FIFTEEN

597 18 0
                                    

Nairam gasped. Kasalukuyan silang magkatabing nakaupo ni Mirkov malapit sa may railings.

Ngayon ay naalala na niya kung bakit pamilyar sa kaniya ang malaking cruise ship na ito. Iyon ay dahil nakapunta na siya noon dito. Mr. Whale forced her to…

Isang lumalagutok na sampal ang dumapo sa kanang pisngi ni Nairam. Pinilit niyang huwag mapaigik sa sakit na dulot niyon. Dahil sa malaki ang kamay ni Mr. Whale ay mabigat din ang sampal na binibitawan ng mga iyon. But she stood her ground. Her face remained passive. Ipinakita niya ang walang takot na emosyon. Ayaw niyang makita ng butanding na ito na nasaktan siya.

Sinimulan nitong haplusin ng matataba nitong daliri ang pisngi niya. At puno siya ng pandidiri doon. Nandidiri siya sa lahat ng ginagawa nito.

“Talagang hindi ko na nagugustuhan ang pagtatapang-tapangan mo, Nairam. Sa ayaw at sa gusto mo ay susundin mo ang sinasabi ko!"

"Sundin ang sinasabi mo? Ang alin? Ang pag-barter sa akin sa mga taong hindi ko naman kilala?" Kani-kanina lamang ay walang kaabug-abog na inanunsiyo ng matabang lalaki ang isang gabi niyang pakikipagsiping sa isang korap na opisyal kapalit ng isang bagong barko.

At kung sabihin iyon ni Mr. Whale para lamang siyang isang laruan na ipahihiram nito sa isang kalaro at kinabukasan ibabalik.

"Nairam, hindi naman kita ibinebenta. Ipahihiram lang kita, kapalit noon ay isa pang fishing vessel. Ibabalik ka rin dito."

Wala mabuti sa lahat ng mga sinabi ng matabang lalaki. Walang pagpipilian. Hindi niya gustong sumama sa kung sinong lalaki, at hindi rin niya gustong bumalik pa sa lugar na iyon. Parehas impyerno. Ngunit mas pipiliin niya ang nakasanayan na niyang impyerno, kaysa sa bago. Hindi niya alam kung anong kapalaran ang naghihintay sa kaniya sa kung kanino mang impakto siya 'ipahihiram' ni Mr. Whale.

"Ayaw ko, Mr. Whale."

Bigla nitong hinablot ang buhok niya at halos mapatingala siya roon. "Ang sirena ko ay nagsisimula nang tubuan ng mahahabang sungay."

She gritted her teeth in anger. "Hindi mo ako sirena. Hindi ako pag-aari ng kahit na sino," mariin niyang sabi. Maging ang mga palad niya ay nagpormang kamao. Kaunti na lamang at tila babaon na ang sarili niyang mga kuko sa kaniyang kamay sa higpit niyon.

Mas humigpit pa ang paghila nito sa kaniyang buhok. Pakiramdam niya ay matatanggal na ang mga hibla niyon mula sa kaniyang anit. “Pag-aari kita! At baka nakalilimutan mong ako rin ang may-ari ng sirkus na ito. Ibinenta ka sa akin ni Deacon, kaya kay Deacon ka magngitngit!”

Marahas siya nitong binitawan dahilan upang mapasalampak siya sa sahig. Nakita niyang sumenyas ang matabang lalaki sa dalawa namang maskuladong lalaki na kanang kamay nito. Kasunod niyon ay ang sunud-sunod na pagsipa ng mga ito sa kaniya. Napabaluktot siya. Sinusubukang protektahan ang sarili mula sa bigat ng pagtama ng mga paa sa kaniyang katawan.

Sa bawat sipa ay napapaigik siya. Nanginginig ang kaniyang mga tuhod. Hindi niya namalayan ang unti-unti pagtulo ng kaniyang luha sa bawat pagtama ng mga paa ng mga ito sa kaniya.

"Tama na iyan, Mr. Whale!" Narinig niya ang malakas na pagsigaw ni Buboy. Pati na rin ang pagpalahaw ng iyak ng mga bata.

"Isa ka pa!" Sinipa ng matabang lalaki ang binatilyo sa tuhod, dahilan upang mapasalampak din ito sa sahig. Ito naman ang tuluy-tuloy na sumipa sa binatilyo. "Isa-isa na kayong nawawalan ng takot sa akin? Puwes! Ipapatikim ko uli sa inyo ang pakiramdam kung paano matakot!" Tinigilan na nito ang pagsipa kay Buboy at inayos ang nagulo nitong buhok.

Nakita ni Nairam kung paano lumapit ang matabang lalaki sa siyam na taong gulang pa lamang na si Bea. Sinubukan pang harangan ni Tikoy si Mr. Whale ngunit hinampas ito ng matabang lalaki ng hawak nitong baston.

ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon