CHAPTER 28

23.7K 485 26
                                    

Pheobe POV

Habang kumakain kami ay bigla na lamang namin narinig ang boses ni ma'am kaya lahat kami ay napatingin dito.

" For now Wala munang mag swi swimming mag fo focus muna tayo sa gagawin natin mamaya, and sa mga nag tatanong kanina kung ano ang mga activities na gagawin natin," seryosong sambit nito

Buti na lamang ay malakas ang boses ni ma'am kaya naririnig namin ito, lahat ay seryosong nakikinig sa kanya.

" Well actually hindi naman madami yung mga activities n'yo, dahil malapit na ang magaganap na binibining kalikasan at Ms Lucian ay tayo ang naantasan gumawa ng mga sosoutin nila.."

Hindi na ako nagulat sa sinabi ni ma'am dahil alam ko naman na ayun ang gagawin namin dahil dala namin ang mga binili namin ni Sicario.

" I'm sure mabilis lang natin magagawa yun dahil madami tayo galingan na lang natin then, after that pwede na kayo mag swimming gawim niyo lahat ng gusto n'yo dahil bakasyon n'yo naman ito.." lahat ay nag sihiyawan at masasaya dahil sa sinabi ni ma'am

Matapos yun ay saktong tapos na din kaming Kumain, sinabi din ni ma'am na pumunta kami sa may kubo na malaki.

Sinadya ko ng mauna pero hindi pa ako nakakalabas ng resort ng may humablot ng kamay ko, butI na lamang ay pinigilan kong sumubsob sa kanyang dibdib.

Dahan dahan kong inangat ang aking ulo tinignan niya ako ng umiigti ang panga..

" we'll talk later pheobe.."kumabog ang aking dibdib dahil sa sinabi nito sumabay dito Ang mga mata niyang nag liliyab

" T-teka s-senyorito.." utal kong saad pero hangggang dun lamang ay nasabi ko dahil hinila na ako nito palabas ng resort at sumunod sa mga classmate ko.

Kame mag uusap? Hindi... Hindi pwede. Bakit kami mag uusap ni senyorito ano naman ang dapat namin pag usapan?..

Naguguluhan na naman ako...

Hindi ko maalis ang kamay ko sa pag kakahawak nya gusto ko man tong tanggalin ay hindi ko magawa napakahigpit ng pag kakahawak nya na animoy ayaw pakawalan ang aking kamay.

Sabay kaming pumunta sa malaking kubo na sinasabe ni ma'am napakalawak nga nito at siguradong makakagawa kami ng maayos.

Nang bitawan nya ang kamay ko ay agad akong lumayo sa kanya ng konti, tahimik lang laming dalawa at hindi sinasabayan Ang mga ingay ng mga classmate ko.

Nakarinig ako ng may tumawag sa pangalan ko, pag linggon ko ay si Sicario lang pala,kasama nya Ang mga class officer namin habang dala dala ang mga gamit na gagamitin namin.

Sumenyas ako na susunod na lamang ako, akmang tatayo ako para sumunod sa kanila ng may humawak ng aking kamay, pag linggon ko ay si senyorito walang emosyon na nakatingin sakin, pero ang mga tingin nito ay sinasabing wag ako umalis.

" Kudos..." Sabay kaming napalingon ni senyorito ng may tumawag sa kanya na babae Hindi ito pamilyar sakin pero sure akong kilala yun ni senyorito.

Hindi ko na sinayang ang oras inalis ko ang kamay ko sa pag kakahawak nya at tumayo nilingon ko si senyorito pero hindi ito tumingin sakin.

Nang aalisin ko na Ang tingin ko sa kanya ay tsaka ko nakita na tumingin ito sakin..

Bago pa sya mag salita ay umalis na ako papunta kila sicario..

" Ayan na na lahat ng gamit para sa gagawin mating costume?.." tanong ko na ikinalingon nila sicario.

Umupo ako sa tabi nila, nakapabilog kami at ang kaharap namin ay sila kudos, buti na lamang at malawak ang kubo kaya malayo sya samin.

Trying To Escape From The Mayor's Son (ES#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon