CHAPTER 4

52K 1.1K 42
                                    

PHEOBE POV

Alas dose na ng gabi ay hindi pa ako natutulog hindi ko alam bakit hindi ako makatulog, dapat ay nasa isang magandang panaginip na ako

Limang araw na ako sa trabahong ito at masasabi ko na hindi naman gaano nakakapagod dahil sobrang bait nga ni mayor pati ng ibang tao dito maliban na lang ka'y señiorito.

Sa limang araw na yun ay mas lalo akong umiiwas sa anak ni mayor hindi ko alam pero pag tinititigan ako nito ay may nararamdaman akong kakaiba na sa'akin hindi ko maiintindihan.

Napatingin ako sa phone ko na hawak ko ng mag ring ito napangiti ako ng makita ko ang pangalan ni trent sa screen ng phone ko.

Sinagot ko ito pero agad ding nawala nag ikot ikot ako sa aking kwarto pero wala din talagang signal.

Napagisipan kong lumabas para may masagap akong signal.

Dahan dahan akong nag lakad palabas ng mansion nadaanan ko pa ang taas ng mansion kung saan nandun ang mga kwarto.

binuksan ko ang malaking pinto ng mansion at sinara ito ng kaunti umupo ako sa gilid ng malaking pinto at tinawagan ulit si trent.

Nakailang ring pa ay sinagot nya din.

"Hello mahal sinubukan lang kitang tawagan kung gising kapa." malambing na saad ni trent ang boses nito ay na sobrang sarap sa tenga.

"Oo hindi kasi ako makatulog." sambit ko, ang mga bituwin sa langit ay natatanaw ko dito.

"Mag pahinga kana para maalis yung pagod na nararamdaman mo.." sa boses pa lang n'ya ay halatang nag aalala na s'ya sa'akin.

"Mag usap muna tayo.." malambing kong saad sinambit ko din na ala-una ay matutulog nako kaya nag usap muna kami.

SOMEONE P.O.V

Nakatingin lang si kudos sa taas nakahiga ito nguni't hindi pa natutulog gaya ng dalagang si pheobe ay isa rin sya sa hindi makatulog kakaisip sa dalaga.

Kanina ay nakita niya ito ng sila ay mag hapunan pero ng titigan n'ya ang dalaga ay umiwas ito ng tingin kahit ayun naman talaga ang ginagawa nito.

Pero kanina ay iba hindi alam ni kudos ang kanyang nararamdaman hindi n'ya ito maiintindihan palagi hinahanap ng mata niya ang dalaga.

Nag dadalawang isip s'ya kung bababa ba s'ya para uminom ng tubig at tignan ang dalaga baka gising pa din.

Lumabas s'ya sa kanyang kwarto.

Nag lakad s'yang nakapamulsa dadaretso sana s'ya ng kusina ng may marinig s'yang nag sasalita sa labas ng mansion sila.

Napatigil s'ya ng makilala ang boses na yun lumapit s'ya sa may pintuan nila tsaka lang niya napansin na medyo bukas ang malaking pinto.

"Mag pahinga ka mamaya mahal pero kumain ka muna." rinig n'yang sambit ng dalagitang si pheobe sobrang lambing ng boses ng dalaga na ngayon lang n'ya narinig.

Umigti ang panga n'ya ng marinig ang salitang 'mahal' hindi n'ya maiintindihan ang kanyang nararamdaman ang mga salita nito ay parang nag aalala at hindi n'ya matanggal na hindi sa kanya nag aalala ang dalaga.

Gusto n'ya itong hilahin at parusahan dahil sa kan'yang nararamdaman, gusto n'yang kunin ang phone nito para malaman kung sino ang kausap.

"Oo sa day off ko, may day off naman kami mahal kaya makakapag kita tayo" napayukom ang kanyang kamay sa sinambit ng dalaga.

Makikipag kita pag nag day off ito hindi niya kilala kung kanino.

Hindi maiintindihan ni kudos kung bakit ganito ang nagiging reaksyon n'yang galit na galit dahil sa sinambit ng dalaga.

Trying To Escape From The Mayor's Son ES#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon