CHAPTER 56

21.1K 689 70
                                    

Pheobe POV

Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata ng may maramdaman akong mabigat na nakadagan sa aking tiyan.

Hindi na ako nagulat sa bumungad sakin hindi ko maiwasan hindi mapangiti ng muka ni kudos ang nakita ko nakayakap ito sakin at ganun din ako sa kanya.

Nakangiti lamang ako habang nakatingin sa napaka gwapo niyang muka, dahan dahan kong inalis ang pag kakayakap ko sa kanya tinignan ko ito kung nagising ba dahil sa ginawa ko pero hindi man lang jto gumalaw.

Umayos ako ng higa.

Hindi ko mapigilan hawakan ang pilik mata niyang mahaba, para siyang isang maamong tigre habang natutulog.

Titig na titig lang ako sa napakagwapo niyang muka habang hinihimas ng mga daliri ko ang kanyang pilik mata.

Nagulat ako ng biglang dumilat si kudos para akong hindi makalunok.

Ang kaninang maamong muka ay  napalitan ng isang malamig na tingin.

" G-goodmorning.." hindi ko maiwasang hindi mautal.

Hindi ako nito sinagot bigla na lamang nito hinawakan ang aking ulo at siniil ng halik.

Para akong hihimatayin dahil sa ginawa niya.

Nakakahiya hindi pa ako nag sisipilyo, pero bakit kahit kakagising niya lang ay napakabango pa rin ng kanyang bibig at napakatamis ng kanyang laway.

" Para san yun?.." tanong ko habang nakatingin sa kanya

Umayos ito ng higa at sumandal sa headboard ng kanyang kama.

" My goodmorning kiss.." sagot nito hindi ko mapigilan hindi hawakan ang aking labi.

" Why you want more?.." gulat akong tumingin dito tsaka ko ito binato ng unan.

" k-kudos nakakadami kana ah hindi na tama yun.." mahina ngunit may pag ka asar na saad ko sa kanya.

Nag init ang aking pisngi ng natatawang nilapit nito ang kanyang muka sakin.

Para akong nakakita ng gwapong anghel.

" Tama yun dahil pag mamay-ari kita kahit anong oras pwedeng pwede kitang halikan.." agad akong napaiwas at tinulak si kudos ng mahina.

Ramdam ko ang init ng aking pisngi kahit hindi ko makita ang istura ko alam kong namumula ako.

" t-tumigil kana nga kakahalik.." pinilit kong mag salita ng pagalit para ipakita na hindi ako natutuwa sa ginagawa niya.

Pero kahit anong gawin ko ay hindi ko magawa yun dahil kahit nagagalit o umiyak ako hindi nag babago ang tono ng aking pananalita.

Mabilis kong tinanggal ang kumot na nakapulupot sakin at tumayo hindi pa ako nakakahakbang ng marinig ko itong mag salita.

Bakit kahit sa pag sasalita ni kudos ay para akong nanginginig sa takot,

" Where are you going?.." seryosong sambit niya.

" Babalik na ako sa kwarto ko baka may iutos sakin si manang.." sagot ko sa kanya.

Ilang araw na akong natutulog sa silid ni kudos alam kong mali yun pero kahit anong tanggi ko ay namimilit ito, minsan nga ay napunta pa siya ng kwarto ko dis-oras na ng gabi.

2am nagugulat ako na bigla na lamang niya nabubuksan ang pintuan ng kwarto ko, nilolock ko yun dahil alam kong pupunta siya ng kwarto ko para yayain sa silid niya matulog.

Minsan nga ay nagigising na lamang akong buhat buhat niya na pa bride style papunta sa kwarto niya.

Kahit anong takas ko sa ginagawa ni kudos ay hahanap parin ito ng butas para makuha ako.

Trying To Escape From The Mayor's Son (ES#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon