PHEOBE P.O.V
Nagising ako sa ingay na naririnig ko galing sa baba namin pag mulat ko ay hindi ko na katabi ang aking kapatid.
Tinignan ko ang orasan namin alas otso na ng umaga kaya naman pala maingay na dahil gising na ang lahat.
Nag ayos muna ako ng aking sarili bago lumabas ng kwarto dahil mamaya maya ay kailangan ko umalis upang mag hanap ng trabaho.
Ayoko na kasing pag sakahin ang aking ama dahil naawa na ako sa kalagayan n'ya.
Pag kababa ko ay bumungad sakin na kinakausap ni mama ang kapit bahay namin.
"Nay para saan po yan?" pag tatanong ko dahil may hawak s'yang papel tinignan ko ang kapit bahay namin.
Grabe s'ya makatingin sakin ah.
"Anak hindi ba't nag hahanap ka ng trabaho? Tignan mo ito at basahin mo anak" binigay sakin ni nanay ang papel na hawak niya.
"Mare sigurado ka bang itong anak mo ang papapasukin mo du'on napakaganda nito at hindi mapapag halataan na isang katulong." nagulat ako sa sinabi ng aming kapit bahay.
hindi lang sa pagiging chismosa magaling ang mga kapitbahay namin pati sa pang pupuri din hindi na ako nagulat sa sinabi n'ya.
Pag sasama ako kay mama mamalengke ay pinupuri ako dahil napakaganda ko daw na bata, manang mana daw ako kay nanay hindi na bago sakin ang pag pupuri nila.
Binasa ko ang papel at nagulat ako ng trabaho nga ito naghahanap ang mayor ng mga katulong na di aabot hangggang 18 pababa sakto ay 19 na ako kaya pwede akong pumasok dito.
Hindi naman ako mapili sa trabaho kahit anong trabaho pa yan ay papasukin ko basta para sa pamilya ko.
"Nay ayos na 'tong trabaho na ito, ate mag kano po ba ang sweldo dito?" Tanong ko sa kapitbahay namin.
"Sigurado kaba na papasok ka jan?" Sambit ng kapitbahay namin at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"Oo naman po hindi naman ako mapili sa trabaho" nakangiti kong sagot at tinignan si mama na nakangiti din sakin.
"Fifty Thousand kada buwan ineng kasama na ang pag kain at duon ka din matutulog" halos manlaki ang aking mga mata sa sinabi n'ya sakin hindi ko akalain na ganun ang sweldo.
“F-fifty thousand?.” Gulat kong sabi.
Oo nga pala sa mayor ako mag tra-trabaho, mayor ng bayan namin.
“Ano papasok kaba o hindi?.”Muling tanong nito
"Opo papasok po ako" nakangiti kong saad ayoko mahiwalay sa aking pamilya nguni't sayang ang swe-swelduhin ko. ang grasya na ang lumalapit sa akin tatanggihan ko pa ba.
"O siya! umpisahan mo na ang pag iimpake ikaw ang huling kasambahay, bukas ay sasama ka sakin." nanlaki ang mata ko dahil bukas agad ako mag kakaroon ng trabaho.
"Opo maraming salamat po" aliw kong saad tumungo ito at umalis na, Hindi ko mapigilan mapangiti at yakapin si Nanay
"Mag kaka trabaho na'ko nay!" sambit ko habang yakap yakap s'ya hindi na kailangan mag tra-trabaho ni tatay
"Mag iingat ka dun anak tatawag ka palagi sa'amin" sambit ni mama sakin habang nakayakap sakin.
"Mukang ang saya n'yo mag ina ah? anong nangyayari?" Napatingin ako kay papa kasama niya ang kapatid kong babae.
"Etong anak mo mag kakatrabaho na" nakangiti sagot ni nanay nilapitan ko si tatay at niyakap inaalalayan ko s'yang umupo dahil sabi sakin ni nanay ay sumasakit na daw ang likod ni tatay
BINABASA MO ANG
Trying To Escape From The Mayor's Son ES#1
RomanceSi Pheobe Tadea ay isang babae na mahinhin at ang kanyang hangarin lamang ay makatulong sa kanyang pamilya. Siya ay pumasok bilang isang katulong sa Mansion ng Mayor nang kanilang bayan, ang akala niya ay tahimik ang kanyang magiging buhay du'n ngun...