CHAPTER 51

20.9K 638 32
                                    

PHEOBE POV

Nagising ako dahil sa sunod sunod na tunog ng aking phone na nasa tabi ko lang hindi ko napansin na nakatulog na pala ako kanina lamang ay tulala ako habang nakahiga, pag bukas ko ng aking phone ay bumungad ang mga call ni mama 5 missed cal bakit hindi ko ito napansin ganun ba ako kahimbing matulog kanina, napakagat ako sa aking labi ng mabasa ang mga text ni mama sa mga text pa lamang nito ay nararamdaman ko ang pagaalala ni mama ilang linggo din pala akong walang tawag sa kanila.

Agad tinawagan si mama pero hindi ito sumasagot mabilis akong lumabas ng aking kwarto pumunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig at tsaka pumunta sa garden, nag riring lamang ang phone ni mama pero bakit hindi niya ito sinagot naisip ko tuloy na baka nag tatampo sakin si mama sa ilang linggo kong di nakatawag, akamang tatawagan ko muli ito ng mapatingin ako sa orasan ng phone ko, sht alas onse na pala ng gabi bakit hindi ko agad napansin yun.

" bukas na lang ako tatawag mama miss ko na kayo" pag text ko yun ay agad kong pinatay ang aking cellphone, kahit gabi na napakasarap pala ng hangin dito sa hardin ngayon ko lang napansin na napakadaming bulaklak ang mga nakatanim dito, nakwento saamin ni manang na pag mamay ari daw ito ng mama ni kudos na nasa ibang bansa , naagaw ng atensyon ko ang isang rosas na kulay puti sa aking harapan dahil sa malilinaw na ilaw na nilagay dito sa garden ay makikita mo ang ibat ibang uri ng bulaklak isabay mo pa ang Led light na nakapaligid sa hardin,

Napapikit ako ng maamoy ko ang kulay puting rosas ng makalapit ako dito kabilin bilinan ni manang na wag daw mamimitas ng mga rosas dito, gusto ko man pumitas ay hindi pwede sigurado akong mapapansin ng mga nag tatarbaho sa hardin na may namitas ng rosas, parang gusto ko na lamang mag tayo din ng tindahan ng mga rosas kung baga ay parang flower shop,

" Why are you still awake?" napamulat ako ng marinig ko ang isang malamig na boses sa aking tenga muntik na akong masubsub ng bumungad sakin ang muka ni kudos na malapit na a muka ko ng lumingon ako dito.

"s-senyorito.." nakatingin lamang ito ng malamig sakin, bakit siya gising pa, akmang lalayo ako dito at tatayu na sana ng hawakan nito ang aking braso muli nanaman akong nakaramdam ng kaba dahil sa muling pag dikit ng aming balat.

" stay!." malamig nitong sambit bakit ganun tumatanggi ang aking isipan dahil pilit nitong pinapaalala na iwasan ko siya pero ang puso ko ay kumokontra sa aking isipan para ako nitong hinihila pa papalapit kay kudos.

Wala akong nagawa kundi ang mag stay na lamang sa aking pwesto habang katabi siya walang nag balak na mag salita saming dalawa tinuon ko lamang ang aking tingin sa kulay puting rosas na nasa harapan ko.

" do you like that?" napatingin ako dahil sa sinabi niya, ang rosas na puti ba ang tinutukoy niya, tumungo lamang ako bilang sagot nagulat ako ng bigla niya itong pitasin mas lalong nanalaki ang aking mata ng ibigay niya ito sakin.

" p-pero k-kudos bawal pitasin yan.." kinakabahan kong saad

" walang bawal pag ako ang kukuha."walang emosyong saad niya mas lalo akong naakit sa kulay puting rosas ng kunin ni kudos ang aking kamay at pinahawak sakin ang rosas, walang pag dadalawang isip ko itong inamoy, napakabango ang sarap sa pakiramdam.

Napatigil ako sa aking ginagawa ng mapansing ang pag titig sakin ni kudos, biglang sumagi sa isipan ko ang nanyari kanina nung nasa kwarto niya ako kung saan nakita ko ang yakapan nila ni stella,gusto kong itanong sa kanya kung ano ba niya talaga si stella bukod sa classmate lamang niya.

" M-mauuna na ako sa loob salamat sa rosas na to." ngiti kong sambit akmang tatalikod na ako ng muli niyang higitin ang aking kamay, napakagat ako sa aking labi dahil sa biglang kabog ng aking dibdib, bakit ba hindi ko magawang itaboy ang kamay niyang lumalapit sakin.

Trying To Escape From The Mayor's Son (ES#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon