CHAPTER 27

23.9K 534 22
                                    

Still Pheobe POV

Pag labas namin ng kwarto ay pumunta agad kami sa elevator madami kaming nakasabay na kasamahan din namin.

Saktong pag labas namin sa elevator ay paalis na ang mga kasamahan namin papuntang resort para Kumain, kaya dinalian namin pag lalakad.

Hindi mo maiwasan hindi tignan ang dagat dahil sa sobrang ganda may mga nag swi swimming na din.

Nakita ko na kinukuhanan nila holy ng picture ang dagat kaya nakigaya din ako ang ganda ng karagatan.

Matapos kaming kumuha ng picture ay saktong nasa harap na kami ng resort kaya pumasok na kami madami ng student na kumakain eto ata ang mga nauna samin.

" Kayo na umorder ni xaxy pb biglang sumakit paa ko.." sambit ni clara habang hinihimas ang paa nito.

" Tanga! Pano namin malalaman yung kukunin naming pag Kain sa inyo kung di namin alam kung ano gusto n'yo.." sagot ni xaxy kaya sumang-ayon ako.

" Kahit ano na lang basta makakain kuha mo din ako desert.." sagot ni ganun din ang kay holy habang nag titipa sa kanyang phone.

" tara na xaxy kahit ano na daw.." Sabi ko at hinila si Xaxy

Pumila na kami kung saan kukuha ng pag kain may pila din sa tabi namin kung san nandun ang mga masasarap na desert

Matapos makakuha ng pag kain Ang nasa harap namin ay kumuha na din kami ni Xaxy

"Napakadaming pag kain ano naman ang ikukuha naten kila holy, nakakainis Ang tamad talaga ng dalawang yun." Reklamo ni xaxy habang hawak hawak ang plato at tinitignan bawat isa sa mga pag kain.

Hindi ko rin alam kung ano ang pipiliin kong pag kain lahat sila masasarap halos mapuno na nga Ang lamesa sa dami nito.

Nag umpisa na akong kumuha ng para sakin muna, pinag iisipan ko kung ano ang kukunin ko para kay clara.

" Hala! Kuya masyadong madami naman yan, bawasan mo po hehe.." nahihiya kong saad kay kuya na nag lalagay ng pag kain.

Masyado kasing madami ang nilagay niyang carbonara sa plato ko kaya pinabawasan ko to babalik na lamang ako pag nagustuhan ko ito.

" Pasensya na ma'am baba--" hindi natapos ni kuya ang sasabihin niya ng biglang sumingit sa usapan namin si sicario hindi ko man lang ito napansin.

" Bawasan mo na lang tapos sa plato ko na lamang ilagay.." napatingin ako kay sicario dahil sa sinabi niya

Nakangiti ito habang kausap yung nag lalagay ng pag kain.

" Ayos lang po ba sir?." Tanong nito na ikinatungo ni Sicario.

" Oo ayan rin naman ang kukunin ko.." nakangiti niyang sambit kaya tumungo ang lalaki at binawasan ang carbonara sa plato ko at nilagay sa plato ni Sicario.

" Uyy sicario nandito ka din pala hindi ka pa ba nakakakuha diba nauna pa kayo samin dito?.." rinig kong sambit ni Xaxy kaya napatingin samin si sicario.

" Oo nga nauna pa kayo samin dito bat ngayon ka lang kumukuha ng makakain?." Dagdag ko bigla naman siyang nakapamot sa ulo habang tumatawa

" May pinuntahan pa kasi ako kanina.." sagot nito kaya tumungo na lamang ako.

" Eto lang po ba ang sainyo ma'am?.."napadako ang tingin ko kay Kuya ng mag salita ito

" Opo ayan lang po" sagot ko

" TekA pb pano nga pala yung kila holy at clara di ba natin sila ikukuha?.." tanong ni xaxy

Oo nga pala nag papakuha din sila ng makakain.

Trying To Escape From The Mayor's Son (ES#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon