CHAPTER 6

40.1K 930 76
                                    

PHEOBE POV

Hangggang sa mag hapon ay hindi parin mawala sa isip ko ang halik na kinuha sakin ni kudos, Imbis na itulak ko ito ay hindi ko ginawa dahil ang halik nito ay nakakalasing.

Tulala lamang akong nag pupunas ng mga plato na hinuhugasan ni clara, kanina ko pa din napapansin na tila naiinis ito.

Napatalon ako sa gulat pati si clara ay nagulat din dahil kay manang,

"Clara! Pheobe! anong nangyayari sa inyong dalawa?" Nag aalalang sambit ni manang.

Hindi ko namalayan na nasa harap na pala namin si manang.

"Po? pasensya na manang may iniisip lang" sambit ni clara na tila parang nakakita ng multo.

"Sorry po manang." hingi ko ng tawad at tinuon ko na lamang muli ng pansin ang pag pupunas ng plato

Kinalabit ko si clara na seryosong nag huhugas kaya naagaw ko ang atensyon nya.

"Clara may load kaba pahiram ako mamaya ah." pakiusap ko

Dahil nga sa sinira ng walang hiyang si kudos ang phone ko ay hindi tuloy ako nakatawag sila mama

"Sige, pero nasaan ba ang phone mo?" nag tataka s'yang tumingin sakin

"Ah basta mamaya ikwe-kwento ko sa'yo" nakangiti kong saad tumungo lamang sya.

"Itigil n'yo muna yang dalawa dahil may iuutos ako." napatingin ako kay manang dahil sa sinabi nito.

Pumunta ito sa ref at nilagyan ang baso ng juice inayos ko muna yung mga plato na pinunasan ko at nilapitan si manang

"Ano po ba yun manang?" saad ko tinignan ko lang si manang

Nilagay n'ya ang tatlong baso ng juice sa may tray,

"Pakidala to sa may poll area nanduon ang mga kaibigan ni señorito nakiusap ito sakin na mag dala ng meryenda dun.." nagulat ako sa sinambit ni manang

Pero mas nagulat ako sa reaksyon ni clara dahil sumigaw ito

"Po!? Sa mga kaibigan ni señorito!?" pati si manang ay nagulat din hindi ko talaga maiintindihan si clara dahil kanina pa ako na wi-weirdahan sa kanya.

Nang ma realize n'ya ang ginawa n'ya ay nang peace ito

"May problema ba clara?" Tanong ni manang umiling lang si clara at humingi ng tawad

Kahit ayoko ay wala akong magawa dahil isa ito sa mga trabaho ko ayoko makita ang anak ng mayor dahil hindi lang sa phone ko na nasira nya kundi dahil sa halik.

Napabuga ako sa hangin ng maalala ko hindi ko pala nakuha phone ko sa silid nito,

Maya maya pa ay inabot na samin ni manang ang tray parehas kami ng hawak ni clara

Wala akong nagawa kundi sumunod si clara ang naunang mag lakad nakasunod lang ako sa kanya.

Nang malapit na kami sa pool ay parang gusto umatras ng paa ko sa sobrang kaba,

Nadatnan namin sila na busy sa kanilang mga phone naagaw agad namin ang atensyon ng kaibigan ni kudos,

Dahan dahan kong nilagay ang tray ng pagkain sa katabi nilang lamesa ganun din ang ginawa ni clara

Pag kalagay namin ng tray ay yumuko na kami bilang pag galang tumalikod na kami at aalis na sana ng marinig ko ang boses ni kudos

"Stay here." rinig kong sambit ni kudos tinignan ko si clara kung sino ba ang sinabihan ni kudos

"Gaga ikaw daw dun ka muna" bulong nito habang nakangisi

"Samahan mo 'ko diba sabi ni manang dito lang daw tayo.."bulong ko din pero umiling lang sya

Trying To Escape From The Mayor's Son (ES#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon