SPECIAL CHAPTER.

25K 558 44
                                    

Abala sa pag susuklay si pheobe sa kanyang buhok ng maramdaman ang pananakit ng kanyang tiyan akmang tatayo siya ng dahan dahan sa pag kakaupo ng maramdaman niya ang isang pag putok napakagat siya ng kanyang labi ng dahan dahan niyang tignan ang kanyang hita nagulat siya ng isang tubig na nag lalandas sa kanyang hita pababa, hindi siya pwedeng mag kamali dahil bukod sa pananakit ng tiyan ay pumutok na ang tubig sa tiyan niya.

" k-kumalma kayo mga a-anak.." nahihirapang sambit ni pheobe habang nakahawak sa tiyan niya dahan dahan siyang tumayo at nag lakad papuntang pintuan pero dahil sa sakit na kanyang nararamdaman ay napaupo siya bigla.

" K-kudosss!.." nahihirapan niyang sigaw hindi niya inaakala na ganito pala ka sakit pag manganganak kana.

" K-kudos! Love m-manganganak na a-ako k-kudos!!!." malakas niyang sigaw kahit nahihirapan na siya, hindi niya alam kung naririnig siya ng kanyang asawa dahil nasa kusina ito nag luluto.

" k-kapit lang kay mommy.."

" K-kudos m-manganganak na ako.." sigaw niayng muli napatingin siya sa kanyang hita na patuloy parin ang pag daloy ng tubig.

Kumabog ang dibdib ni kudos ng marinig ang sigaw ng kanyang asawa kahit nasa kusina siya nag luluto ay naririnig niya ang sigaw ng asawa niya,

" Shit pheobe!.." pumantig ang kanyang tenga ng marinig ang sigaw nitong manganganak na ang asawa niya agad niyang tinanggal ang apron na sout niya at agad siyang tumakbo papuntang kwarto kung saan sumisigaw ang kanyang asawa.

Pag bukas niya ng pinto ay nagulat siya ng nasa sahig si pheobe.

" Mylove!?.." Mahina niyang sambit.

" B-bilis kudos m-manganganak na ako ahh!.."

Walang sinayang na oras si kudos agad niyang binuhat si pheobe at natatarantang sinakay sa kanyang kotse,

Nang masakay niya sa sasakyan si pheobe ay agad siyang pumasok sa kanilang bahay at kinuha ang mga kailangan ni pheob, napatigil siya saglit ng madaanan ang kusina napamura siya ng makita ang kalan na nakabukas,

" Shit! mukang mawawalan pa kami ng bahay nito." asar na sambit niya at agad na pinatay ang kalan wala pang isang minuto ay bumalik na siya ng sasakyan kung saan nasaan si pheobe, mabilis na pinaandar ni kudos ang sasakyan.

Napakagat siya ng marinig ang sigaw ni pheobe hindi man niya nararamdaman ang sakit na nararamdaman ng asawa niya ay alam naman niyang sa sigaw pa lang nito ay nahihirapan na ito at nasasaktan.

" Mylove Mylove!. Relax.." pag papakalma niya sa kanyang asawa

" p-punyeta ka! pano a-ako kakalma m-manganganak na a-ako b-bilisan mo kudos m-masakit na!!..." sigaw ni pheobe na ikinangiwi niya ngayon lang niya narinig ang asawa niya na pagalit na sumigaw.

Mabilis pa niyang pinaandar ang sasakyan nag papasalamat na lamang siya dahil hindi traffic.

Kinuha niya ang kanyang cellphone at agad na tinawagan ang kanyang ama.

" Dad manganganak na si pheobe, p-pakitawagan na lang po sila nanay.." pati sa pag sasalita ay nanginginig si kudos parang siya ang manganganak sa sobrang nerbiyos.

" Alright, hintayin nyo kami papunta na kami.." mabilis na pinatay ni kudos ang tawag, muling kumabog ang kanyang dibdib ng marinig ang malakas na sigaw ng asawa niya, agad niyang binilisan pa sa mabilis ang takbo ng kanyang sasakyan.

Nang nasa hospital na sila ay agad niyang binuhat si pheobe.

" Damn! where's the doctor Manganganak na asawa ko!.." madiing sigaw ni kudos wala siyang pakeelam kung nakatingin sa kanya ang mga nasa hospital.

Trying To Escape From The Mayor's Son (ES#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon