CHAPTER 70

33.6K 900 103
                                    

Huminga ako ng malalim at pilit na pinapakalma ang aking sarili, ang tibok ng aking dibdib ay mas lalong bumilis habang ang kamay ko ay nanginginig habang hawak hawak ang wedding bouquet, eto na yun eto na yung araw na pinaka hihintay namin ni kudos ang sabay na humarap sa altar habang nangangako sa isat isa.

Kasabay ng pag bukas ng malaking pinto ng simbahan ay ang pag hawak ni papa ng aking kamay at inilagay sa kanyang braso. alalay na alalay ako nila mama sabay sabay kaming naglakad papasok ng simbahan.

Hindi ko mapigilang hindi maiyak ng makita ko si kudos parang gusto kong tumakbo papunta sa kanya para yakapin siya, kitang kita ko ang pag angat ng kanyang kamay para pumasan ang kanyang muka.

Ang sarap sa pakiramdam na mag lakad papasok sa simbahan habang naka wedding gown ka habang hinahantay ka ng lalaking mahal mo, sa araw na ito ay masasi kong matatali na ako kay kudos, hindi ko akalain na ganito pala ang pakiramdam na maikasal sa taong mahal mo, ang sarap sa pakiramdam.

"Hindi ko lubos maisip na ikakasal na ang panganay ko.." napasinghap ako ng marinig ang sinabi ni papa habang nag lalakad kami.

"Ayokong malalayo ka samin ng mama mo pero dadating talaga yung araw na mag kakaroon ka ng sarili mong pamilya.." humigpit ang hawak ko sa bouquet at mas lalong naiyak.

"Hindi ba kayo masaya na ikakasal na ang anak nyo pa?" mahina kong sambit.

"Masaya, lalo na ako ang mag hahatid sayo sa altar at mag pipigay ng kamay mo sa lalaking mahal mo." hindi ko mapigilang hindi mapatigin kay papa kasabay nun ay ang pag tigil ko sa pag lalakad.

Saglit akong tinignan ni papa at ngumiti sabay tungo.

Muli kong hinakbang ang aking paa papunta sa lalaking mahal ko.

Napangiti ako ng makita ang mga kaibigan kong sina holy habang nakatingin din sakin nag flaying kiss pa si xaxy na ikinatawa ko, hindi ko akalain na ako ang unang maikakasal saming apat parang nung nakaraan lamang ay tinatanggi ko sa kanila na hindi ako mag papakasal pero dahil kay kudos ay nakain ko ang mga sinabi ko.

Pati ang mga kaibigan ni kudos ay nasa kasal din namin, si peyton ang naging best man ni kudos.

Isang hakbang na lamang ay nasa harap na namin si kudos, kitang kita ko ang luha sa kanyang mata namumula na din ang tenga.

"Nay, tay.." sambit ni kudos at niyakap si mama at papa natawa ako ng tapikin ni papa si kudos sa balikat.

"Oh! ayan na ang kamay ng anak ko. umayos ka alagaan mo si pb wag na wag mo ng muling sasaktan ang panganay ko." seryosong sambit ni papa.

"Opo tay hinding hindi kona sasaktan ang anak nyo.." seryosong sambit ni kudos habang nakatingin sakin.

"Wag ho kayong mag alala tito sa dami ba namng luha ni kudos kanina talagang di niya sasaktan si pheobe.." natatwang sambit ni peyton pero napadaing ito ng sikuhan siya ni kudos na ikinatawa ko.

"Alagaan mo ang anak ko iho, maging matatag at masaya kayo.." nakangiting tumungo si kudos kay mama

Nang mahawakan ni kudos ang aking kamay ay dinampian niya agad ito ng isang halik na ng patulo ng butil ng luha sa aking pisngi.

"Grabe ang ganda ng magiging misis ko.." hindi ko mapigilang hindi mapangiti at kiligin, dahil sa sinabi niya ay mahina ko siyang nahanpas sa balikat.

"Ganda mo palagi.." paos na bulong niya sakin habang nakangiti parang tumalon ang puso ko sa tuwa.

"Kudos naman ikakasal na nga tayo pinapakilig mo pa ako.." nahihiya kong sambit, hindi niya ako sinagot dahil pinisil lamang niya ang aking kamay.

Sabay kami ni kudos na humarap sa pari naging tahimik ang paligid, muli na naman tumibok ang puso ko.

Trying To Escape From The Mayor's Son ES#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon