Madiing nakatingin si kudos kay pheobe na nag lalakad papasok ng kanilang bahay.
Tatlong araw na mula ng sabihin sa kanya ng kaibigang si peyton ang lokasyon kung saan makikita ang dalaga, tatlong araw na din siyang nag mamasid sa dalaga halos abutin na siya ng gabi at kung minsan pa ay sa mismong sasakyan na Niya siya nagpapalipas ng gabi.
Hindi niya malapitan ang dalaga at tanging tingin lang ang nagagawa niya, mula ng makita niya muli ang dalaga ay muling namuntawi ang pangungulila niya dito.
Bahagya pa siyang nagulat ng makita ang itsura ng dalaga, ngayon lang niya naintindihan ang sinabi ng kaibigan at hindi nga nagkamali ang kutob niya.
Nabuntis nya ang babaeng nangiwan sa kanya limang buwan ang nakalipas muli niya itong nakita habang dinadala ang kanilang anak mas lalong nag sisisi si kudos sa ginawa niya sa dalaga.
Gusto niya itong lapitan hagkan at muling angkinin, gusto niyang himasin ang tiyan nitong lalong lumalaki, at higit sa lahat gusto niyang makasama ang dalaga.
Halos hindi na siya makatulog kakaisip sa dalaga at nasan ito ngayong makita man niya ito akala niya ay madali niya itong makukuha pero nag kamali siya dahil sa sitwasyon ng dalaga ay mukang mahihirapan siyang bawiin at makuha ito
Nakahinga siya ng maluwag ng makitang maayos na nakapasok ang dalaga sa kanilang bahay, agad niyang sinuot ang kulay itim na sumbrero at tsaka lumabas ng kanyang sasakyan, kahit napakasimple lamang ng suot ni kudos ay naagaw parin ng atensyon niya ang mga tao sa paligid.
Naagaw ng atensyon ni kudos ang batang babae na may hawak na bilao na bilog na may tira tira pang strawberry nakita kasi niya ang bata na kausap ang dalagang si pheobe.
Dumaan ito sa kanyang harap akmang lalagpasan siya nito ng bigla niya itong tawagin hindi niya ito gaano masilayan dahil sa kanyang subrero nakayuko lamang si kudos tila para siyang may tinataguan.
Pansin niya ang paa ng batang babae na papalapit na sa kanya.
"Bakit po?." agad siyang nag angat ng tingin tila natigilan si kudos ng masilayan ang muka ng batang babae hindi niya alam kung namamalik mata lang ba siya kahawig ng batang kaharap niya ngayon ang babaeng si pheobe.
Saglit siyang natigilan ng makita ang maamo din na muka ng batang babae
"Kano ano mo yung kausap mong babae kanina?.." seryosong panimula ni kudos agad niyang tinanggal ang black shades at kanyang sumbrero pansin niya ang pag kurap ng batang babae na tila natigilan.
"Hey.." tawag nya muli sa bata ng hindi ito mag salita
"Huh? ate ko po.." sagot ng bata na ikina gulat ni kudos.
Napatingin si kudos sa mga strawberry na dala dala ng bata, parang may kung anong pag iisip ang kamay ni kudos at kumuha ng isang strawberry.
"Hala! wag mo pong kunin yan.." napatingin siya sa bata ng mag salita ito kunot noo niya itong tinignan
"Why?.." malamig niyang tanong
Saglit na tumingin ang batang babae sa kanilang bahay at lumapit lalo kay kudos tsaka binulungan ito.
"Magagalit po si ate kasi bilang niya yan.." bulong ng bata sa kanya hindi niya alam bakit bigla siyang napangiti sa sinabi ng bata..
Tinignan niya lamang ang bata at agad na kinain ang strawberry na hawak niya nagulat ang bata sa kanyang ginawa.
"Hala! kuya bakit mo kinain nabawasan na tuloy.."
"P-Papagalitan ako ni ate yan.." nauutal na dagdag ng bata.
Nginuya muna ni kudos ang strawberry na nasa kanyang bunganga at tsaka hinawakan sa buhok ang batang babae.
"We can just buy another strawberry.." nakangiting sambit ni kudos nag tataka siyang tinignan ng batang kapatid ni pheobe na animoy parang hindi naintindihan ang sinabi ni kudos.
BINABASA MO ANG
Trying To Escape From The Mayor's Son ES#1
RomanceSi Pheobe Tadea ay isang babae na mahinhin at ang kanyang hangarin lamang ay makatulong sa kanyang pamilya. Siya ay pumasok bilang isang katulong sa Mansion ng Mayor nang kanilang bayan, ang akala niya ay tahimik ang kanyang magiging buhay du'n ngun...