CHAPTER 35

24.5K 511 34
                                    

Pheobe POV

Pag kalabas namin ng elevator ay agad na hinawakan ni kudos ang aking kamay na animoy ayaw ng pakawalan kaya hindi ko ito matanggal

Sabay kaming pumunta ni kudos sa resort may nakakasabay din kami na kasamahan namin na papunta duon kahit na tirik ang araw ay madami pa rin ang mga nag swi swimming.

Pag dating namin sa resort ay saktong madami na ang tao madami na ang kinakain.

Habang papunta na kami ni kudos sa pilahan ng may tumawag ng pangalan ko.

" Phoebeee, dito.." napalingon ako sa tumawag pero walang bumungad sakin kilala ko Ang tumawag dahil kaboses ito ni holy

Nilibot ko ang tingin ko para alamin kung sino yung tumawag .

" Pheobe Dito..." Nakita ko sila xaxy na nakaupo sa malaking lamesa na nasa gilid kasama nila ang mga kaibigan ni kudos..

Hindi na ako nag dalawang isip na puntahan sila hinila ko si senyorito at pumunta kila holy..

" Aba mag kasama kayo ah!.." bungad na saad ni holy habang nakangising nakatingin samin ni kudos..

" San ka natulog ah?.." dagdag ni clara habang umiinom ng tubig pansin ko na walang pag Kain na nakahain sa lamesa

Di pa ba sila kumakain?..

" Sa kwarto ko siya natulog.." napapikit ako dahil sa sinabi ni kudos naunahan pa ako nitong mag salita

Nakita ko naman ang mga reaksyon nila si holy ay nakanganga ganun din si Xaxy habang si clara naman ay natapon na Ang tubig na nasa bibig nya dahil sa pag kanganga nito

Agad naman syang sinakluban sa bibig ng towel ni demiter pero iniwas niya lang ito..

" Ha? Sa kwarto mo i-ibig sabihin mag katabi kayo matulog?.." dahil sa tanong nito ay mas lalo akong nag init gusto ko ng mag palamon sa lupa..

Bago pa makasagot ni senyorito ay iniba kona ang usapan..

" Hindi pa ba kayo kumakain u-umorder na kayoo.." ilang kong saad at umupo sa may tabi ni holy na ngayon ay nakatingin sakin..

" Hindi pa hinahantay kasi namin kayo napadami ba?.." nakangising saad ni holy sa mga sinabi nito ay para syang may pinapahiwatig..

" Order na kayoo.." pilit kong sabi Ang mga tingin sakin ng tatlo ay para akong kakainin dahil sa sobrang mapangasar nilang tingin.

Nag pabili ng order sila holy at xaxy kila peyton at caleb akmang tatayo ako para umorder na din ng pag kain ng pigilan ako ni senyorito.

Sinabi nito na sya na ang o order pero mapilit ako.

" A-ako na lang k-kudos.." saad ko pero tinignan lang ako nito ng malamig kaya wala akong nagawa kundi ang tumayo sabihin Ang o orderin nito sakin..

" Ako na lang din bibili ng order mo bawl mapagod ang matanda.." napatingin ako kila clara at demiter ng nag aasaran nanaman ito

Halata sa muka ni clara na naiinis na sya

" Punyeta ka!.." asar na saad nito pero imbis na sagutin sya ni demiter ay kinindatan lang sya nito nakita ko ang pag irap ni clara pero mapapansin mo sa muka nito na medjo namumula yun..

Tawang tawang umalis si demiter sa harap nito pati kami ay natatawa na din..

" Oh! Bakit kayo tumatawa para kayong sira.." asar na saad nito

" Sus bakit ka namumula aber?. Don't tell me may ginawa kayong kababalaghan sa kwarto ni dem-- aray letche ka!.." napatigil si Xaxy sa pag sasalita ng batuhin ito ng bote ni clara

Trying To Escape From The Mayor's Son (ES#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon