PHEOBE P.O.V
Tamad kong minulat ang aking mga tumitiklop pa na mga mata, nagising ako sa phone ko na tumutunog halos mapasigaw ako ng nasa iba akong kwarto, pero ganun na lang ang pag hilot ko sa sentido ng aking ulo ng maalalang nag tra-trabaho na ako sa mansion.
Maaga natapos ang aking trabaho kaya maaga din ako natulog siguro ay sobrang pagod ko kagabi.
Akala ko ang nangyari kahapon ay isa lamang panaginip nguni't mali ako. napatingin ako sa orasan alas kwatro pa lamang ng umaga hindi ko alam bakit nakapag alarm ako ng alas kwarto gayong alam ko naman ang oras ng simula ng aking pasok.
Nakaramdam ako ng pag ka uhaw kaya kahit ayokong pumunta sa kusina ay bumangon parin ako nauuhaw na talaga ako.
Ayoko mamatay sa uhaw ang layo layo ba naman kasi ng kusina kahit sino tatamading tumayo at mag lakad kung malayo pa yung kusina.
Ilang minuto pa ay nakarating na'ko sa kusina tignan n'yo ilang minuto ka pa bago makarating ng kusina talagang mansion nga ito.
Kusina namin bababa ka lang ng hagdan madadatnan mo na kusina agad.
"Ang sarap ng tubig" nakangiti kong saad habang hinihimas ang lalamunan ko sobrang lamig kumuha ulit ako at uminom.
Habang umiinom ako ay muntik nako masubsub dahil sa boses na narinig ko nakatalikod ako kaya alam kong sa likod ko yun.
"You woke up early." seryoso niyang saad ayoko sana lumingon kaso narinig ko ang tsinelas n'ya senyales na papalapit s'ya sakin.
Napakagat ako sa aking labi at pinakalma ang sarili.
Pag lingon ko ay nasa harap ko s'ya iniwas ko ang aking mga mata sa mapanukso n'yang mata umusog din ako ng konti dahil medyo malapit s'ya sakin
"M-Magandang umaga po." hindi ko alam bat ako nauutal siguro ay sa ibang nararamdaman ko.
Sinilayan ko muli s'ya walang reaksyon ang kanyang muka gusto ko na umalis at matulog muli.
Akmang hahakbang nako paalis ng mag salita ito
"I need water.." malamig n'yang saad.
Gusto ko sana sabihin sa kanya na nasa harap n'ya lang ang tubig kaso naalala ko ay anak nga pala ito ng amo ko.
Ngumiti ako at tumungo hindi ko na lang dapat ginawa dahil kinagalitan n'ya ako.
"Stop smiling." kada mag sasalita ito ay hindi ako makapag salita siguro dahil sa natatakot ako sa lamig ng boses n'ya.
Nag salin ako ng tubig sa baso at binigay ito sa kanya kinuha n'ya ito sa kamay ko. nang kinuha n'ya ay para akong may naramdaman ng mag dikit ang aming balat para akong nakuryente.
Napaiwas ako ng tingin ng uminom ito sa harap ko habang nakatingin sakin.
Nang maubos n'ya ang kanyang iniinom ay nakatingin parin s'ya sakin nag lakas nako ng loob mag paalam pumasok ng kwarto
"Mauna na po ako." mabilis kong saad at yumuko.
Pero hindi pa ako nakakalakad pa alis ng mag salita ito na kinapikit ko.
"Stay here, I'm hungry cook for me." malamig nitong saad at tinalikuran ako kaya hindi ako agad nakapag salita.
Naiiyak ako gusto ko na bumalik ng kwarto bakit kasi pumunta pa ako dito
kaso ayaw ko naman mamatay sa uhaw.Nang makalabas s'ya ng kusina ay napahawak ako sa aking dibdib sa sobrang kaba na naramdaman ko.
Nanlumo ako ng hindi ko alam kung ano lulutuin ko.
BINABASA MO ANG
Trying To Escape From The Mayor's Son ES#1
RomanceSi Pheobe Tadea ay isang babae na mahinhin at ang kanyang hangarin lamang ay makatulong sa kanyang pamilya. Siya ay pumasok bilang isang katulong sa Mansion ng Mayor nang kanilang bayan, ang akala niya ay tahimik ang kanyang magiging buhay du'n ngun...