FIFTY

504 18 0
                                    

Wala sa kaniyang sarili si Nairam habang naglalakad patungo sa sakayan. Ang nasa isip niya ay ang galit ba galit na mukha ng binata. At kahit sinigawan na siya nito kanina ay hindi pa rin niya magawang magalit dito.

Alam niyang namomroblema ito ngayon, at namali ang timing ng pagpunta niya. Hindi siya galit sa binata, ngunit ang katotohanan ay natakot siya.

Iyon ang kauna-unahang beses na natakot siya rito. Pumara siya ng taxi.

"Sa South Ecstacy po tayo, manong." Garalgal ang tinig na sabi niya sa matandang lalaki na drayber.

"Okay po, Ma'am."

At nang makasakay doon ay doon na rin bumuhos ang luha niya. Naikuyom niya ang nanginginig na mga kamay. Umiyak siya nang umiyak sa mga nakakuyom niyang kamao.

Problema lamang ba ang dala niya kay Mirkov? Alam naman niya na marami na itong nagawa para sa kaniya, ngunit ginagawa rin naman niya ang lahat nang makakaya para dito. Ginagawa niya ang lahat para maalagaan ito; para hindi maging pabigat dito. Ginagawa niya ang lahat para hindi ito mabigyan ng problema.

Gusto lamang naman niya itong tulungan, kaya hindi niya maintindihan kung bakit galit na galit ito sa kaniya. Mabigat na mabigat ang kalooban niya.

"Kuya, huwag po muna pala sa South Ecstacy. Pwede po bang mag-drive lang po muna kayo kahit saan." Humihikbi niyang sabi. Tila may bikig ang kaniyang lalamunan

"Okay po, Ma'am." May simpatiya naman na sabi ng nagmamaneho. Sinunod nito ang sinabi niya at nag-round trip. Kung saan saan lamang ito nagmaneho. Nakarating na nga sila sa seaside.

Binuksan niya ang bintana at sinubukang sumagap ng hangin. Bawat punas niya ng luha ay may tumutulo na naman na panibago. Pero ang hindi niya matanggap ay kahit umiiyak siya ngayon, iniisip pa rin niya kung kumain na kaya ang binata; kung nagtanghalian na ba ito.

She is still more worried for him than herself.

Hindi niya alam kung gaano katagal siyang umiyak. Ngunit nang mahimasmasan siya ay doon niya napansin na naipit na pala sila sa trapiko, at nakatigil na ang taxi. Madilim-dilim na rin ang kalangitan nang tumingin siya sa labas. Pamilyar na sa kaniya ang kalyeng iyon. Ilang kanto na lamang ay makakarating na sila sa eksklusibong subdibisyon.

"Ma'am, wala na po kasing ibang ruta." Magalang na sabi sa kaniya ng matandang drayber. "Kailangan po natin maghintay ng kaunti."

"Okay lang po, manong." Magalang din niyang sabi at pilit na ngumiti rito. "Dito na lang po ako, lalakarin ko na lang. Malapit naman na e."

Kukuhanin sana niya ang wallet ngunit ngayon lamang niya na-realized na wala iyon sa kaniya. Unti-unti siyang nag-panic nang maalalang inilagay niya iyon sa tote bag kasama ng kaniyang cellphone.

Napamura siya sa kaniyang isip, at nag-uumpisang makaramdam ng hiya sa matandang taxi driver na pinahirapan pa niyang magmaneho sa kung saan-saan.

Hinubad niya ang suot na kwintas. Natitigan niya iyon at kinapa ang pendant niyon na perlas na may pakpak. Iyon ang kwintas na ibinigay sa kaniya ni Mirkov noong sila ay nasa Vasilios.

"Manong, pasensya na po kayo. Naiwan ko po kasi ang wallet ko. Sana po ay tanggapin ninyo itong kabayaran. Totoo po ang kwintas na ito. Kung gusto niyo rin po ay kunin nyo ang numero ko, para mabayaran ko kayo bukas."

She is not making any sense. Heto at nakagawa na naman siya ng problema sa ibang tao. Nadamay pa ang driver na ito sa pagiging pabigat niya. Sino ang maniniwala sa ganoong bulok niya na paliwanag. Para siyang pasaherong may modus. Ngunit imbes na magalit o pagdudahan siya ay nginitian siya ng matandang lalaki. "Ma'am, huwag na ho ninyo akong bayaran. Ayos lang po sakin na makatulong. Halata naman pong may pinagdadaanan kayo."

ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon