CHAPTER 7

39.3K 982 190
                                    

Pheobe POV

Nang matapos ako sa trabaho ko ay pumunta ako sa kwarto ni clara para sana hiramin ang phone nito.

Nakailang katok ako bago niya buksan hindi na sya naka uniform siguro ay patulog na.

"Uy phoebe pasok ka." nakangiti n'yang saad sakin kaya pumasok ako kung ano ang laki ng kwarto ni clara ay ganun din ang akin.

"Ah clara pwede kona ba hiramin phone mo?.."nihiya kong saad sino ba naman ang hindi mahihiya hindi kasi ako sana'y na humawak ng phone ng iba

Hangggang ngayon ay hindi ko pa nakukuha ang phone ko sa silid ni kudos gusto ko sana kunin at tignan kung gumagana pa.

Hindi pa kasi ako nakakabili ng phone mula ng masira ang phone ko ay hindi kona nakausap ng tawagan si trent na boyfriend ko.

Hangggang text na lamang kami minsan ay nag tatampo s'ya pero sinabe ko na lamang na babawi ako

Ngayon ako babawi kakausapin ko sya nanlumo ako dahil sa naalala ko ang pinag saluhan namin ni kudos na halik

Feeling ko ay sobra sobra akong nag kasala kay trent ni hindi ko mabigay ang unang halik ko sa kanya pero sa anak ng mayor ay sobrang dali lang,

"Sure ka teh hindi mo sasabihin sa jowa mo yung nangyari sa inyo ni señorito?.." Naga-alalang tanong ni clara

"Oo, sobra akong nag sisisi sa nangyari." malungkot kong saad

Hindi ko alam bakit ganun na lang ang dilim ng awra nya sakin pag nakikita ko syang tinitigan ako

Lumabas na ako ng silid ni clara at pumunta malapit sa hardin dito kasi masyado maganda ang signal kaya makakausap ko ng maayos si trent

Nakailang ring pa ay napangiti ako ng sinagot n'ya nga

"Hello trent" mahinhin kong saad

"Mahal buti at tumawag ka miss na miss na kita.." sa boses pa lang nito ay sobrang tamlay na,

"Pasensya kana mahal nasira kasi ang phone ko hindi pa ako nakakabili.." malambing kong saad

Hindi ko mapigilan maluha namuo sa mga mata ko dahil sa sobrang maiintindihin ni trent at sobrang lambing ay hindi ko akalain na magagawa ko sa kanya yun.

Gusto kong sabihin sa kanya dahil nangako ako sa kanya na di ako mag lilihim sa kanya pero eto ang ginagawa ko

Hindi ko masabi sa kanya ang nangyari dahil ayoko nag aaway kami at nagagalit sya,

Habang nag uusap kami ay hindi ko mapigilan mapangiti dahil tinupad nga nya ang tinext nya sakin na pupuntahan niya sila ina para kamustahin,

Hiniling ko sa kanya yun dahil sa hindi ko nakakausap ng maayos si mama at papa

"Oo mahal kasama ko mag aral si clara" masaya kong sambit kwinento ko sa kanya lahat,

"Hayaan muna babawi na lamang ako sa'yo mah—" hindi ko na tapos ang sasabihin ko ng mapatayo ako sa kinauupuan ko dahil sa may humablot ng phone ni clara

Pag harap ko sa taong humablot ng phone ni clara ay bumungad sakin ang umiigting panga ni kudos,

Nanlamig ako dahil sa tingin nito para itong papatay ng wala sa oras hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko,

"S-Señorito" kinakabahan kong saad sa hawak pa lang nito sa phone ni clara ay sobrang diin na.

KInakabahan ako baka pati phone ni clara ay madamay

"Who's that!? Sino yung kausap mo?." Pagalit nitong saad mas lalo akong natatakot kumakabog ang aking dibdib pag ito ay mag tatagalog

Hindi ko alam kung bakit kailangan pa pagalit ang tanong niya kung sino kausap ko,

Trying To Escape From The Mayor's Son (ES#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon