GRADUATION (61)

21K 625 48
                                    

Lahat ay masayang nag uusap, hindi mapigilan ni kudos na hawakan ang kamay ng dalagang si pheobe.

Hindi maipaliwanag ni pheobe ang saya na kanyang nararamdaman parang kahapon lamang ay nag iisip siya kung paano makapag aral pero ngayon nasa harap na niya ang toga kung saan nag sisimbulo na siya ay nakapag tapos.

Mas dumoble ang kanyang nararamdaman ng sabay sila grumaduate ng lalaking nag pabaliw sa kanya ang lalaking palaging pinapaalala na siya ang nag mamay ari sa kanya.

Ramdam niya ang pag higpit ng hawak ni kudos sa kanyang kamay.

Nakangiti niyang tinignan si kudos na nakatingin din sa kanya.

" Clara tignan mo mukang may matutunaw na ice cream oh.." naputol ang pag tititigan nila ni kudos ng marinig ang mapang asar na boses ng mga kaibigan

Nag lakad papalapit sa kanila sila clara habang nakasunod naman sa likod nila sila demiter na nakasuot na ng toga

Akmang hihiwalay si pheobe kay kudos dahil sa sobrang lapit nilang dalawa ng bigla siyang hawakan nito sa bewang at mas lalong pinalapit siya sa kanya. nakaramdam ng init si pheobe sa kanyang muka alam niyang kahit hindi niya nakikita ang itsura sa salamin ay alam niyang namumula siya.

Pansin niya ang pag ngisi ng mga kaibigan nila.

Hindi mapigilan ni pheobe na ngumiti habang nakatingin din sa kamay nila xaxy at caleb hindi niya alam kung anong meron sa dalawa.

Hindi na din siya nag tataka kung bakit sweet sa isat isa sila holy at peyton dahil gaya ng inaasahan niya ay nag balikan na ang dalawa.

" Kudos anong meron sa dalawa?" parehas na nakatingin si kudos at pheobe sa dalawa nilang kaibigan na hindi mapakali.

Si clara na hindi maipinta ang muka habang pilit na iniiwasan ang pag lapit sa kanya ng binatang si demiter.

" Congratulations to both of you.." isang masayang boses ang narinig ni pheobe at kudos pati ng mag kakaibigan agad silang humarap,

Bumungad sa kanilang harap ang pamilya ni kudos may dala dalang bulaklak mommy nito.

" P-para sa akin po?.." tulalang sambit ni pb habang nakaturo sa kanyang sarili.

Isang malaking ngiti ang ginawad sa kanya ng ina ni kudos habang inaabot sa kanya ang Isang White Roses Bouquet.

" Yes kudos told me na gustong gusto mo daw ang mga kulay white rosas kaya naisipan kong bigyan ka niyan as a congrastulate." halos mapanganga si pb sa sinabi ng ginang hindi niya inaakala na pati ang gusto niyang rosas ay alam ng ina ni kudos.

Nakatitig lamang si kudos sa dalawang babaeng mahal niya, pakiramdam niya ay pinagbiyak na bunga ang babaeng mahal niya at ang kanyang ina, dahil parehas na mahilig sa bulaklak.

inamoy amoy ni pheobe ang binigay sa kanya ng ginang hindi nga siya nag kakamali dahil sa garden ng mansion galing ang mga rosas na binigay sa kanya.

Tulad na tulad ito ng binigay sa kanya ni kudos na pinitas ng binata sa kanilang hardin.

" So graduating na pala kayo bakit hindi niyo na ako bigyan ng apo diba honey?"

" Hon!"

" Mom!" 

Napangiwi si pheobe dahil sa sinabi ng ginang hindi makapaniwala niya itong tinignan.

Hindi alam ni pheobe kung nag loloko lang ba ang mommy ni kudos sa sinabi nito.

" Mommy hindi pa nga ako sinasagot ni pheobe!" saway ni kudos sa kanyang ina

Sunod sunod na tawa ang narinig niya sa mga kaibigan halatang hindi sila naniniwala sa sinabi ni kudos.

Trying To Escape From The Mayor's Son (ES#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon