CHAPTER 32

24K 515 21
                                    

Pheobe POV

4 pm na ng hapon kanina pag kakain namin sa resort ay hindi na kami bumalik sapag swimming dahil giniginaw na din kami, kahit hapon na ay madami parin ang tao sa dagat madami pa dun ang swi swimming at nag bababad sa araw.

" San ba kasi nag punta yung punyetang clara na yan.." napatingin ako kay holy ng marinig itong napapamura na habang tinitawagan si clara.

Kanina pa namin hindi kasama yun nagulat na lang kami ng wala ito dito sa kwarto ni hindi man lang nag paalam..

" Hindi nya ako sine-seen, baka naman may pinuntahan lang hintayin na lang natin.." sagot ko dito sinubukan ko I chat si clara pero kahit ako ay hindi nito sine seen.

" Baka naman nag hanap ng bebe boiz bwisit talaga yang impakrita na yan hindi nang sasama.." reklamo ni xaxy habang nakadapa sa higaan nila ni holy.

" Ano kayang ginagawa ng babaeng yun boring na boring tayo dito tapos sya baka nag papakasaya.."dagdag ni holy

Sabagay may point sya amboring nga dito sa kwarto..

" Hoy! Pheobe tignan mo nga yung papel na nasayo, tignan mo kung ano pa pwedeng puntahan dito.." kalabit sakin ni holy

Wala akong nagawa kundi halungkatin yung bag ko at hanapin yung papel na sinasabi niya.

Kanina pa kasi kaming alas dos dito at sobrang nakakainip nga..

Agad kong tinignan ang papel ng mahanap ko ito..

" Teka.." agad akong nag hanap na pwede namin puntahan

" Bar lang ang nandito.." saad ko habang nakatingin parin sa papel agad na lumapit sakin si holy at tinignan din ang papel

" ayun oh pwede natin gawin.." agad akong tumingin sa tinuro ni xaxy Hindi ko napansin na nasa tabi ko pala sya...

" Bonfire at 6:30 pm.." rinig kong basa ni holy na ikinatawa namin

" Meron pa with beer and foods.. so pwede tayo kumain at mag inuman habang nag no bonfire.." napatakip ako ng tenga ng tumili si xaxy

" Pwede na yan maganda yan Hindi Tayo maboboring ng ilang oras dito sa kwarto.." nakangiti kong saad na ikina sang ayon ni holy

Hindi ako umiinom pero kumakain pwede na tsaka masarap pag masdan ang mga bituwin sa langit pag gabi...

" Excited na ako anong oras na ba?.." tanong ni xaxy pag tingin ko sa oras ay 5:20 na agad ang bilis ng oras

" 5:20 na grabe ang bilis ng oras parang minuto lang.." sambit ko

" Pano pag hinanap tayo ni clara?.." dagdag ko pa

Nag uumpisa na kasi mag handa sila holy..

"Text mo sya kasi naman San ba nag pupunta yung babaitang yun.." inis na saad ni holy

Habang nag aayos ako ay pana'y ang text ko parin kay clara hindi ko alam kung lobat ba sya o ayaw nya lang mang seen

Nag palit ako ng damit ko ng kulay itim akong damit at red na di gaano ka iksing short pinalitan ko Ang puti kong t-shirt dahil sa buhangin kami uupo

" Tara na antagal niyo namang dalawa.." reklamo ni xaxy halatang kakatapos lang nito magayos.

" Mag hintay ka Wala pa naman 6:30 teh!.."sagot ni holy habang nag me make up ito

Ilang minuto lang ay natapos na kami sa pag aayos lumabas na kami ng kwarto namin at dinala ko din ang phone ko dahil gusto ko kunan ng litrato ang mga bituwin..

Pag kalabas namin mismo ng hotel ay natanaw agad namin ang mga apoy na nag liliyab, ganitong oras pala ay may mga ng uumpisa ng mag bonfire.

Agad kaming pumunta nila holy kung saan makukuha yung mga kahoy na gagamitin namin, Sabi sa papel ay hindi kami Ang gagawa nito dahil may mga tauhan daw silang gumagawa nun..

Trying To Escape From The Mayor's Son (ES#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon