CHAPTER 60

25.1K 799 47
                                    

PHEOBE POV

Kabado akong nakatingin sa salamin na nasa harap ko ngayon inayos ko ang mahaba kong buhok at pilit na ngumiti pero kahit anong ngiti ko ay hindi maiibsan ang kabang aking nararamdaman ngayon.

Kanina pa ako hindi mapakali dahil mula ng sabihin sakin ni kudos na ngayon ang dating ng kanyang mommy ay parang sasabog ang dibdib ko sa kaba hindi lang dahil dun.

Dahil balak din akong ipakilala ni kudos sa kanyang ina at kapatid na babae.

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil ipapakilala na ako ni kudos sa nanay niya, o dapat akong kabahan dahil baka hindi ako magustuhan nito.

Sinabi ko sa kanya na wag na niya akong ipakilala sa mommy niya pero katulad ng inaasahan ko ay hindi siya pumayag.

Hindi ko alam kung anong rason bakit gusto akong ipakilala ni kudos sa kanyang mommy dahil higit sa lahat ay hindi naman ako girlfriend ni kudos.

Hindi ko alam kung anong klaseng ina ang mommy ni kudos dahil eto ang kaunang unang makikita ko ang mommy niya.

Pero sinabi naman sakin ni kudos na katulad ko daw ang mommy nito, hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Relax pb ipapakilala ka lang naman niya sa mommy niya bakit ka kinakabahan.." pag papakalma ko sa sarili ko

Bahala na siguro ay pipigilan kona lamang si kudos na ipakilala niya ako sa mommy niya.

Huminga ako ng malalim at naisipan ng lumabas ng silid ko para tumulong sa mga gagawin sa kusina.

Habang nag aayos kami ng lamesa at nag hahanda ng hapunan ay sinasabayan ko din yun ng pag hihintay kay kudos na bumaba siya.

Mula kaninang umaga ay hindi ko pa nakikita si kudos.

"Manang bumaba na po ba si kudos dito kanina?.." hindi ko maiwasang hindi mag tanong kay manang.

Hindi naman sa na miss ko ito o gusto ko tong makita dahil balak ko siyang kausapin na wag na ituloy yung binabalak niyang ipakilala ako.

"Hindi pa iha sa pag kakaalam ko wala si kudos jan kasama siya ng daddy nya mukang susunduin nila ang mommy niya.." para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa sinabi ni manang.

"bakit mo pala natanong?.." napaangat ako ng tingin dahil sa muling tanong ni manang.

"Wala po manang, ako na po ang mag tutuloy niyan.." sagot ko at tsaka agad na iniba ang pinag uusapan namin.

Hindi ko alam bakit ako pinag papawiasan habang nag hihiwa ang ng sibuyas at luya para sa lulutuin namin.

Hindi ako mabilis mapagod kaya walang rason para pag pawisan ako ng sobra hindi ko mawari kung dahil ba ito sa kabang aking nararamdaman.

Pinilit kong alisin sa ang gumugulo na kung ano sa aking isipin at tinuon na lamang ang pansin sa mga ginagawa ko.

"Pheobe! Halika na nandian na sila.." para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko, kasabay nun ay ang pag tigil ko sa aking ginagawa.

Ramdam ko ang pag hawak ng isang kamay sa aking braso agad kong nilingon at bumungad sakin ang nag aalalang muka ni clara.

"Te? Para ka namang nakakita ng multo ah, ayos ka lang ba?.." saad nito sakin agad akong umiling para ipaalam na ayos lang ako

Akmang mag sasalita na ako ng makarinig kami ng isang busina ng sasakyan, nag katinginan kaming dalawa ni clara.

"Sabi sayo eh nandian na sila dalian mo.." nag mamadaling sambit nito sakin.

Trying To Escape From The Mayor's Son ES#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon