Prologue

607 16 4
                                    

"Let us bow our heads and pray..."

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Hawak-hawak ang rosaryong dala ko, I tried my best to focus on praying. Kaya lang hindi talaga ako mapakali. Kung may makakakita lang siguro sa akin ay iisipin nilang nasusunog na ako rito sa loob ng chapel kaya pasimple kong iminulat ang isa kong mata.

Pasimple kong tinignan kung may nakakapansin ba sa akin. To my relief, there's none. Everyone was busy whispering their prayers at halos walang pakialam sa nangyayari sa paligid. Muli kong isinara ang mga mata ko nang senyasan ako ni sister na magdasal at makinig.

Lord, sorry po talaga pero hindi ko na talaga kaya.

Beads of sweats began to form all over my forehead. May nagpatay ba ng electric fan? I bit my lower lip when I felt something strange building up on my insides. Huwag naman ngayon, oh. Promise hindi na ako kakain ng maraming siomai sa canteen at hindi na rin ako mangbuburaot sa mga kaibigan ko.

But I think that's not a valid prayer.

"Hoy, Aveen."

Pasimple kong sinilip ang katabi ko't siniko para tuluyang makuha ang atensyon n'ya. Just like the others, she was also focused on praying, but I just couldn't take it anymore.

"Dasha, please lang huwag kang magulo. Respeto naman, oh," rinig kong bulong n'ya pabalik.

"Aveen naman, eh."

"Magdasal ka nga riyan," utos n'ya pa.

"Aveen." Kinalabit ko ulit s'ya. I know that this is not the right time for this but she can't just blame me. Hindi ko naman 'to ginusto!

"Dasha, I swear I will kick you if you won't shut up and sit still," she threatened. Kita mo 'tong babaeng 'to. Kung makapagsalita ay parang wala sa loob ng chapel at hindi nagdadasal.

"Aveen, makinig ka kasi! May sasabihin nga ako."

"Can't it wait later? Can't you see I'm praying?"

"Aveen, promise importante 'to," pangungulit ko pa. I really have no one to talk to at alam kong sa kanya ko lang ito masasabi.

"Ano ba 'yon? Bakit ba?" Naiinis na bulong n'ya. Napayuko ako. Paano ko ba ito sasabihin sa kanya? Hindi bale na. Alam ko namang hindi n'ya ako ijajudge kahit judgemental talaga s'ya.

"Aveen... najejebs kasi ako," seryoso ngunit mahinang saad ko.

Katahimikan ang bumungad sa akin. When I panned my head at her, I saw how red she was. She was trying to suppress her laughter.

"Bakit ka tumata—"

"Shh." sister Fe appeared on our side that made me flinched. Inilagay n'ya ang kanyang daliri sa harapan ng kanyang bibig para patahimikin kami.

"Sister Fe, si Dasha po najejebs!"

Nanlaki ang mga mata ko maging si sister Fe na parang hindi makapaniwala. Tinapakan ko ang sapatos ng katabi kong madaldal ngunit mukhang nakita iyon ni sister kaya binato n'ya ako ng tingin.

"Sige na, Dasha, lumabas ka na nang tahimik." She gestured her hand on the door. Ayaw ko sana kaya lang hindi ako pwedeng maging mapride ngayon. Ayaw ko nang makagawa ng panibagong kasalanan.

Tahimik at nakayuko akong lumabas ng chapel. Hawak-hawak ang tiyan kong kanina pa kumukulo, dumiretso ako sa comfort room.

May araw ka rin sa akin, Aveen!

"Ano? Success ba?"

Napairap ako ng mga mata. Lumakad ako sa table kung nasaan sila at pagkaupong-pagkaupo ko pa lang sa upuan ay ang malakas na halakhakan na nila ang bumati sa akin.

Catmint Series 1: Atty. Keere Alexis MagnusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon