CHAPTER 22

33.1K 657 18
                                    

Pheobe POV

Maaga akong nagising dahil sa phone kong ina alarm ko 5:50 pa lang kaya makakapag asikaso pa ako sabi naman ay ang alis daw ng bus na sasakyan namin ay 7:30.

Nag umpisa na akong maligo at mag ayos. Lahat ng dadalhin ko ay nasa gilid yung bag ko dalawa lang dala ko yung maleta ko na kulay itim tapos yung bag ko pang school.

Matapos maligo ay agad akong nag bihis nag pantalon ako na kulay black sabay terno na kulay red na spaghetti sando, habang nag aayos ako ng buhok ko ay biglang may kumatok.

Kaya dali dali ko tong binuksan, bumungad sakin si clara at holy na naka ayos na parehas silang naka pantalon parang fashion model talaga pomorma si holy may sun glasses pa ganun din si clara dahil simple lang ang sout nito.

"Akala namin tulog ka pa" sambit ni holy ng makapasok ito ng tuluyan sa kwarto ko

"Seryoso ka teh ayang bag lang yan na dadalhin mo Isang linggo tayo sa tagaytay." Singit ni clara

"Oo bakit saktong sakto yan sa Isang linggo nating bakasyon" sagot ko habang tinatali ang aking buhok

"Ang aga n'yo naman ata kanina pa kayo gising no?" Dagdag ko kumuha ako ng simpleng jacket sa kabinet ko, since naka sando lang ako tapos naka bus pa kami.

"Oo si holy kinakalabog ako sa kwarto" reklamo ni clara nag umpisa nanaman mag bangayan ang dalawa.

"Hindi ka naman siguro excited noh holy" natatawang komento ni clara kay holy

" Si Xaxy nga nakaalis na mag commute na lang daw syaa papuntang school kasi nga diba bawal dalhin ang mga kotse" mabahang paliwanag ni holy

" Mag co commute din tayo papuntang school?" Tanong ko na ikinailing ni clara

"Hindi nakiusap ako kay manong popoy na ihatid tayo sa school" paliwanag ni holy na ikinatungo ko na lang.

Natapos akong mag ayos ay tsaka kami lumabas ng kwarto ko , nadatnan namin si manang na nag aayos ng almusal akmang tutulungan namin to nila clara ng tumanggi ito

"Baka madumihan pa ang mga damit niyo maupo na kayo jan holy, Kumain muna kayo baka mahaba byahe n'yo.." sambit ni manang

"Baka nga po hapon na kami makarating dun" nakangiting paliwanag ni holy

"Sabay na kayo samin manang" alok ko kaya tumungo ito para kaming mag kakapamilya.

"Kumain muna kayo kasi nag almusal pa naman si popoy " sambit ni manang

"Manang ano pong sabi ni mayor pumayag po talaga sya?" tanong ko dahil hindi naman kasama sa trabaho namin yun.

halos hindi na kasi nakakauwi ang mayor dito sa mansion dahil may eleksyon na mgaganap.

"Oo tsaka sanabi din ni señiorito sa daddy nya na isama ka" bigla akong naubo sa sinabi ni manang

Kaya napatingin sakin sila si clara at holy ay ngisi ngisi akong tinignan

"Bakit iha may nasabi ba akong mali?" Tanong ni manang na ikinailing ko lng.

"Sinabi talaga yun ni kudos manang?" Tanong ni clara na animoy kinikilig.

"Naks ako'y natatamaan na ni kupido~~" kanta ni holy habang kumakain

"Bakit anong meron?" Tanong ni manang pero pinanlakihan lang siya ni holy na animoy may pinapahiwatig

"Kain na lng po tayo manang" alok ko dito pero para itong natatawang tumingin sakin

Hindi ko na lamang sila pinansin at Kumain na lamang ng maayos, matapos ang pag aalmusal namin ay kinausap na namin si manong popoy para umalis dahil pasado 6:30 na.

Trying To Escape From The Mayor's Son ES#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon