CHAPTER 64

20.3K 721 71
                                    

                             [ 5 MONTHS LATER]

PHEOBE POV

limang na buwan na simula ng malaman kong buntis ako, habang tumatagal lumalaki ng lumalaki ang tiyan ko hindi ko akalain na ganito pala pag buntis bukod sa hirap akong kumain ang nakakain ko lamang ay ang mga gusto kong kainin.

Sabi ni mama ang paglilihi daw ay hanggang limang  buwan lang pero bakit limang buwan na itong dinadala ko pero imbis na minsan lang ako kumain ng mga pinag lilihi ko ay parang walang nangyayari mas lalo akong nagiging matakaw sa paglilihi hindi ko alam kung ganito ba pag buntis kada minuto ako ginugutom.

Minsan nga madaling araw pa lang ng alas dose ay pinapasugod ko si papa para lang bumili ng mangga para gawing manggo shake at strawberry kung minsan pa ay pag hindi ako nabibilhan naiiyak na lang ako hindi ko alam kung bakit para akong bata.

Ayokong nahihirapan tatay ko pero ako naman itong nag papahirap dahil lang sa pag lilihi ko minsan pa pag walang na bibilhan na strawberry ay napupunta pa ng ibang bayan si papa para lang bumili.

Nalaman ko sa doctor na 2 weeks pregnant ako ibig sabihin simula ng umalis ako ng mansion ay may bata na akong dinadala sa aking sinapupunan, dahil nga sa buntis ako bawal na akong mag suot ng kung anong anong damit kailangan kong mag suot ng daster gaya ng sout ko ngayong kulay red na daster.

Nandito ako ngayon sa bukid nakaupo ako sa damo kung saan may latag ng banig at kumot parng nag pipic nick lang ako kung saan pinagmamasdan ang mga halaman na sumasayaw dahil sa hangin mas gusto kong nahahanginan ang buong katawan ko kesa nasa loob ng bahay pakiramdam ko ay hindi ako napapakali.

" ate tulala ka na naman.." napabalik ako sa urirat ng marinig ko ang boses ng kapatid ko lumaki ang aking mata ng makita ang dala dala nitong manggo shake at straberry.

" May iniisip lang ako.." ngiting sambit ko bigla na lamang akong natakam agad lumapit sakin ang kapatid ko tsaka binigay sakin yung manggo at strawberry.

" grabe ka naman ate pang anim mo ng kain niyan ngayon araw ah.." nangiwi ako sa sinabi ng kapatid ko pansin ko ang pag titig nito habang nakanganga.

Hindi ko napansin na pang anim na pala ito mula kanina ay kada oras ay inaatake ako bigla ng pag lilihi.

" hindi po ba sasakit tiyan mo niyan ate baka mapano si baby.." nag aalalang sambit nito mabilis kong nginuya ang strawberry at sinagot siya.

" Mas lalong sasakit tiyan ni ate pag hindi ako kumain ng mga ito piona, tsaka hindi lang naman ako ang may gusto nito pati din si baby.." ngiti kong sambit 

Ramdam ko ang pag hawak niya ng aking tiyan at hinimas.

" ang laki agad ng tiyan mo ate akala ko po busog ka lang.." natawa ako dahil sa sinabi ni piona 

" may busog bang kada minuto lumalamon?" 

" oo nga noh." sabay kaming natawa ng kapatid ko sobrang bata pa ni piona para maintindihan ang nangyayari sakin,

Napatigil kami sa pag tawa ni piona ng maramdaman ang biglang sipa sa aking tiyan nag katinginan kami ni piona alam kong naramdaman din niya yun dahil ang kamay niya ay nasaaking tiyan.

" a-ate may gumalaw.." masayang sambit niya ngiting ngiting tumungo ako \

Hindi lang ngayon araw sumipa ang anak ko dahil kahit nung nakaraan ay muli siyang sumipa para itong nakikipag laro ng ewan palagi kong pinakikiramdaman ang tiyan ko simula ng maramdaman ko ang pag sipa niya.

" PHEOBEEEEEEEEE!"

" PBBBB!" 

Napatigil kami sa pag tawa ni piona ng makarinig kami ng isang sigaw kilala ko ang boses na yun agad akong humarap sa likod halos lumuwa ang mata ko ng makita sila holy clara ar xaxy na tumatakbo papunta sa kinaroroonan namin.

Trying To Escape From The Mayor's Son (ES#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon