CHAPTER 11

34.7K 820 17
                                    

Pheobe POV

Habang nag aayos ako ng lamesa dahil kakatapos lamang kumain nila holy ngayon naman ay nasa pool sila

Napatigil ako sa pag aayos ng lamesa ng mag ring ang phone ko
Pag kasagot ko ay malamig na boses agad ni kudos ang narinig ng aking tenga

"Go to my room now." Sambit nito at binaba agad ang tawag

Ni-hindi man lang ako pinagsalita muntik ko na pala makalimutan na pinapapunta nga pala niya ako kanina sa kanyang silid.

Iniwan ko sa isa kong kasamahan ang aking ginagawa nag paalam ako na pinapatawag ako ng señiorito,

Nang nasa harapan na ako ng kanyang silid at kumatok nakailang katok ako bago ko buksan ito pag bukas ko ay walang tao sa kanyang silid

Pinapatawag tawag ako tapos wala naman siya rito

"Señiorito" sambit ko at tuluyan ng pumasok sa kanyang silid

Nag libot lamang ako hindi ko alam kung saan ko ititingin ang aking mga mata dahil sa sobrang laki ng kwarto n'ya

Dumaan ako malapit sa malaking kortina na kulay gray pero ganun na lamang ang aking pag ka gulat ng bumukas ito ay bumungad si kudos na nakapamulsa

Na out off balance ako napapikit ako at inantay ang aking pag katumba pero pag mulat ko ng aking mata ay seryosong muka ni kudos ang aking nakita

Salo na salo ako nito sa aking bewang napalunok ako ng biglang kumabog ang aking dibdib, kinakabahan ako na baka marinig n'ya ang kabog ng dibdib ko.

"Señiorito nandito lang pala kayo h-hinahanap ko po kayo.." utal na saad ko nakatitig lang ito sakin

Umayos na ako ng tayo unti unti n'yang tinanggal ang kamay n'ya sa aking bewang

"Follow me.." seryosong saad nito at tumalikod kaya nahawi pabalik ang kurti na na kulay gray hinawi ko to ng aking kamay

At ganun na lamang ang pag kamangha sa ko nakita ko.

Ang kamangha mangha na tanawin sa harap ko ay ang nag kakalakihan na bundok ang ganda din ng langit.

Makita ko din ang dalawang upuan na nakaharap dito at may lamesa eto pala ang makikita mo sa napakalaking bintana dito sa silid ni senyorito

"Pheobe!" Rinig kong tawag nito at tinignan ako ng blanko

Pumasok agad ako mapakaganda nga nakita ko sa lamesa ang dalawang libro umupo dun si señiorito

Akmang tatayo lang ako ng senyasan ako nito na umupo sa tabi n'ya nahihiya naman akong umupo

Kumabog na naman ang aking dibdib.

Maya maya pa ay nagsimula mag na basa si kudos habang ako ay nakatingin lang sa magandang tanawin na nasa harap ko

Napakasarap ng simoy ng hangin para akong walang katabi  hindi ko maiwasan mapapikit dahil sa hangin na dumadaan sa amin

"Is it beautiful?.." Napamulat ako at napatingin sa katabi ko

Tinignan ko si kudos nakatingin din saakin

Tinignan ko muli ang mga tanawin sa harap ko at bumaling ng tingin muli sa kanya

"Opo señiorito napakaganda dito." nakangiti kong saad

"Yeah.." tipid na saad nito habang nakatitig pa rin sakin kaya umiwas ako ng tingin ang tingin na yun ay nag papakaba sakin.

Hindi ko na lamang pinansin ang tingin n'ya binuklat ko ang libro na nasa harap ko nakita ko naman na nag tuloy tuloy na sa pag babasa si señiorito kaya nag basa na lang rin ako

Trying To Escape From The Mayor's Son (ES#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon