FIFTY TWO

641 21 4
                                    

Hindi maitago ni Mirkov ang panginginig ng mga kamay habang nagmamaneho. Hindi lamang iyon, maging ang tuhod niya ay nanginginig rin sa sobrang pag-aalala para sa babaeng minamahal. Napansin naman iyon ni Creig na nasa passenger seat lamang.

"Do you want me to drive, man? I could drive." Nag-aalalang tanong sa kaniya ng kaibigan.

"No, Creig. It's okay." Pilit niyang pinakakalma ang boses at binilisan pa ang pagmamaneho upang makasabay sa mga sasakyan ng pulis sa kanilang harapan. Ang sasakyan nila ay napapalibutan ng mga sasakyang pampulis, at ilang medics. Above them is Carlos. Sakay ito ni Mathilda. Pareho-pareho silang patungo sa lokasyon kung saan dinala si Nairam. At habang papalapit sila nang papalapit doon ay mas lalong lumalaki ang takot at kaba sa kaniyang pagkatao.

"I will go ahead and try to get some visuals. Maghahanap din ang ng mapagla-landing-an." Narinig niyang sabi ni Carlos mula sa earpiece na nasa kaniyang tenga.

Please, wait for me Nairam. Gusto niyang umiyak. Sising-sisi siya. Sinisisi ang sarili kung bakit nangyari ngayon ang nangyayari sa kasintahan. Nagsisisi siya na sinigawan niya ito. Sana pala ay pinaghintay na lamang niya ito sa labas ng opisina. Sana ay magkasabay pa rin silang kumain ng tanghalian, at sana ay magkasabay silang umuwi kanina.

Nang malaman niya mula sa taxi driver ang nangyari ay agad siyang nakaramdam ng guilt. Isang hindi daw kilalang lalaki ang humampas ng kahoy sa ulo ng dalaga at isinakay ito sa isang itim na sasakyan. Nang pilit niyang pinaalala sa matandang driver ang hitsura ng lalaki, kumuyom ang kaniyang kamao sa mga sinabi nito. Dahil nagtutugma ang features na sinabi nito sa features ng kaniyang pinsan.

Kaya naman ang unang pumasok sa kaniyang isip ay ang manghingi ng tulong sa mga kaibigan. Agad niyang tinawagan sina Carlos at Creig, at mula kay Carlos, nakumpirma nila ang pagpasok ni Dasano sa bansa kasama ang dalawa pang lalaki. Ang dalawang lalaking iyon ay paniguradong si Miego, at Deacon. Through Carlos connections also, he was able to identify the relationship of those two. Brothers. Kaya naman noong gabi ng Royal Ball, noong umiiyak na sinabi sa kaniya ni Nairam na nakita nito sa Deacon sa kakahuyan, she wasn't just delirious. Totoo palang nasa loob ng palasyo ang lalaking iyon, at sigurado siyang si Miego ang tumulong dito upang makapasok sa palasyo ang kapatid.

Kung paano nakalabas si Dasano mula sa Greece? Hindi niya alam. Basta't alam niya ay sa ilegal na pamamaraan iyon.

Mas dumomble pa nga ang kaniyang kaba nang malaman na si Dasano ang may hawak sa kaniyang kasintahan. Alam kasi niyang galit na galit ito sa kaniya at mas nawalan ng plano na sumuko at magpatalo matapos ang nangyaring pagpapahiya rito noong gabi ng Royal Ball.

Nagpapatong-patong ang galit nito sa kaniya, dahil kinabukasan lamang din pagkatapos ng selebrasyon ay inaresto ito ng mga pulis upang kwestyunin. Ngunit bago pa pala dumating ang mga pulis noon sa palasyo ay nagkaroon muna ng pagtatalo si Dasano at ang kauuwi lamang noon na ama nito. And his father ended up disowning him.

Dasano's case was about to be put in trial after he admitted about the plans of killing him, hindi lamang siya, kundi pati na rin ang hari at reyna; ang buo niyang pamilya. Ayon sa pag-amin nito mula pa noon ay ito na ang nagpapadala ng mga damit na nakalalason. Si Deacon ang nag-aasikaso niyon mula sa black market, at ipadadala sa palasyo sa utos ni Dasano. At makakapasok naman sa loob ng palasyo ang kahon sa pamamagitan ni Miego.

Si Miego, ang lalaking nag-iisang taga-sunod pinagkatiwalaan niya sa loob ng mahabang panahon. Ang lalaking itinuring niyang nakatatandang kapatid. Hindi niya matanggap na isa ito sa mga may hawak kay Nairam ngayon.

Through Miego's phone, they were able to track their location in a specific countryside. At ngayon nga ay papunta na sila roon. Dapat nga ay hindi sila kasama, ngunit hindi siya pumayag. Kailangan niyang makipagnegosasyon sa sariling pinsan. Kailangan niyang masiguradong ligtas si Nairam. Nangako naman sila sa mga kapulisan na hindi gagawa ng kahit anong hakbang upang masira ang operasyon ng mga ito.

ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon