CHAPTER 66

30.2K 805 80
                                    

PHEOBE POV

Tahimik ko lamang ginagalaw ang pagkain na nasa aking harapan habang tulala, hindi ako makakain ng maayos dahil sa matang niyang maya't maya ang tingin sakin hindi ko alam kung sinasadya ba ni kudos na sagutin ang tanong nila mama sa kanya kada sagot niya sa tanong nila papa ay napapatingin ito sakin.

Hindi ko talaga akalain na pupunta siya dito hindi ko alam pano niya nalaman kung saan ako nakatira.

Halos himatayin ako hindi dahil sa nakita ko siya kundi dahil sa kabog ng aking dibdib, ganito pa rin ba ang mangyayari kada makikita ko siya?.

Mula ng Makita ko siya ay parang bumalik ang sakit na aking nararamdaman bumalik ang malakas na kirot sa aking dibdib ng makita ko siya.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko kung maiiyak ba ako o maiinis o ano naguguluhan ako.

Nang lapitan ako ni kudos kanina ay agad kong iniwas ang aking braso parang ayaw ko maramdaman ang balat niya sakin.

Hindi ko alam kung namamalik mata ba ako dahil nakita ko kanina sa kanyang mata ang pag kadismaya at ang biglang pag lungkot ng mata ni kudos.

"Anak bakit hindi mo ginagalaw ang pag kain mo?.." napabalik ako sa urirat ng marinig ko ang boses ni mama

Pilit akong ngumiti.

"Busog pa ho ako ma.." walang halos emosyon kong sambit para akong nawalan ng gana kumain hindi ko alam para akong nag uumpisang makaramdam ng kung anong emosyon.

"Do you want something?.." saglit akong natigilan tila may kung anong dumaan na hangin sa aking harapan ng marinig ko ang boses ni kudos.

Hindi ko alam pero nang marinig ko ang boses niya ay parang gusto kong umiyak para akong biglang nasaktan.

Hindi ito gaya ng boses na naririnig ko sa kanya, hindi yun malamig kundi Isang malambing na boses na tila nag aalala.

Ang boses na minsan ko ng narinig sa kanya ang boses na naririnig ko lamang sa kanya pag nilalambing niya ako.

Bakit parang nakakaramdam ako ng pangungulila. Na miss ko ba ang boses na yun o dahil sa loob ng limang buwan na hindi ko narinig ang boses na yun ay na miss ko ito.

"Ate alam mo ba siya yung mabait na pogi na tumulong sakin kagabi.." nagulat ako sa narinig ko napatingin ako agad kay Piona dahil sa sinabi niya

Tinignan ko siya nakangiti lamang siyang tumungin sakin at agad na ngumuya akala ko ay nag bibiro lamang siya pero halata sa kanyang mata ang pag sasabi ng totoo.

Tila kumabog ng mabilis ang dibdib, kaya pala nakakaramdam ako ng kakaiba kagabi.

"Bakit ano bang ginawa mo kagabi Piona?.." rinig kong tanong ni mama..

"Kukuha po sana ako ng mangga pero sabi ni kuya pogi sama daw po ako sa kanya para bumili na lang sa talipapa ng mga strawberry.." Saad nito habang may pag kain pa sa bibig.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa kanya pala nanggaling ang mga yun akala ay sa kapitbahay namin na pinagkuhanan namin minsan.

"Ganun ba.. nako iho dapat hindi kana nag abala na bumili ng prutas dahil madami naman kaming pag kukunan.." sambit ni papa

Tila para akong hangin na nakikinig sa pag uusap nila.

"It's okey po gusto ko din maging healthy ang magiging anak namin ni pheobe.." napaubo ako bigla dahil sa sinabi ni kudos.

Nakangiti itong nakatingin sakin na ikinaiwas ko.

Wala naman akong kinakain pero bakit bigla akong nasamid.

Trying To Escape From The Mayor's Son ES#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon