CHAPTER 8

38.1K 941 68
                                    

Pheobe POV

Nagising ako dahil sa phone ko na ginawa kong alarm clock pag tingin ko sa phone ko ay alas sais na ng umaga

Hihiga pa sana ulit ako para sa limang minuto na tutulog ulit ng mapabangon ako dahil sa phone na hawak ko nag taka ako pero kalaunan ay na realize ko na binigay pala ito ni kudos.

Tsaka ko lang din naalala na kaya pala ako nag puyat ay dahil sa phone na to inayos ko kasi hindi ko alam kung paano gamitin

Halos mainis nga ako kasi gusto kong tanggalin yung pa box sa screen kaso ayaw, bwisit naman hangggang ngayon ay ayaw pa rin matanggal.

Napatigil ako sa pag kakalikot ng phone ko ng biglang may kumatok at bumukas ito si clara lang pala hindi ito naka uniform naka pang ali's ito

"Goodmorning kakag—" hindi niya natuloy ang sasabihin n'ya, bigla s'yang lumapit sakin at gulat na gulat sa phone na hawak ko

"Te? ano yan? hala iPhone! pheobe saan galing to?" Sunod sunod n'yang tanong

Nag dadalawang isip ako kung sasabihin koba pero sabagay alam n'yang nasira phone ko.

"Bigay ni señorito sabi n'ya magagamit ko daw ito sa school.." saad ko tumingin ito sakin sabay tawa

"Te hindi tayo online class pinagsasabe mo? teka may naapakan akong mahabang buhok.." sambit niya habang tumatawa

"Baliw hindi pang online class basta hinagis na lang sakin eh" naiiling kong saad kinuha nya ito ay kinalkal

"Ay teh ang ganda Iphone 12 to hala bagong labas.." mangha niyang sambit sakin

Gusto ko sana ng kagayang phone ni clara vivo yung bibilhin ko tas Iphone dumating sakin.

"Clara tignan mo yang box na yan sa screen ko yung maitim bat ayaw maalis?" Tinuro ko sa kanya yung nasa screen ko

Tinignan n'ya ako at tinawanan hindi ko alam kung ano ang nakakatawa bakit s'ya tumatawa

"Bakit clara anong nakakatawa?"tanong ko pero tawa lang ito ng tawa

"Nusko teh sa'ang earth kaba galing hindi mo alam gamitin itong Iphone.." natatawa n'yang saad hindi ko alam kung mahihiya ako o maiinis

"Hindi ko nga alam basta alisin mo na lang yun.." saad ko at tinuro yung itim na box sa screen ko

"Gaga ka di maalis yan nandian na talaga yan.." natatawa saad nito kunot noo ko lang s'yang tinignan

Lumapit sya sakin at tinuro niya kung paano gamitin yun napapikit na lang ako sa hiya dahil ganun lang din pala gamitin yun

"Ano ayos na jusko teh dami daming ibibigay sa'yo ni senyorito bakit tatak Iphone pa.." sambit niya sakin pero nag kabit balikat lang ako

"Halika na samahan mo ako sa bayan may pinapabili si manang para sa lulutuin" tumungo lang ako

Kaya pala nakabihis ito at di nakauniform

"Sige mag bibihis lang ako" nakangiti kong sambit

Lumabas na s'ya ng kwarto ko nag umpisa na akong mag ayos nakapantalon lamang ako na may dalawang butas sa bandang hita ko, nag t-shirt ako na puti na medjo malaki sakin at inipit ang buhok ko dahil sa alam kong mainit sa labas,

Pag tapos kong mag ayos ay lumabas nako ng kwarto ko

Pag dating ko sa kusina ay nakita ko na kinakausap ni manang si clara kaya lumapit nako sa kanila

"Oh! s'ya nandito sa papel na ito ang lahat ng bibilhin n'yo isama n'yo si manong popoy para hindi na kayo mag lalakad.."

"Kailangan mabili n'yo lahat yan dahil sunod sunod ang bisita mamaya ni senyorito at yung pamangkin ni mayor ay pupunta dito.." paalala ni manang samin kaya pala sobrang daming bibilhin at binigay na samin ang pera pang gastos

Trying To Escape From The Mayor's Son (ES#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon