𝗣𝗥𝗢𝗟𝗢𝗚𝗨𝗘

134K 2.1K 143
                                    


Napatigil ako sa pag didilig ng halaman ng mapatingin ako sa kasamahan ko dahil tinawag ako nito.

"Pheobe pinapatawag ka ng anak ni mayor dalian mo bawal pag antayin yun" nagulat ako dahil namamadali s'ya.

Nagmamadali n'yang sabi sakin hindi ko alam bakit ako pinatawag nito gayong ngayon ko pa lamang makakausap ang anak ni mayor.

Tumungo na lamang ako at dali daling pumasok ng mansyon hindi ko alam bakit ako kinakabahan.

Nararamdaman ko ito pag nakikita ko ang anak ni mayor. Umakyat agad ako sa ikatlong palapag at pumunta sa dulo dahil sa pag kakaalam ko ay duon ang kwarto ng anak ni mayor dahil tinuro ito ng kasamahan ko.

Nang nasa harap na ako ng kanyang kwarto ay huminga ako ng malalim sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib.

Hindi ko alam kung bakit, kumatok ako ng tatlong beses at dahan dahan binuksan ang kanyang pintuan.

Pag harap ko ay halos mapatalon ako sa gulat dahil bumungad sakin na nakahiga ang anak ni mayor habang nag babasa.

Ang kulay puti nitong polo na sout ay nakabukas ang mga butones.

Naka tuon lang s'ya sa librong hawak niya hindi ko alam kung bakit biglang gumala ang mata ko pababa sa kanyang polo na ikina lunok ko.

Hindi n'ya ako tinapunan ng tingin, hindi ba n'ya ako napansin? akala ko ba ay pinatawag n'ya ako. tumungo lang ako habang nilalaro ang aking mga daliri.

"S-Sir ano pong kailangan n'yo?" mahina kong sabi hindi ko alam talaga alam bakit sobra akong kinakabahan.

Hindi ko alam kung bakit din ako nauutal ilang minuto akong nag hintay ng sagot niya.

"What's your name?" napa-angat ako ng tingin dahil sa tanong nito nakatuon pa rin s'ya sa pag babasa.

Tumungo muli ako at pinagiisipan kung sasabihin ko ba ang pangalan ko.

“Pheobe ho” sa huli ay sinabi ko din ang aking pangalan.

Wala akong narinig na response  sa kanya.

"Do you have a boyfriend?" mas lalo akong nagulat sa sunod n'yang tanong.

Napa-angat ako ng ulo hindi ko alam kung sasagutin ko s'ya, dahil nag tataka ako bakit kasama sa tanong niya kung meron na kong kasintahan.

"S-Sir kailan—" hindi niya ako pinatapos mag salita.

"Just answer my question!" madiin at malamig niyang saad sa sobrang takot ko ay nasabi ko ang totoo.

"O-Opo sir" mahina kong sabi bigla s'yang napatingin sa akin na animoy may sinabi akong hindi maganda.

Nasilayan ko ang kanyang muka, nakita kong umiigti ang kaniyang panga hindi ko alam kung guni guni ko lamang yun.

Yes may kasintahan na ako at mahigit dalawang linggo na kami. Bago pa lang kami dahil niligawan n'ya muna ako pinatagal ko ang panliligaw nya sa'akin. 

Ramdam na ramdam ko ang pag mamahal n'ya sakin.

Naging 'long distance relationship' kami dahil sa nag trabaho ako dito.

Nagulat ako ng ibato nya malapit sa akin ang libro na hawak niya buti ay nakailag ako para s'yang galit sa inaasta n'ya ngayon.

Napatanong ako sa aking sarili kung may ginawa ba ako o nasabi na mali.

Takot ang nararamdaman ko ngayon kung kanina ay kumakabog ang aking dibdib ngayon ay mas malala na tila sasabog ito.

Nakatungo lamang ako habang nakatayo gusto kong lumabas na ng silid na ito pero hindi ko magawa ayoko bastusin ang anak ng amo ko.

Napansin ko na may mag kapares na chinelas ang nasa harap ko. Nang tumingala ako ay napalunok ako dahil sobrang lapit ng kanyang muka sa akin. hindi ko maalis ang mga tingin ko sa mata niya napakaganda.

"Leave." rinig kong saad niya pero ang mga mata ko ay ayaw umalis ng tingin sa mata niya.

"I said leave bago pa ako may magawa sa'yo"

napabalik ako sa urirat sa huli niyang sinabi hindi ko alam kung ano anh ibig sabihin niya.

"O-Opo" nakatungo kong saad sa sobrang kaba at takot ay dali dali akong lumabas ng kwarto. Narinig kong may kumalabog sa kanyang silid nguni't hindi ko na lamang pinansin.

Tumakbo ako papuntang kusina sobra akong kinabahan hangggang ngayon ay kumakabog pa'rin ang aking dibdib.

Pag dating ko ng kusina ay uminom agad ako ng tubig.

"Oh? pheobe anong nangyari?" tanong sakin ni manang.

"Dai ayos ka lang? para kang hinahabol" saad ni clara tinignan ko ang iba kong kasamahan halos lahat sila ay nakatingin sakin ngiti lamang ang ginawad ko.

"Wala manang ayos lang po ako, Ayos lang ako clara" hinihingal kong sambit .

Pinakalma ko muna ang aking sarili at bumalik na sa gawain ko.

Ganun ba ang epekto ng tingin nya sa'akin kinabahan ako at halos maubusan ako ng lakas.

Trying To Escape From The Mayor's Son ES#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon