Pheobe POV.
Puro lang kami tawanan dahil sa dalawang nag aasaran sa harap namin na si Xaxy at caleb talaga naman ayaw ni xaxy kay caleb dahil sa mapang asar nga ito palagi kasing pisngi ni xaxy ang inaasar ni caleb..
" Isasaksak ko na sa'yo tong stick na hawak ko punyeta ka." Asar na saad ni xaxy
" Mag saksakan na lang kayo napakaingay nyong dalawa." Sabat ni holy dahil kanina padin ito inaasar ni peyton na katabi niya.
Habang nanonood ako sa kanilang dalawa na nag aasaran ay nakaramdam ako na parang may pulupot na kamay sa aking bewang,
Dahil sa ginawa ni señiorito ay hindi ako makagalaw feeling ko ay nakakulong ako sa mga kamay nito.
Muli nanaman akong nakaramdam ng init sa aking muka isabay mo pa ang kabog na nararamdaman ko.
Akala ko ay ayun lang ang gagawin ni señiorito pero mali ako dahil gamit ang malaki niyang kamay at braso ay binuhat nya ako sa bewang at inilapit pa sa kanya.
Hindi ko alam kung napapansin ba kami nila holy. akala ko ay bibitaw na sya sa pag kakapulupot ng kamay nya sa bewang ko pero mali ako dahil hindi nito tinanggal ang pag kakayapos sakin..
Napako ako sa kinauupuan ko ng isiksik nito ang kanyang muka sa aking leeg.
"Pheobe.." Hindi ko alam pero nahahaplos nya ang puso ko sa pag banggit nya ng pangalan ko
Para itong isang magandang musika sa aking tenga ang kaninang kabog na aking naramdaman ay biglang nag laho.
Feeling ko ay naging komportable ako sa ginagawa nya.
Hindi ko alam bakit ko hinahayaan na gawim niya yun sa akin kahit alam ko sa sarili ko na gusto ko syang iwasan kung ganito naman ang pinaparamdam nya.
"S-Señiorito lasing kana ba?.." sambit ko at dahan dahan inilalayo ang kanyang ulo sa aking leeg.
Hindi dahil sa ayaw ko, dahil sa baka mahuli kami nila holy dahil sigurado akong mag uumpisa na naman silang mang asar.
Hindi niya ako sinagot at imbis na maalis ko ang kanyang ulo sa aking leeg ay mas lalo pa niya itong siniksik
Hindi ko maiwasan hindi maamoy ang kanyang pabango at ang beer na iniinom namin.
Tinignan ko sya hindi ko alam kung lasing na ba siya.
"Hoy mag laro na lang tayo truth or dare.." Napatingin ako kay xaxy ng tumayo ito habang winagayway ang bote na hawak nya.
"Ayoko nga may sikret ako na hindi n'yo dapat malaman duh!!." Sagot ni clara habang kumakain ng sushi
"Ikaw na lang mas maganda pag masdan ang bituwin kesa sa makipag laro sa inyo.." walang kaganang ganang saad ni holy.
Tinignan ako ni xaxy na para bang nag tatanong kung gusto ko pero umiling lang ako,
Ang kaninang nakasimangot nyang muka ay napalitan ng ngisi ng mapansing naka yakap sakin si kudos.
"Kayo boys gusto n'yo ba sumali?.." tanong ni xaxy pero iling lang ang natanggap niya kila peyton at demiter na umiinom ng beer
"Arggh!! Ano pa at nag bonfire tayo kung di tayo mag lalaro nito."
"Ako gusto ko gusto mo tayo na lang dalawa?.." natawa ako dahil sa sagot ni caleb nag uumpisa na naman itong mang asar.
Inirapan lang sya ni xaxy at bumalik ito sa pag kakaupo.
Paubos na ang beer namin naka tatlo lang ata ako, Hindi ko alam kung nakailangang beer sila holy.
BINABASA MO ANG
Trying To Escape From The Mayor's Son ES#1
Lãng mạnSi Pheobe Tadea ay isang babae na mahinhin at ang kanyang hangarin lamang ay makatulong sa kanyang pamilya. Siya ay pumasok bilang isang katulong sa Mansion ng Mayor nang kanilang bayan, ang akala niya ay tahimik ang kanyang magiging buhay du'n ngun...