CHAPTER 59

19K 658 27
                                    

PHEOBE POV

Ramdam ko ang isang malambot na bagay na dumikit sa aking pisngi, pag dilat ng aking mga mata ay ang seryosong muka ni kudos ang bumungad sakin, saglit akong natulala at nakipag titigan pa ng tingin sa kanya hindi ko alam kung namamalik mata ba ako dahil mula sa seryoso nitong muka ay puno naman ng masayang emosyon ang kanyang kulay abong mata.

" Morning.." paos nitong bulong sakin habang nakadikit padin ang kanyang labi sa aking pisngi.

Parang may sampung paro parong biglang umiikot sa akin tiyan, hindi ko sinagot ni kudos bagkos ay siniksik ko lamang ang aking muka sa kanyang leeg.

Shit bakit ganito, bakit kahit kakagising lang ni kudos ay napaka bango parin niya.

Napasinghot ako ng dumikit ang balat ng kanyang leeg sa aking ilong, kahit ang leeg nya ay sobrang bago din.

Agad akong lumayo sa kanya ng ma realize na hindi pa ako naliligo at kakagising ko lang nakakahiya baka may amoy nako.

Bakas sa muka ni kudos ang pag tataka at pag tatanong.

" Eh kasi kakagising ko lang baka mamaya may amoy na ako, nakakahiya sayo ang bango mo parin kahit kakagising mo lang.." mahaba kong sagot kay kudos.

Nagulat ako ng mahina itong tumawa at tsaka muli akong tinignan.

" Bakit anong nakakatawa?.." mahinhin kong usal sa kanya.

Nanlaki ang aking mata ng bigla niya akong hilahin dahilan para masubsob ako sa kanyang dibdib

" It's okay, I can still eat you no matter what you smell.." napangiwi ako dahil sa sinagot niya sakin.

Kitang kita ko sa malapitan ang kanyang adams apple na nag taas baba.

" Puro ka kataranduhan kudos.." medyo inis kong ani sa kanya

" What? I'm not kidding.." seryosong sagot niya pero ang kanyang istura ay nakangisi.

Hinawakan niya ang aking baba at akmang ilalapit ang kanyang muka sa muka ko ng agad akong umiwas.

" Hindi pa ako nag to t-toothbrush.." nautal kong ani sa kanya hindi niya ako sinagot at hinila muli ang baba ko.

Napasinghap ako ng sa noo ako nito halikan, akala ko tapos na pero isang mabilis na galaw ay nahalikan ako ni kudos sa labi ko mabilis lang ang halik na ginawad niya para lang itong dumikit sa aking labi.

" bakit mo naman ginawa yun sabing di pa nga ako nag sisipilyo eh.." parang gusto ko mag palamon sa lupa dahil sa kahihiyan.

Gusto ko ng halik ni kudos pero nakakahiya kung hahalikan niya akong may amoy ang bibig ko.

" Kinuha ko lang yung goodmorning kiss ko.." napangiwi ako sa sagot niya.

Minsan talaga hindi ko maintindihan si kudos bakit kailangan niya gawin ang mga bagay na nakakahiya.

Napatigil kami sa pag uusap ni kudos ng biglang kumulo ang tiyan ko, nahihiya akong tumingin sa kanya tsaka muling sumobsob sa kanyang leeg.

" nagugutom na ko.." mahina kong usal sapat na para marinig niya ramdam ko ang pag pasok ng kamay niya sa aking damit at tsaka hinimas ang tiyan ko.

Ang sarap sa pakiramdam ng kamay niyang mainit na humihimas sa aking tiyan..

" you want me to cook?.." naalis ko ang pag siksik sa kanyang leeg at gulat siyang tinignan..

Magluluto siya? Sigurado ba siya yung niluto nga niya nung nakaraan sunog jusko.

" hindi na ako na lang ang mag luluto.." nakangiti kong sambit tinignan ako ni kudos na parang nag tataka pa.

Trying To Escape From The Mayor's Son (ES#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon