Pheobe POV
Papunta na sana kami ni kudos sa kanyang silid ng makasalubong namin sila mika at pinapasabi nito na pinapatawag lahat ng istujante dahil may ia-announce daw yung nag babantay saming guro.
"Ah sige mika salamat pupunta na kami..." Nakangiti kong saad hindi man lang tinapunan ng tingin ni kudos ang mga kasamahan nya at para pa itong naiinis..
Nang makaalis sila mika ay agad akong hinila ni kudos at patuloy na pumunta sa kinaroroonan ng kwarto nya pero pinigilan ko ito..
"Teka kudos saan tayo pupunta?.." saad ko ng mapigilan ko ito pero tinignan lang nya ako ng blanko at agad na binitawan nya ang kamay ko
"In my room.." blanko nyang sambit at akmang hihilahin ulit ako ng pumalag ako.
"Pinapatawag tayo ng nag babantay satin baka mahuli tayo.." saad ko na ikinainit ng muka niya
Problema ng lalaking to..
"Tsk!.." rinig kong saad niya.
"Sige na tara na baka importante yung ia-announce satin.." saad ko at hinawakan ang kamay nya na ikinatingin nya sakin.
Bigla naman akong nahiya dahil sa tingin nya kaya agad kong binitawan yun.
"In one condition?.." napatingin ako sakanya dahil sa sinabi niya
Kundisyon? Bat may ganun pa,
"Ha? Isang kundisyon?" Nag tataka kong saad pero hindi man lang ito tumungo at hindi rin nag bago ang kanyang reaksyon.
Naman bakit kailangan pa nun kung pwede lang tumakbo at iwan na lang Sya kanina pa sya bigla na lang nang hahalik.
"Kailangan pa ba yun?.." nag tataka ko muling saad na ikinatungo na nya..
"Yes kung ayaw mo dumaretso na tayo sa kwarto ko.." nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nito
Sa kwarto nya? Hindi Hindi ayoko na pumasok dun, napabuntong hininga na lamang ako habang nakatungo nakatayo siya sa harap ko habang nakapamulsa..
"Ano bang kundisyon yun?.." Hindi ko alam bakit ako kinakabahan habang sinasabi yun.
Napa-angat ako ng tingin ng dahan dahan itong humakbang papalapit sakin tsaka nilapit ang muka sa tenga ko..
"Kiss me.." tumaas ang balahibo ko dahil sa sinabi nya at agad ko syang naitulak ng mahina, Iwas ko syang tinignan.
"A-Ano? halik na naman?.." saad ko
Nakakailang halik na sya sakin tapos halik na naman.
Matapang ko syang tinignan kahit buong katawan ko ay kinakabahan na umiling ako tsaka inumpisahang mag salita..
"H-hindi ayoko mauuna na ako.." utal kong saad tsaka tinalikuran sya akmang hahakbang na ako paalis ng pigilan ako nitonat hinarap sa kanya..
Bigla nitong hinapit ang aking bewang at inilapit sa katawan nya sobrang higpit ng pag kakayapos ng kamay niya sa bewang ko kaya di ako makaalis..
Napapikit ako ng dahan dahan niyang nilapit ang kanyang muka sakin.. hinantay ko na lumapat ang kanyang labi sa labi ko pero ganun na lang ang pag kamulat ng mata ko ng maramdaman ko ang kanyang labi sa aking noo
Natigilan ako dahil sa ginawa nya at hindi ko inaasahan na gagawin nya yun.
Nag tama ang tingin namin pero seryoso lang nya ako tinignan..
"I'm just kidding, masyado na akong inaakit ng labi mo.." napanganga ako dahil sa sinabi nya
Dahan dahan niyang tinanggal ang kanyang kamay sa aking bewang at hinawakan ang kamay ko hindi ko alam pero hindi ko maalis ang tingin ko sa muka niyang napaka perpekto..
BINABASA MO ANG
Trying To Escape From The Mayor's Son ES#1
RomanceSi Pheobe Tadea ay isang babae na mahinhin at ang kanyang hangarin lamang ay makatulong sa kanyang pamilya. Siya ay pumasok bilang isang katulong sa Mansion ng Mayor nang kanilang bayan, ang akala niya ay tahimik ang kanyang magiging buhay du'n ngun...