Pheobe POV
Nakaramdam ako ng maiinit sa muka ko ayaw ko pa sana Imulat ang mga mata ko dahil sa sobrang antok pero dahil sa init na nararamdaman ko ay dahan dahan ko din itong minulat.
Napaupo ako sa kama dahil sa sobrang sakit ng ulo ko naalala ko pala ang ginawa namin nila holy nakatulog na lamang kami dahil sa pinapanood namin.
Matapos ang nangyaring motorboat namin kahapon ay nanatili na lamang kami sa kwarto at nag movie Marathon.
Siguro dahil sa beer na Ininom namin kagabi kaya masakit ang ulo ko, napatingin naman ako kay holy na kakalabas lamang ng cr halatang naligo ito.
"Kanina kapa ba gising?.." tanong ko habang hinihimas ang ulo ko.
"Oo alas nuebe na ng umaga sigurado mamaya aalis na tayo." Saad nito habang pinupunasan ang kanyang ulo.
"Sobrang sakit ng ulo ko dumagdag pa yang araw na tumatama sa muka ko bat ba Kasi bukas yan." Para akong babagsak sa sobrang hilong hilo ako.
"Huh? Hindi ba Ikaw ang nag bukas yan? Kanina kasi pag pasok ko ng cr hindi nakabukas yang bintana.." paliwanag nito napakabit balikat na lamang ako.
"Hoy ano ba ang init.." napahawak batok ako at napatingin sa katabi kong si clara ng mag salita ito
"Gumising kana nga jan it's already nine o'clock in the morning clara.." sigaw ni holy dito.
Bumaba ako sa kama at nag daretso sa cr, grabe Hindi ako makalakad ng maayos Hindi ko alam kung ilang bote ba ng beer ang nainom ko.
Agad akong nag mumog ng tubig at nag hilamos ng muka para akong may blush on sa sobrang pula ng muka ko.
Bigla akong napatigil sa pag hilamos ng pumasok si Xaxy at sabay na sumuka.
"Kadiri ka naman, masama ba pakiramdam mo?.." tanong ko pero umiling lang ito sabay pasok sa banyo.
"Grabe sobrang sakit ng ulo ko, ilang beer ba ang nainom ko hindi kona matandaan." Patanong Kong saad ng makalabas ako ng cr.
"Hindi pa nga nasasauli yung case ng beer, ayun oh!." Napatingin ako sa bintana.
Oo nga nandun pa ang Isang case ng beer grabe naubos namin yun?..
"Bukas na ba yung kainin sa baba?.." tanong ko habang nag tatali ng buhok.
"Oo maaga nag bubukas yun bakit kakain ka?.." tanong ni holy pero umiling lamang ako.
"Hindi bababa muna ako saglit.."
"Gusto mong sumama sakin xaxy?.." sigaw ko sa cr pero tumanggi lamang ito.
Nag paalam ako na saglit lamang ako sa kainan para makapag handa na umalis.
Kinuha ko ang phone ko sa kama at tsaka binuksan ang pintuan ng kwarto namin pero ganun na lang ang gulat ko ng bumungad sakin si kudos.
Nakapamulsa itong nakatayo sa harap ko habang nakasandal sa pader, pilit ko lamang sya nginitian Hindi ko alam bakit nandito sya ng ganito kaaga
Hindi ko din alam pero bigla na lamang akong nawala sa mood pag kagising ko.
Agad kong iniiwasan ang titig nito at nag lakad papuntang kainan. Habang nag lalakad ako ay ramdam ko ang presensya nito na nakasunod sakin.
Nakaramdam ako ng inis Hindi ko naman alam kung bakit pero mas pinilit kong kumalma na lamang.
Tamad kong pinindot ang elevator at hihintay na mabukas ito. Kahit hindi ako lumingon ay alam kong nasa likod ko sya.
Pag bukas ng pintuan ng elevator ay bumungad sakin Ang tatlong taong sakay nito tahimik lamang akong pumasok at sumuksok sa gilid.
BINABASA MO ANG
Trying To Escape From The Mayor's Son ES#1
RomanceSi Pheobe Tadea ay isang babae na mahinhin at ang kanyang hangarin lamang ay makatulong sa kanyang pamilya. Siya ay pumasok bilang isang katulong sa Mansion ng Mayor nang kanilang bayan, ang akala niya ay tahimik ang kanyang magiging buhay du'n ngun...