PHEOBE P.O.V
Kagat labi akong kumatok sa pintuan na nasa harap ko hindi ko alam bakit na naman ako pinatawag nito.
Kakatok na sana ako ng bumukas ang pinto at may humila sakin,
Nakita ko ang malamig na muka ni señiorito sa sobrang gulat ko ay ang kinalabasan napahiga kami.
Nakahawak ang kamay ko sa mga dibdib n'ya ramdam kong may pumulupot na kamay sa aking bewang.
Nadadaganan ko s'ya gusto ko sana tumayo dahil baka mabigatan ito sakin kaso ang mga mata ni señiorito ay inaakit ang aking mata para nitong hinihila ang mga mata ko na tignan lang s'ya.
"Titigan mo lang ba ako?." napabalik ako sa urirat ng mag salita si kudos.
Ang lamig ng boses n'ya nguni't ang salitang lumabas sakanya ay may kahulugan sakin napapikit ako ng mag umpisa na naman ang ka-demonyo isip ko.
Akmang tatayo ako ng maalala ko ang kamay nito ay nasa aking bewang napalunok ako ng hindi ko alam ang sasabihin.
"Señiorito ang mga kamay n'yo po." sambit ko umiwas ako ng tingin sa kanya dahil nakatitig lang ito sakin ng malagkit.
Muntik nakong mapatili ng pag palitin nito ang mga pwesto namin. Bali nasa ilalim ko na siya at nakaibabaw naman ako sa kanya.
"Señiorito.." mahina kong saad.
Napapikit ako ng lumapit ang muka n'ya sa akin gusto ko s'ya itulak kaso ayaw ng aking mga kamay.
Lumapit pa ng lumapit ang muka n'ya kaya pumikit lang ako.
Napamulat ako ng bumulong ito sakin.
Akala ko naman makukuha n'ya ang dapat ay kay trent pero mali ako.
"Clean my room." malamig na saad nito
S'ya ang unang bumangon dahil nasa unahan ko s'ya bumangon na din ako at inayos ang uniform na sout ko pag tayo ko ay bumungad sakin ang kwarto nitong napaka gulo.
Jusko may dumaan bang bagyo dito.
Kanina lamang pag pasok ko dito ay napakalinis ngayon ay hindi na.
"Bakit parang ayaw mo linisan?" napatingin ako kay señiorito ng mag salita ito.
"Huh?! hindi po sabi ko nga lilinisan ko na." nakangiti kong saad dami daming maid dito bakit ako pa.
Nag umpisa na akong damputin ang mga librong nakakalat tinignan ko si kudos nakaupo lang s'ya sa upuan habang nag babasa ng libro.
Mahilig pala s'ya mag basa ng libro, gusto ko tuloy malaman kung tungkol sa'an ang binabasa nito.
Abala ako sa pag lilinis ng mag ring ang phone ko nag katinginan pa kami ni señiorito ng magulat ko dahil sa bulsa ko ito galing.
Nginitian ko lang si señiorito at tumalikod sa kanya tinignan ko kung sino yung tumatawag pangalan agad ni trent ang bumungad.
Bakit ngayon pa tumawag ito kung kailan abala ako sigurado may ibabalita ito, Pinatay ko ang tawag at nag text sa kanya.
Abala ako kakatype ng may humablot ng phone ko.
Nagulat ako ng nasa harap ko na si kudos hawak ang phone ko nagulat aq ng umigti ang panga nito hindi ko alam kung bakit.
Tinignan n'ya ang phone ko nakakunot noo s'ya habang nag babasa maya- maya pa ay napahawak ko sa bibig ko ng ibato nya ang phone ko sa may pader.
Hindi ko aakalain na ibabato n'ya yun nag umpisa manubig ang aking mata. iniisip ko na yun na nga lang ang bagay na makakatulong sakin para makausap ang pamilya ko.
Hindi ko na kinaya at tumulo na ang luha ko tulala lang ako nakatingin sa phone kong nasa sahig na basag basag na.
"Cellphone are not allowed!, At bawal makipag text kung kani-kanino pag nasa pamamahay ko!" pagalit niyang sambit.
Binaling ko ang tingin ko sa kanya hindi ko pinansin ang luha sa aking mga mata
Hindi ko alam bakit s'ya na gagalit, hindi ko alam kung bakit di n'ya na lang kinumpis yung phone ko at itago.
"B-Bakit mo binato?." mahina pero pagalit kong saad pinilit kong wag mag salita ng pagalit.
"Like what i said no cellphone in this house!." Umiigti na ang panga n'ya at dumilim na din ang awra n'ya.
Huminga ako ng malalim at pinakalma ang aking sarili,
"P-Pero dapat señiorito hindi niyo na binato" umiiyak kong saad.
Hindi ko na kinaya sobra akong nasaktan kahit cellphone lamang yun ay mahalaga yun sakin dahil kung wala yun hindi ko makakausap sila mama.
Tumalikod na ako gusto ko ng lumabas dito sa kwartong ito.
Hahakbang na sana ako paalis ng hilahin ni kudos ang aking braso kaya napaharap ako sa kanya
Saktong pag harap ko ay nanlaki ang aking mata sa ginawa n'ya hinalikan n'ya ako. Lumapat ang labi n'ya sa labi ko ilang segundo akong tulala ng ma realize ko ang ginawa niya ay tinulak ko ang kanyang dibdib nguni't mas lalo uminit ang halik niya sakin ng hawakan niya ang aking batok ngayon ang kanyang halik ay nakakalunod at nakakalasing para akong pinaparusahan nito sa mga halik n'ya.
"Hey dude akala ko ba aal— what the hell bakit kayo nag hahalikan?." Naitulak ko ng malakas si kudos ng may pumasok sa kanyang kwarto.
"Caleb sinong nag hahalik—oh! sino tong magandang babae na kasama mo sa kwarto kudos?." nagulat ako ng may isa pang lalaking pumasok.
"Fuck! you two what are you doing here?" inis na sambit ni kudos at tumayo.
Napaupo kasi ito sa pag kakatulak ko.
"Bobo kaba dude? sabi mo aalis tayo kaya sinundo kana namin tapos nakakapag halikan ka lang p—" hindi na natuloy ng lalaking nakapula yung sasabihin n'ya ng binato ito ng libro ni kudos.
"Shut up caleb!." malamig na sambit ni kudos.
"Bakit ang dami kong nakikitang magandang babae dito sa mansion n'yo kudos?." nakangising sambit ng lalaking naka black na polo
Nakikinig lang ako sa kanila.
"Leave now pheobe." napatingin ako kay kudos ng mag salita ito.
Tumungo lang ako pati sa dalawa nitong kasama dali dali akong lumabas ng kwarto narinig ko pa ang sinabi ng lalaking nakapula na kinahiya ko
"Masarap ba kudos?" rinig kong sambit nito napahawak na lang ako sa tenga sa sobrang hiya.
Pag dating ko sa kusina ay kumuha agad ako ng tubig habang umiinom ako ay nakita ko si clara na tila na may sinasabi.
"Gwapo gwapo nga sama naman ng ugali pasalamat s'ya bata s'ya." bulong bulong nito na tila naiinis.
Nilapitan ko to at kinalabit.
"Clara ayos ka lang" nagulat ako ng sumigaw ito.
"Wahh impakrito!." sigaw niya.
"Jusko pb nanjan kana pala bakit nang gugulat ka." inis na saad nito tinawanan ko lang sya.
"Ayos ka lang bakit parang bwisit na bwisit ka?" natatawa kong saad tinignan ko ito hindi ko mabasa ang reaksyon ng muka n'ya.
"Wala may lalaking bwisit lang na nakapasok dito sa mansion." sambit niya at nag lakad paalis.
Hindi ko sya maiintindihan kaya nag kabit balikat na lang ako.
Muli ko na naman naalala yung phone kong nabasag n'ya at yung halik.
BINABASA MO ANG
Trying To Escape From The Mayor's Son ES#1
RomanceSi Pheobe Tadea ay isang babae na mahinhin at ang kanyang hangarin lamang ay makatulong sa kanyang pamilya. Siya ay pumasok bilang isang katulong sa Mansion ng Mayor nang kanilang bayan, ang akala niya ay tahimik ang kanyang magiging buhay du'n ngun...