PHEOBE P.O.V
Lumipas ang gabi ay hindi pa rin nawawala ang kaba at hiya na nararamdaman ko.
Sigurado ako yung sinabihan n'ya pero paano n'ya nalaman?, Naiinis talaga ako sa t'yan ko.
Nasa kwarto lamang ako habang kausap sila mama.
"Opo ma ayos lang po ako.." ilang oras pa lamang akong nahihiwalay sa kanila ay namimiss ko 'na agad sila.
"Mag iingat po kayo jan ah." huling sambit ko at pinatay ang tawag.
Humilata ako sa kama habang nakatingin sa taas hindi ko alam bakit bigla akong napagod ng mabilis o dahil sa sobra sobra lang emosyon ang nararamdaman ko ngayon.
Habang nakahiga ako ay naisipan kong tawagan si trent mula kanina ay hindi ako nakatawag sa kanya.
Nag ri-ring ito pero hindi sinasagot hangggang sa tuluyan ng mamatay, akmang tatawagan ko ulit si trent ng napatayo ako dahil may kumatok sa aking kwarto pag bangon ko ay si clara lang pala.
"Sorry na abala ba kita?" Hingi nito ng paumanhin naka uniform pa rin s'ya kahit naman ako ay naka uniform pa rin hindi pa naman oras ng tapos ng trabaho namin.
"Hindi naman bakit nga pala?" Umiling lamang ako sa kanya.
"Pinapatawag kasi tayo ni manang halika na" nakangiti akong tumungo
Iniwan ko ang phone ko sa kama at inayos ang medyo nagusot kong damit sabay kaming lumabas ng kwarto ni clara.
Pag punta namin sa kusina ay nag aayos si manang.
"Andiyan na pala kayo mag handa na kayo padating na si mayor dito mag hahapunan yun" sambit ni manang
"Opo" sabay naming saad ni clara at nag umpisa mag ayos.
Inayos ko ang lamesa may tumulong sakin dahil sa pag mamadali na biglang dumating ang mayor.
Hinanda na namin ang ulam na niluto ni manang tapos na ang lahat lahat ng may marinig kaming sasakyan na dumating kaya dali dali akong tumabi kay manang nakahilera kami inantay namin kung sino yung dumating.
Nagulat ako ng ang pumasok at dumating ay ang anak ni mayor na nakapolo, ang mga butones pa nito ay nakabukas at napakagulo ng buhok nito na bumabagay naman sa kanya.
"Kudos jusko na bata ka saan kaba galing? ang daddy mo ay paparating na.." nag aalalang sambit ni Manang at nilapitan s'ya.
Nakatungo lang kaming lahat habang si manang ay hindi dahil sinasabihan niya ito.
"Mag ayos kana at parating na ang daddy mo señiorito." muling saad ni manang hindi ko narinig na nag salita s'ya.
Nakita kong tumungo ito at umalis na tinignan ko lang s'ya paalis gusto ko alisin ang tingin ko sa kanya pero hindi ko magawa.
Nagulat ako ng tinignan n'ya ako ng malamig nguni't para sakin ay isang malagkit na tingin yun.
Ayan na naman ang aking puso tumitibok na naman ng mabilis hindi ko alam kung may sakit ba ako.
Umiwas na lang ako ng tingin at hindi pinansin ang ganun n'yang tingin sakin.
Maya maya pa ay nakarinig na naman kami ng sasakyan na paparating alam kong si mayor na ito kaya umayos na kami pag pasok ni Mayor ay sabay sabay kaming tumungo.
"Magandang gabi.." bati nito samin ngumiti lang ako gaya ng ginawa ng iba.
Imbis na sa hapag kainan dumaretso ay sa kanyang silid.
Nakakapagod tumayo hindi ko alam na ganito pala ang trabaho aking papasukan.
Maya maya lang ay bumaba na si mayor, sa pananamit nito ay simple lang hindi kagaya ng nakikita kong sout n'ya umupo ito sa malaking lamesa.
BINABASA MO ANG
Trying To Escape From The Mayor's Son ES#1
RomanceSi Pheobe Tadea ay isang babae na mahinhin at ang kanyang hangarin lamang ay makatulong sa kanyang pamilya. Siya ay pumasok bilang isang katulong sa Mansion ng Mayor nang kanilang bayan, ang akala niya ay tahimik ang kanyang magiging buhay du'n ngun...