon din niya nalaman na maging ang mga ito pala ay grabe rin ang napagdaanan bago mapang-asawa ang kani-kanilang mga asawa ngayon. Doon nga niya tuluyang napagtanto na lahat talaga ng tao ay may pinagdaanan o pinagdadaanan na hindi alam ng iba.

Mas naging close pa silang apat dahil sa madalas na pakikipagkuwentuhan sa isa't isa.

Naisama na rin siya ni Mirkov sa kumpanya nito. Halos malula nga siya sa taas ng building na iyon sa dami ng palapag. Paminsan-minsan rin ay isinasama siya nito kapag pupunta ito sa check-up at maintenance ng ilan nitong yate at barko.

Maaga siya nagising nang araw na iyon. Alas sais pa lamang ng umaga ang sinasaad ng orasan na nakapatong sa side drawer. Hindi pa rin ganoon kaliwanag sa labas. Naging routine na niyang magising ng ganoon kaaga nitong mga nakaraang araw.

Napangiti siya nang makita ang mahimbing na binatang natutulog sa kaniyang tabi. Dahan-dahan niyang inalis ang braso sa kaniyang bewang at binigyan ito ng halik sa pisngi, bago tuluyang bumangon. Itinali niya ang mahabang buhok habang patungo sa kusina. Siya na kasi ang nag-aasikaso ng pagkain nilang dalawa ng binata. Nang sa ganoong paraan man lamang ay matulungan niya itong maibsan ang pagod.

Ngayong nakabalik na ito sa trabaho ay kita niya ang pagod nito sa araw-araw. Nakita rin niya kung gaano ka-hands on ang binata sa mga yate nito, at kung gaano ito karesponsable. Gusto talaga nitong palaging mataas ang kalidad ng serbisyo na maibibigay ng kumpanya nito sa mga nagiging kliyente. At tumaas pa ang paghanga niya sa binata dahil doon.

Nagsimula na rin siyang bumalik sa pag-aaral. Nang magsabi siya kay Mirkov na gusto niyang bumalik sa pag-aaral ay tuwang-tuwa ito. Ito pa mismo ang tumulong sa kaniya na mag-enroll sa online classes. She's in the basics. Dahil grade-4 lamang naman ang natapos niya noon ay amg elementarya ang ipinagpapatuloy niya ngayon. Alam niyang nakakahiya para sa edad niya ang maging estudyanteng nasa grade-5 pa lamang, ngunit agad na nawawala ang hiya niyang iyon sa tuwing nakikita niya kung gaano kasaya at ka-proud si Mirkov sa ginagawa niya.

He is her number one supporter. Kaya naman pinag-iigihan rin niya ang mga ginagawang pagsuporta sa binata.

Mabilis lamang siya natapos magluto. Nagsangag lamang siya ng kanin, nagprito ng manok at bacon, at ipinag-init ng tubig si Mirkov para sa kape nito. Isa pa iyon sa mga napansin niya sa binata. Heavy-eater at gustong-gustong kumakain ng kanin sa umaga. Kaya naman inaagahan na talaga niya ang gising upang masiguradong kanin ang makakain nito bago pumasok sa trabaho.

Nang maayos na niya ang mesa ay saka siya bumalik sa kuwarto sa ikalawang palapag upang gisingin ang binata. Naupo siya sa gilid ng kama. "Mirkov..." Marahan niyang tinapik-tapik ang pisngi ng binata. "Mirkov, gising na. Maaga pa ang pasok mo. Mirkov..."

He groaned. Unti-unti itong nagmulat ng mata, kinusot ang mga iyon, at isa agad matamis na ngiti ang ibinigay sa kaniya. "Good morning, omorfos." Nakangiting pagbati nito sa kaniya.

ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon