Hindi maipaliwanag ang pagkairita na nararamdaman ni Nairam. Nanggagalaiti siya. Kumukulo ang dugo kay Dasano. Sana pala ay totoong binali niya ang kamay nito o hindi naman kaya ay pinagsisipa ang alaga nito hanggang sa hindi na ito makalakad. Ang bastos na lalaking iyon ang dahilan ngayon kung bakit nasira ang araw niya at buong magdamag nang nakakulong sa kuwarto.
Kinatok siya ni Miego kanina at dinalhan ng pagkain, ngunit dahil sa inis niya, umabot na ngayon alas tres na ng hapon ay hindi pa rin niya nakakakain ang dapat sana'y tanghalian. Hayun at hindi pa rin nagagalaw sa ibabaw ng trolley.
Hindi siya mapakali habang naka-indian seat sa kama. Nakakagat na nga niya ang sariling kuko sa kamay habang nakatitig sa kaniyang cellphone.
Nagsimula siyang mag-type roon. Mirkov, hinalikan ako ng pinsan mo. Agad din niyang binura ang mensahe na iyon at napailing-iling. Tila pangit sa kaniyang pandinig ang mensaheng iyon.
Mirkov, binastos ako ng pinsan mo. Muli niya iyong binura. Tunog nagsusumbong iyon. At parang inuutusan niya si Mirkov na banatan si Dasano.
Mirkov, sinampal ko ang pinsan mo dahil hinalikan niya ako. And for the last time, she frustratedly hit the delete button.
"Arggh!" Frustrated niyang binura ang mensahe at inihagis ang cellphone sa kama. Nasapo niya ang nananakit na ulo. Kapag sinabi niya ang nangyari kay Mirkov, paniguradong bugbog-sarado ang aabutin ni Dasano. Kapag naman hindi niya iyon sinabi, baka pagmulan pa nilang dalawa iyon ng away; na ayaw na ayaw niyang mangyari. Isa pa, baka sa ibang tao pa nito malaman. Baka si Dasano pa ang magsabi, at wala siyang katiwa-tiwala sa taong iyon.
Napabuntong-hininga siya. Kahit deserve ng bastos na si Dasano ang makatikim ng bugbog, hindi naman niya gusto na siya ang pagmulan ng away ng dalawa. Dapat nga ay tinutulungan pa niya ang mga ito na magkabati, hindi ang magsuntukan habang nagsasalita na naman ng ibang lengguwahe.
Ngunit hindi rin naman niya gustong silang dalawa ni Mirkov ang mag-away!
Napadapa siya sa kama at inuntog-untog ang sarili sa unan. Pakiramdam niya ay nababaliw na siya at hindi alam ang gagawin. Nasa ganoong posisyon siya nang makarinig ng sunud-sunod na pagkatok sa pintuan.
Buo na ang kaniyang desisyon. Tama. Tama. Sasabihin niya kay Mirkov sa personal ang nangyari kapag nakauwi na ito. Huminga siya ng malalim at inayos ang sarili bago tinungo ang pinto.
Pinihit niya ang doorknob at bahagyang kumunot ang noo nang makitang si Miego ang nasa kabilang side niyon. "Miego? Is there any problem?"
"No, Miss. But Her Majesty is looking for you. She wants your presence at the Great Hall."
Nagpatiuna itong maglakad at wala siyang nagawa kundi ang sumunod lamang kay Miego. Nang makarating sila sa Great Hall ay isang malaking ngiti ang ibinigay sa kaniya ni Jessa. Maging si Bea ay nginitian siya. Nakaupo ito sa tabi ni Mommy Adonia. Sa likod ng dalawa ay nakatayo ang ilang personal assistants ng ginang. Pumuwesto rin doon si Miego, halatang handang sumunod sa anumang ipag-utos.
"Ate Nairam!" Malayo pa siya ay kumakaway na ito. Ginantihan din niya ito ng ngiti at kaway. May ibang tao sa Great Hall bukod kay Mommy Adonia. Tatlong babae iyon na pare-parehas Greek. Ang isa sa mga iyon ay sinusukatan ng katawan si Jessa. Nakataas ang dalawang kamay ng bata dahil sinusukat ng babae ang bewang ng bata gamit ang medida.
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)
Narrativa generaleMirkov Thalassa. A well-sought bachelor and one of the most richest businessmen all over the world. Greek... and definitely scoundrel. Especially his mouth. Talagang tampalasan. He can even spell 'fuck' in different languages. Sa dinami-rami ng bark...