CHAPTER 68

24.1K 650 64
                                    

PHEOBE POV

Ilang linggo na mula ng mahanap at makita ni kudos ang dalagang si pheobe ,ilang linggo na rin siyang nasa bahay nila pheobe para mabantayan ang dalaga, hindi akalain ng dalagang si pheobe na magtatagal siya ng ilang linggo sa bahay nila para bantayan siya,

Sa ilang linggo na yun hindi maitatanggi ni pheobe na nahulog muli siya kay kudos hindi niya alam kung sapat na ba ang nakikita niya para mapatawad ang binata para muling bigyan ng pag kakataon si kudos na muling mahalin niya.

Muli na naman siyang inakit ng binata gamit ang mapanuksong mata nito alam ni pheobe na isa sa kahinaan niya ay ang mga mata ni kudos na sa tuwing titignan niya ito ay hindi lang init ang nararamsdamn niya kundi ang kabog ng kanyang dibdib na nagpapahiwatig na nakuha na nga siya ng buo ni kudos hindi lang ang kanyang katawan kundi ang kanyang puso,

Nakuha na naman ni kudos ang kanyang tiwala kahit di aminin ni pheobe alam niya sa sarili niya na mahal pa niya ito

Ilang beses niyang tinatanong ang kanyang sarili kung tama ba na hayaan muli si kudos na mapapalapit s kanya gayong sinaktan na siya nito at sinabi niya sa sarili niya na kakalimutan na niya ang binata.

Ibang iba ang kudos na nakikita ngayon ni pheobe ngayon naging sweet ito maalagain ayaw na ayaw niyang mag kikikilos ang dalaga , kung minsan nga ay nag tatalo pa silang dalawa dahil minsan siya ang gumagawa ng lahat, gustong mainis ni pheobe dahil hindi siya minsan kapag pahangin dahil palaging nakabuntot sa kanya si kudos

Ilang beses ng pinagsasabihan ni phoebe ang binata imbis na siya ng mainis o magalit ay nagiging baliktad dahil pag hindi sumunod sa kanya ang dalaga ay dinadaan niya sa malamig na expression o hindi kaya sa kamanyakan.

Nagugulat na lang siya dahil kahit nasa harap ng kanyang ama at ina ay nagagawang mag sabi ng kung anong malalaswa si kudos sa kanya dahilan ng pamumula niya.

Pasimpleng nakatingin si pheobe kay kudos habang nakangiti habang nag papaligo ng baka kung saan ginagamit minsan ng ama ni pheobe para sa pag aararo ng tanim.

Hindi maiwasan ni pheobe ang mapalunok dahil kahit ang duming tignan ni kudos ay napaka hot parin nito parang inaakit siya ng katawan ng binata, ang walong matitigas na dibdib ni kudos ay may putik putik pa nakabrown na pantalon ang binta habang nakahubad ito.

Dahil sa itsura ng binata ay tiyak na lahat ng babae ay maaakit niya at hindi nga nag kamali si pheobe dahil lahat ng dumadaan na kababaihan ay napapalingon sa kanilang bukid kung saan nanduon si kudos habng tinutulungan ang kanyang ama.

Napailing na lamang siya nakalimutan pala niyang isang anak ng mayor ang kanyang tinitignan, kilalang kilala si kudos sa kanilang bayan dahil bukod sa anak ito ng mayor ng bayan nila habulin din ito ng mga kababaihan, hindi alam ni pheobe kung bakit siya pa ang napusuan ng binata gayong madami naman ang nag kakagusto dito na mas maganda pa sa kanya.

Napabalik sa urirat si pheobe kaya nawala ang pag sulyap niya kay kudos ng lumapit sa kanya ng kanyang ina.

" Wala ka bang balak patawarin siya anak? walang mangyayari kung iiwasan mo lang siya.."

" hindi mo siya kayang itulak palayo sayo kung may nararamdaman ka pa para sa kanya." saglit na natahimik si pheobe dahil sa sinabi ng kanyang ina.

Tama nga ito dahil hindi talaga magagawang kalimutan ng dalaga si kudos lalo na't mahal pa niya si kudos mas lalong lumalalim ang pagmamahal niya kay kudos.

" sapat na ho ba ang ilang linggong pamamalagi niya dito para makita ko ang pagbabago niya?.." tulalang sambit ni pheobe habang nakatingin parin kay kudos.

May kung anong nararamdaman siya sa kanyang dibdib ng masilayan ang ngiti at tawa ng binata habang nakikipag tawanan sa kanyang ama, mahigit ilang buwan mula ng masilayan niya ang ngiti ng binata.

Trying To Escape From The Mayor's Son (ES#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon