FORTY SEVEN

460 15 0
                                    

"Hey, omorfos. Wake up. We are here."

Naalimpungatan si Nairam sa mga mararahang pagtapik ng binata sa kaniyang pisngi. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa biyahe.

"We are finally here," he said softly. Ang nakangiting mukha ng binata ang nabungaran niya. Inalalayan siya nitong makababa mula sa sasakyan. Nasa tapat sila ng isang bahay na may dalawang palapag. Madilim na ang paligid dahil inabot sila ng gabi sa biyahe.

Ngunit kahit madilim ang langit ay kita pa rin niya ang maganda at malinis na paligid dahil sa maliliwanag na poste ng mga ilaw. Nasa loob sila ng isang subdivision, at talaga namang kay gaganda ng mga bahay roon.

"Salamat po, manong." Narinig niyang magalang na sabi ni Mirkov sa lalaking drayber.

"Walang anuman po, Sir. Salamat din po." Nakita na lamang niya ang unti-unting pag-alis ng sasakyan.

"Come on, omorfos." Binuksan ng binata ang maliit na daanang pantao sa gate at sinimulang bitbitin papasok doon ang kanilang mga bagahe. Agad naman siyang sumunod sa binata.

Napaawang ang labi niya nang makapasok sa gate. Malaki ang bahay ng binata at may limang sasakyan na nakaparada sa malawak na garahe niyon. Malawak din ang garden ngunit kakaunti pa lamang ang mga halaman na nakatanim doon. Hindi naman na siya dapat magtaka doon dahil alam niyang wala masyadong oras ang binata sa pag-aasikaso ng bahay nito. Lagi itong abala sa pagtratrabaho.

He opened the front door and put their things inside. "Pasok ka. And please feel at home." Hinubad ng binata ang sapatos nito at nagsuot ng malambot na tsinelas. Binigyan din siya nito ng pambahay na tsinelas kaya hinubad niya ang suot na sandals.

"Ikaw lang ang mag-isang nakatira dito?" Tanong niya sa binata.

"Of course." Muli nitong binuhat ang mga bagahe nila at akmang aakyat ng hagdan. "Upo ka muna. I'll be back." Naupo naman siya sa sofa tulad ng sabi nito. Malaki ang bahay, malaki para sa isang tao lamang. Mirkov must have been lonely living here alone. O baka naman hindi? Baka naman nag-iimbita ito ng ibang babae sa malaking bahay na iyon?

Tinapik-tapik niya ang magkabilang pisngi. Heto na naman ang utak niya sa pag-iisip ng hindi maganda. Kapag pinagpatuloy niya iyon ay baka iyon pa ang pagsimulan ng away nila. Isa pa, hindi naman na mahalaga iyon, ang mahalaga, sila nang dalawa ang magkasama ngayon.

Nang bumaba ang binata mula sa ikalawang palapag ay nakasuot na ito ng sweater at pajama. "Hey, come with me."

Hinawakan nito ang kaniyang kamay at sumunod naman siya dito. Malawak rin ang ikalawang palapag. May dalawang kuwarto doon, isang study room at teresa.

"Here's my room." Binuksan nito ang pinakamalaking kuwarto. Natutuwa siya dahil malinis iyon. Masinop sa gamit ang binata. Kung gaano ito kasinop sa mga gamit nito sa east wing chamber, ay ganoon rin dito.

Malaki ang kama at carpeted ang sahig. May set din doon ng telebisyon, pati mga sofa. Nakita niyang nakatabi sa sulok ang mga bagahe nila.

"Do you like it?" Naramdaman niya ng pagyakap ng binata sa kaniyang bewang mula sa likuran. Ipinatong nito ang baba sa isa niyang balikat.

Nakangiti naman siyang tumango-tango. "Nagustuhan ko. Ang ganda ng kuwarto mo."

"Mabuti naman at nagustuhan mo. You can take a shower first if you like. That is the bathroom. May closet sa loob niyon." Humiwalay na ito mula sa pagkakayakap. "Take your time on freshening yourself up. I'll just prepare our dinner."

Hinalikan ng binata ang kaniyang noo. Saglit siyang napapikit doon at mas lumaki pa ang ngiti sa labi. She always find that gesture so sweet. That particular always gesture always manage to leave warmth to her heart.

ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon